Gabby Concepcion on being linked to different women in the past: “Sa tunay na buhay gusto na nating kalimutan yun pero dahil nasa industriya tayo kailangan nating may pinaghuhugutan."


Sobrang excited na si Gabby Concepcion sa pagrolyo ng camera para sa bago nilang pelikula na remake ng Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi.


Kuwento niya sa Ang Latest: Uplate noong February 13, “Ako, excited ako na makakasama ko ulit yung si Alice Dixson, si Cristine Reyes, kasama si Dina Bonnevie, ang original story nito ay ginawa ni Danny Zialcita. Maganda 'to, ito yung Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi. It was done in 1983, kung nakita niyo yung original movie, yung karakter ni Dindo Fernando, involved siya sa lahat ng characters, involve siya kay Dina, kay Alice at kay Cristine.”

Ang pelikulang ito ay ginawa ng Viva Films noong 1983 na pinagbibidahan nina Dindo Fernando, Laurice Guillen, Janice de Belen, Alvin Enriquez, Tommy Alvarado, Eddie Garcia at Gloria Diaz sa direksiyon ni Danny Zialcita.

Ang karakter ni Dindo na ngayon ay gagampanan ni Gabby ay parang magkakaroon ng kaugnayan sa tatlong babae. So, ang dating ba nito ay parang true to life story niya? Matatandaang naugnay si Gabby sa ilang celebrities noon. Natawa niyang sagot, “Nagta-trabaho lang naman ako, so tinitingnan ko ito bilang isang artpiece, so kasama ito sa trabaho, walang personalan dito. Strictly work.”

Dagdag pa niya, “Siguro meron naman akong mga pinaghuhugutan na, dahil sa mga pinagdadaanan ko. Uhm, sa tunay na buhay gusto na nating kalimutan yun pero dahil nasa industriya tayo kailangan nating may pinaghuhugutan. Yun yung nagiging asset natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN