Herbert Bautista, Ogie Alcasid, Andrew E., and Dennis Padilla will have various misadventures in the comedy film Raketeros

(From left) Herbert Bautista, Ogie Alcasid, and Janice de Belen will be part of the upcoming comedy film Raketeros.


May bagong pelikulang ginagawa ngayon si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ito ay ang Raketeros, isang comedy film kung saan kasama niyang bida ang mga kabarkada niyang sina Ogie Alcasid, Andrew E., at Dennis Padilla. Sa direksiyon ng kaibigan din niyang Randy Santiago, kasali rin sa cast sina Joey Marquez, Cherry Pie Picache, at Janice de Belen.


Plano nga ba talaga niyang maging active na talaga sa kanyang acting career?

“Hindi naman,” nangiting sabi ni Mayor Herbert nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26 sa shooting ng nasabing proyekto sa Himlayang Pilipino Memorial Park.


“Ang huli ko ay Shake, Rattle, & Roll, di ba? Tapos kinausap ako nina Mother Lily [Monteverde] at Boss Vic [del Rosario] na… o, gawa ka kahit paisa-isa lang kada isang taon.


“Sabi ko naman… o, sige gawa tayo. Kaya naisip kong gawan ‘yong barkada,” tumutukoy sa kanyang mga kaibigan na kasama sa pelikula.


Ang sariling production outfit ng pamilya nila na Heaven’s Best ang producer ng nasabing pelikula.


“Ang president ng production outfit na ito ng family namin… tatay ko. At itong Raketeros ang first venture namin sa mainstream movies.


“May na-produce na kaming dalawang indie films before. Isa ‘yong kina Ryan Agoncillo at Lara Quigaman na Umaaraw, Umuulan. The other one, si Harlene ang gumawa.”


Sila rin daw magkakabarkada ang nag-conceptualize ng story ng Raketeros. At natutuwa naman daw silang lahat na okay naman ang kinalabasan ng script nito.


“Kuwento ng magkakaibigan na iba-iba ang raket. Tapos ‘yong mayamang Don na ginagampanan ni Joey Marquez, ‘yong anak niya ay inaanak namin at magdi-debut na.


“So ipinasundo niya kami sa driver niya. Tapos along the way, maraming misadventures.


“Cable guy ang role ko. Si Andrew E naman, pari. Si Ogie, singer sa mga funeral. Tapos si Dennis, ginagamit na raket naman ang galing niya sa bilyar [billiards].”


Sa kanilang apat na nasa lead roles, bakit si Ogie lang ang may leading lady? Love interest nito si Sam Pinto.


“Siya ang may request, e!” sabay tawang biro ni Mayor Herbert. "Ni-request niya si Sam Pinto.


“E, tayo… okey lang na wala. Kasi biyudo ‘yong role ko.”


Kumusta namang director si Randy Santiago?


“Nakatrabaho ko na siya no’ng araw pa. No’ng 1986. ‘Yong Ninja Kids.


“Tatay niya ang director, siya naman ang assistant director no’n. So kabisado ko siya kapag filmmaking.


“Ngayon medyo magaan-gaan pa dahil three cams set up lagi. Para maraming materyales.”


Mas okay bang katrabaho kapag puro mga barkada at kaibigan?

“Siyempre. Mas magaan ‘yon, e. Kesa ‘yong magkakapaan pa kami na… ano kaya ang ugali nito?”

Since friends nga lahat ng nasa cast ng pelikula na produced ng kanilang family production outfit, mas mura kaya ang talent fee ng mga ito na… presyong kaibigan din ba ang binigay nila?


“Ah… medyo mataas-taas din ang mga TF nila!” sabay tawa ng Quezon City Mayor. “Pero may friendship din naman. May friendship din.

“Gusto ko sana sa May ang playdate ng pelikulang ito. Third o fourth week of May.”


Kung magtutuloy-tuloy ang pagiging aktibo niya sa pagawa ng pelikula, hanggang ilang proyekto naman siya for a year?


“At least once a year sana makagawa ako. Pero it could also be more than one project.”


Puro comedy films lang ba ang gagawin niya?


“Yeah! Pero siyempre… gusto ko rin nating mag-venture sa drama or action. Pero gawa muna tayo ng tatak.”


May isa pang project na gagawin anytime soon ang Heaven’s Best. Ito ay isang indie film na si Nora Aunor ang kinu-consider na magbida.
“Um-oo na si Ate Guy [referring to Nora]. Pero hindi ko pa alam kung ano ang final.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN