Mayor Alfredo Lim on Cesar Montano's marital problem: "Masisisi ba natin si Cesar, e, ang gandang lalaki nito? Siyempre matutukso."

Cesar Montano (left) stars in Alfredo S. Lim: The Untold Story, the fourth movie that tackles the life of Manila Mayor Alfredo Lim (right). This project marks the fourth time that the life of Alfredo Lim has been depicted on the big screen.




Ang Alfredo S. Lim: The Untold Story ay ang ika-apat na pelikula tungkol sa buhay ng politiko na kasalukuyang Mayor ng Manila.


Sa February 23 event na ginanap sa Manila Yatch Club, nag-kuwento si Manila Mayor Alfredo Lim kung ano ang pagkakaiba ng pelikula sa tatlong biopics na ginawa dati tungkol sa kanya.


“Mate-trace nila yung pagkatao ko, kung saan ako nagsimula, dahil bihira nga ang nakakaalam na iniwan ako ng nanay ko, lumaki ako sa orphanage. Siyempre sa orphanage, mga madreng Kastila ang namamahala sa amin, e.

“Araw-araw, hindi maaaring hindi ka magsimba. Gigising ka ng alas sais ng umaga, maliligo ka mga fifteen minutes tapos lahat kayo dadalhin na sa simbahan.”

Ayon sa kuwento, maagang nabiyuda ang ina ni Mayor Lim, at dahil para makapagsimula ng panibagong buhay, ipinaampon ng ina niya si Mayor Lim sa Hospicio de San Jose noong ilang buwang sanggol pa lamang siya. Ang ina niya ay nakapag-asawa ng bago at nanirahan sa Baguio.

Lingid ito sa kaalaman ng lolo at lola niya, na nang nalaman na nasa ampuhan siya ay halos magsa-sampung taon na siya at kinuha siya ng mga ito para ituring na parang anak.

Nang nakausap ng PEP.ph si Manila Mayor Lim, binalikan niya ang mga alaala niya habang lumalaki kasama ang kanyang lolo at lola na nakatira noon malapit sa UST campus, España, Manila.

“Nakagisnan ko na yung mga turo ng mga relihiyosong mga tao. Una nung nakuha na ako ng lolo’t lola ko...ang lolo ko number one na relihiyoso yun.

“Iyon paggising sa umaga, nagdadasal na, bago kumain sa tanghali nagdadasal rin, pagdating sa gabi, puro dasal iyon.

“Ang lola ko iyon ang negosyante, from San Miguel, Bulacan at napagtapos naman niya ang lahat ng kanyang mga anak, puro prefessional.

“Kaya iyon ang kabilin-bilinan sa akin sa kanyang deathbed, na pagpilitan ko na makatapos ng pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It became a challenge to me, na live up to my promise to my dearest grandmother kaya pinagpursigihan ko na makatapos.

“Kasi working student ako, from first year to fourth year high school.

“Dalawang courses sa kolehiyo ang natapos ko, working student din ako.

“Along the way iyon nga nagpulis ako, e, alam mo naman pag pulis nakakasalamuha ko lahat ng klase ng tao.

“Kaya siguro I developed my character in how to deal with different personalities.

“Nakatulong naman sa trabaho ko bilang law enforcer.”

Ang Alfredo S. Lim: The Untold Story ay pagbibidahan ni Cesar Montano.

Mabigat ang eksena sa pelikula na nagtagpo si Mayor Lim (portrayed by Cesar) at ang ina niya na ginampanan ni Gina Pareño.

“Hindi ko natikman yung pagmamahal ng isang ina na siyempre dun sa orphanage malungkot ang buhay dun. E, wala akong mga magulang e, ibang mga tao ang kasama ko.

“Kaya nung nakuha ako ng lola ko, she showered me with the love that she can give kasi sa lahat ng naging apo niya, ako ang paborito.

“Unang-una lumaki ako sa kanya, e, kaya iyan, yung mga tiyuhin at tiyahin ko, gusto nila sa kanila ibuhos ang pagmamahal, e, bakit sa akin nabuhos?

“Lahat nga ng mga binibigay nilang regalo, mga prutas, e, sa harap nila binibigay sa akin.”

Tinadaan rin niya ang mga hirap na dinanas niya noong World War II.

“Ang mga pinasukan kong mga trabaho, nagtinda ako ng mga kakanin nung Japanese time, ang nagluluto naman ang lola ko, nagtinda kami ng saging.

“Nagkundoktor ako, nag-security guard, at iyon nga pumasok ako sa pagpupulis.

“Pero ang nangyari nun, my personality was developed by all kinds of challenges, na sinuwerte naman na lahat naman nalalampasan ko.”

Ikinuwento rin ni Mayor Lim ang mapait na karanasan niya mula sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mother ko nung magka-isip ako hindi ko alam na siya ang mother ko, pinakikila lang sa akin na tiyahin ko. Pero napapansin ko sa kanya para bang mainit ang dugo sa akin.

“At dahil bata ako, I did not understand the situation.

“Meron pang instance na wala akong kasalanan, pinagpapalo ako, e.

“Yung tiyahin ko ipinagtapat sa akin siya pala ang mother ko.

“She was living her own life sa Baguio kasi napangasawa niya teacher, malayo sa amin. Paminsan-minsan lang dumadalaw sa lola’t lola ko.

“Pero pag dumadalaw siya parang lagi akong kinagagalitan, na sa munti kong pag-iisip wala naman akong ginagawang masama, e, bakit ba ganun?

“Nung dumating yung panahon na magka-ranggo na ako, e, sila naman medyo hirap na sa buhay. Humihingi sa akin ng tulong, pinagpatayo ko ng maliit na bahay dun sa Baguio.

“Kasi mother ko yun, e. Bagamat wala akong magandang eksperiensya sa kanya.

“Siyempre ina mo yun, whatever happened hindi ka naman magiging tao kung hindi sa kanya.

“Everything is forgiven, siyempre nagka-ranggo na tayo, maski paano pinadadalhan naman natin ng makakatulong sa buhay nila.

“Kaya nung mamatay 'yan kinuha ko pa sa Baguio, dito ko inilibing sa Sementeryo del Norte.

“To show my gratitude and appreciation as one of her sons.

“Nagkaanak siya ng walo dun sa second husband kaya tumulong naman ako in my own little way, na hindi ko naman sila pinabayaan.

“Naging interesado si Cesar na makita ang Hospicio de San Jose. E, kaibigan ko naman yung Mother Superior, sinamahan ko siya dun.”

Hindi raw pinakialaman ni Mayor Lim ang proseso ng paggawa ng pelikula.

“E, kasi siya ang lead actor, siya ang director, he knows best. At tsaka nakita ko naman yung pakita, maganda naman yung pagkakagawa, hindi naman ako nagkamali sa pagbibigay ng tiwala kay Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa palagay ko naman magugustuhan ng mga tao itong pelikula, e.

“Yung buhay natin sa Hospicio, hindi naman lahat napupunta dun e, di ba? Yung unfortunate circumstance, e, dun napadpad ang kapalaran, wala na tayong magagawa dun.”

ON CESAR MONTANO'S MARITAL PROBLEMS. Dumadaan ngayon sa problema ang mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz dahil natsitsismis si Cesar na may ibang babae. Ang aktor ay nali-link sa isa sa mga artista sa pelikula na si Krista Miller.

Bilang ninong sa kasal nina Cesar at Sunshine Cruz, ano ang maipapayo ni Mayor Lim?

“Meron akong mga nabasa. E, siyempre ang asawa, asawa. Nangyayari yung misunderstanding, e. Kaya naman ni Cesar na gamutin iyon.

“Ako naman kay Sunshine, ang masasabi ko na… masisisi ba natin si Cesar, e, ang gandang lalaki nito?

“Siyempre matutukso.

“Pero pagkatapos naman nun, lilipas yun, babalik at babalik din, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang pasok, di ba?

“Ang ibig sabihin kasal sila ni Sunshine, may mga anak sila and they should live happily ever after.

“Hindi maaalis ang tampuhan, that’s part of life lalo na sa mga movie people, di ba?”

Produced by CM Films ang Alfredo S. Lim: The Untold Story.


Bukod kay Cesar at Miss Gina, si Alessandra de Rossi ay parte rin ng palikula bilang misis ni Lim na si Amalia.

Nasa pelikula rin sina Miss Gloria Romero bilang lola ni Fred Lim, Spanky Manikan bilang lolo ni Fred Lim, sina Jackie Lou Blanco at Isabel Granada bilang mga madre, Tirso Cruz III bilang Major Zosimo Maravilla, Ara Mina bilang asawa ni Gameng na isang police major na gagampanan naman ni Richard Quan.


Ang ibang cast members ay ang sumusunod: Migs Cuaderno bilang batang Fred Lim, Alvin Anson bilang si Roman na lider ng isang gang, Alwyn Uytingco bilang si Noli na kaibigang pulis ni Fred Lim, at gaganap naman bilang pinuno ng sindikato sina Nonie Buencamino (as Moises) at Marc Abaya bilang si Charlie Zaragoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN