Nora Aunor slated to receive award from the National Commission for Culture and the Arts


Hindi na na-extend ang dalawang linggo at apat na araw na pamamalagi ni Nora Aunor sa Amerika. Nagbalik ang Superstar noong March 3, dakong ika-5 ng umaga.


Pagbalik sa bansa ay dumiretso ang aktres sa tinutuluyang condo unit sa Eastwood, Quezon City. Pero agad niyang tinawagan ang mga kaibigan, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), upang ipabatid ang kanyang pagbabalik sa bansa.


"Na-miss ko na kayo," bungad ni Ate Guy (Nora's monicker). Inamin rin niya na hindi niya nakalimutan ang kanyang Never Say Goodbye co-actor na si Gardo Versoza.


"Si Pare... naku, na-miss ko na siya!" sabi rin ni Ate Guy patungkol kay Gardo.


"Kausap ko nga si Sir Perci [Intalan, Creative/Entertainment Head of TV5], sabi niya, ang cute daw naming dalawa ni Pare ko.


"Sabi ko naman, 'Naku, yong kumpare kong 'yon lang ang nagpapasaya sa akin sa taping."


Maging ang partner ni Gardo na si Ivy Vicencio ay naging malapit na rin kay Ate Guy.


Nang magkasakit din ito ay nagpahayag ng kanyang concern ang aktres, "Kawawa naman [si Ivy], nahawa yata sa akin. Sabihin mo, uminom ng maraming tubig at juice..."



FONDNESS. Nora's fondness for the couple was evident tuwing nagkakasama silang tatlo sa taping. In fact, binigyan pa ni Ate Guy ng kopya ng librong Sa Puso Ng Himala (ni Ricky Lee) sina Gardo at Ivy, bago siya magtungong Amerika.


Sinabi pa ni Nora sa PEP.ph na si Gardo daw ay "Napakabait...naku, walang kasing-bait talaga ang Pare kong yan.


"Gumanda nga ang pakiramdam ko nang mag-umpisa siyang magpatawa nang magpatawa. Bukod sa napakagaling pang actor, maniwala ka, siya lang ang nakita kong ganyang klaseng artista. Mahal ko 'yan..."


Noong nasa States si Ate Guy ay si Gardo naman ang nagpapahayag ng pagka-miss kay Nora, dahil sa naudlot nilang pagta-trabaho.


Ngayon, masaya si Gardo dahil nasa bansa na si Ate Guy at madadalas uli ang pagte-taping niya with Nora.


"Naku, sana naman nga... miss ko din siya at miss ko siyang ka-eksena," sabi ni Gardo sa text message niya sa PEP.


"Sana nga mag-taping na kami... grabe ang tengga namin, halos ilang linggo na," wika pa ng aktor.


"Oo, e, pag wala kasing taping, walang pay," natatawang banggit pa ni Gardo.


Sa pakikipag-usap ng PEP kay Ate Guy that same morning na dumating na siya ay wala pang tiniyak ang superstar hinggil sa scheduled taping.


Aniya, nakatakda siyang makipag-meeting with the TV5 bosses anytime this week.


NONCOMMITAL. Bukod sa Never Say Goodbye, tuloy ang paggawa ni Ate Guy ng pelikula, as approved by TV5; may iba pa raw scripts na nai-submit sa network, para sa approval ng management, ugnay sa kontratang pinirmahan ni Ate Guy.


Pero ang tiyak nang naka-line-up na gagawin ay ang indie project, base na nanalong script ni Mes de Guzman, ang Kuwento Ni Mabuti, para sa first Cine Filipino Independent Film Fest (TV5 as one of the sponsors) at ang Dementia na ididirek ni Jun Lana.


Mayroon pang ibang isyung noncommital si Ate Guy, at the moment, may kinalaman sa estado ng kontrata niya sa TV5, na naging bunga ng ilang beses niyang pagliban (pack-up taping) dahil sa kanyang state of health noong mga nakaraang linggo.


Nilinaw rin naman ni Perci Intalan sa nakaraang interview niya sa PEP kunsaan sinabi niyang "pansamantalang mawawala" lang ang character ni Ate Guy sa Never Say Goodbye dahil pupunta ang Superstar sa States.


(CLICK HERE to read related article)


Ayon din kay Ate Guy, bukas naman daw ang komunikasyon with her bosses, noong nasa States pa siya.


May konting pagtataka nga lang siya, kundi man hinampo, dahil tila wala raw official statement na inilabas ang TV5 sa gitna ng mga negatibong pag-uulat-intriga sa kanyang pagiging Kapatid talent.


Sinikap din ng PEP na hingan ng mas malinaw na paliwanag hinggil sa mga nasabing isyu ang manager ni Nora na si Boy Palma, pero noncommital din si Palma sa mga usapin hinggil sa actress.


ANI NG DANGAL. On a lighter note, inaasahan ang pagdalo ni Nora Aunor, this Friday, March 8, sa Ani ng Dangal Awards na igagawad ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).


Kabilang din sa mga awardees nito si Brillante Mendoza, ang direktor ni Nora sa pelikulang Thy Womb.



NORA AUNOR ULIRANG ARTISTA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD. Nag-commit din si Nora Aunor na dadalo sa gaganaping 29th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa Linggo, March 10.


(CLICK HERE to view the recipients of this year's Lifetime Achievement Awards)


Natutuwa si Nora sa naging desisyon ng PMPC body na maging permanenteng bahagi na ng nasabing special award ang kanyang pangalan.


"Nakakataba ng puso... maraming salamat. Gusto kong ipaabot sa PMPC ang taos-sa-puso kong pasasalamat," sambit ni Ate Guy.


Nagsimulang magbigay-parangal ang PMPC sa mga natatanging showbiz veteran luminaries noong 1986, at tinawag itong Ulirang Artista. Taun-taon, sa mahigit na isang dekada, ay ang Nora Aunor Foundation, Inc. ang nagkakaloob ng naturang award.


Ang pre-war actress na si Ms. Mary Walter ang unang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award.


This year, 2013, ang tatanggap naman ay si Senador Lito Lapid. Nagkatambal na sa mga pelikulang Kastilyong Buhangin (1980) at Gaano Kita Kamahal (1981) sina Nora at Lito, sa pamamahala ng yumaong master director na si Mario O'Hara.


Incidentally, kapwa nominado sina Nora (Movie Actress of the Year) at Brillante (Indie Movie Director of the Year) sa PMPC Star Awards for Movies.


May major and minor nominations ang Thy Womb sa Indie Movie category ng Star Awards for Movies, kabilang ang sa best picture, direction, screenplay (Henry Burgos), cinematography (Odyssey Flores), editing (Kats Serraon), music score (Teresa Barrozo), sound (Albert Michael Idioma and another soundman) at Best New Movie Actress, para kay Glenda Kennedy.


When told, Nora said she's happy and proud about the nominations. "Maraming salamat sa pagpapahalaga," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN