"Tribu" delegates suffer discrimination by Korean embassy


In his text message, Tribu director JimLibiran tells PEP, "Tribu delegates for Pusan Film Festival sufferhumiliating discrimination from Korean embassy; insults Tondo actor by issuingvisa effective only after the festival event is over."


Hindi na makakadalo sa Pusan International Film Festival angilang tao na may importanteng bahagi sa indie film na Tribu dahil samisunderstanding na nangyari sa Korean embassy dito sa Maynila. Ang naturangfilm fest ay gagawin ngayong October 4to 11 sa South Korea.

Ayon sa text message na natanggap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) mula kay Jim Libiran, "Tribu delegates for PusanFilm Festival suffer humiliating discrimination from Korean embassy; insultsTondo actor by issuing visa effective only after the festival event is over."

Nakausap din ng PEP si Mitch Libiran, ang executive producerng pelikula at misis ni direk Jim.

Ayon kay Mitch, nakatanggap sila ng sulat mula sa organizersng Pusan International Film Festival last Thursday. Imbitado ang Tribusa competition section ng festival. Ngunit ang mga binigyan lang ng visa ngKorean embassy ay ang director na si Jim Libiran, sound editor Marc Laccay, atexecutive producer Dodge Dillague dahil hindi first time travelers ang tatlo.

Si Marc ay nanalo ng Best Sound sa third Cinemalaya PhilippineIndependent Film Festival. Bukod pa rito, hinirang na Best Film ang Tribu saCinemalaya 2007 noong Hulyo. Ang pelikulang ito ay tungkol sa buhay ng mgagangsters-rappers na kabilang sa mga gangs o "tribes" sa Tondo.

"Compared to me at isa sa aming mga actors na si ApolloLabastida at isa pang member ng aming production staff na si Albert Banzon,hindi kami nabigyan ng visa. Siyempre nakaka-disappoint dahil in competition panaman ang pelikula namin," pahayag ni Mitch.

October 5 dapat ang alis ng delegation ng Tribupatungong Pusan pero sabi ni Mitch sa October 10 pa raw mare-release angkanyang visa kaya hindi siya aabot sa film showing nila.

Mas worse ang nangyari sa kanilang aktor na si Apollo dahildated October 15 pa niya makukuha ang visa. Tapos na ang festival by that time.Feeling ni Mitch, parang biktima sila ng discrimination dahil sa pangyayaringito.

"Sabi sa nag-interview sa amin, hindi raw nila kami kilala.Hinahanapan din ako ng bank statement at certificate of employment. Kahit pasinabi ko na ang festival ang siyang sasagot sa aming gastos pagdating ngKorea, hindi pa rin kami nabigyan ng visa. Kahit na sinabi ko na huwag naman15th ang date na ibigay niya sa isa namin kasamahan, hindi rin akopinakinggan," kuwento pa ni Mitch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang obserbasyon ni Mitch, parang hindi naman dawtinignan ng consul officer ang mga papeles na isinumite nila bilang patunay na imbitadoang kanilang grupo sa festival. Sa himig daw ng salita ng consul officer, tilanagdududa raw ito na baka mag-TNT (tago nang tago) ang grupo ng Tribupagdating ng Korea.

Susunod na lang daw si Mitch sa October 11 para makadalosiya sa awards night. In competition pa naman ang Tribu kaya excitedsila sa pagdalo. Sa apat na pelikulang inimbita ng Pusan, tanging ang Tribulamang ang napili for competition. Ang ibang pelikula na kasama sa film fest naito ay ang Pisay ni Aureaus Solito, at ang mga obra ni Brillante Mendozana Foster Child at Tirador.

"We were hoping na maging lenient sila dahil may sulat namankami mula sa festival organizers pero nakakainis ang nangyari sa amin.Nakaka-disappoint," pagwawakas na pahayag ni Mitch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN