Director Kant Leung takes over Cristine Reyes's launch film "Green Paradise"


After encountering problems, the launching movie of young sexy star Cristine Reyes finally resumes with the arrival of Chinese director Kant Leung (not in photo).



New City Entertainment resumes the shooting of Cristine Reyes's launching movie as it prepares for its next movie.

Dumating na from Hong Kong last week ang Chinese director na si Kant Leung, na siyang napili ng New City Entertainment na magpatuloy ng launching movie ni Cristine, ang Green Paradise.

Si Bing Santos ang Filipino director na nagsimula ng pelikula, pero tinanggal siya sa proyekto dahil sa ilang problema. Dahil may gagamitin pa ring ilang nakuhang scenes sa mga ginawa ni Bing, share credits sila ni director Leung sa final product.

Twenty-five years old lang si direk Leung but he already has a long filmography of TV and movie work in his home country.

Siya na ang magtatapos ng Green Paradise, which also stars Andrew Schimmer, Kris Martinez, Joel Torre, Rio Locsin, and Jiro Manio.

Dahil marunong siyang magsalita ng English, pina-translate niya muna ang script ng Green Paradise, pinanood ang lahat ng rushes, at nagre-edit. May ilang eksenang ire-reshoot si Leung at ang ibang hindi pa nakukunan ay siya na ang magdidirek. Humingi rin siya ng ilang dagdag na eksena para kumapal pa ang kuwento.

Magtatagal si Leung sa Pilipinas dahil pagkatapos ng Green Paradise ay isusunod niya ang second movie ni Cristine, alinsunod sa two-picture contract na pinirmahan ng StarStruck 1 Avenger for New City.

Gangsters ang tentative title ng pelikula at makakasama ni Cristine ang anak ni Jackie Chan na si Jaycee Chan.

Hinahabol ng New City na matapos ang Green Paradise para mai-release ito this year, not just in the Philippines kundi pati sa Asian market.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN