Marian Rivera: "Nakakapagod na ang selosan.”


Kapareha ni Marian Rivera si Richard Gutierrez sa My Lady Boss na showing sa April 10. Ayon sa GMA-7 actress, hindi raw nagseselos ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.


“Bakit siya magseselos? Ako naman kay Dong, marami naman siyang nakakapareha pero wala namang nangyayari. Alam mo kasi minsan, ang mga tao lang naman ang nagbibigay ng kahulugan, ng mga nangyayari. Pero bilang artista, artista lang naman…kahit sino puwede maka-partner as long na alam mo naman kung saan kayo naka-stand dun sa relationship, bakit kailangang may selosan?” deklara ni Marian nang makausap siya ng PEP.ph at ibang media sa presscon ng My Lady Boss sa Imperial Palace.


Dugtong pa niya: "Nakakapagod na ang selosan.”


Maraming bagong makikita sa pelikula nina Yan (palayaw ni Marian) at Chard (palayaw ni Richard) pagkatapos ng limang taon na nagtambal sila sa My Best Friend’s Girlfriend.


"For the first time, pumayag na akong makipag-kissing scene kay Chard!" kwento pa ni Marian.


Kissing scene lang ba ang ginawa nila sa pelikula? "More! Hahaha!” hirit pa ni Yan.


"Siguro, sabihin natin na wala kasi kaming tinatago sa isa't isa.


"Napaka-open namin sa lahat ng bagay. Lahat ng puwede naming pag-usapan, personal man o trabaho, napapag-usapan namin on the spot."


Masarap bang kahalikan si Richard Gutierrez?


"Alam n'yo, mahirap magsabi niyan. Bilang artista, kailangan alam mo, kapag nag-roll na ang camera, hindi na si Chard, hindi na si Marian 'yon. So, mahirap sabihin kung anong pakiramdam sa pakikipaghalikan at hindi ikaw talaga mismo 'yung karakter na 'yon," bulalas pa ni Marian.


"Kasi, para po sa akin, ang trabaho ay trabaho. Hindi ko ini-involve yung personal life ko. Kasi, mahirap po i-involve ang personal life sa trabaho."


Ano namang comment niya sa halik ni Richard?


"Okay lang! Hahaha! Professional naman kaming parehas, e. At alam namin kung anong mga limitation namin bilang mga artista at ano 'yung karakter na ginagawa namin. Siguro, enough na 'yon para hindi namin pansinin kung masarap, kung paano, kung ilang beses. Ang importante, nagawa nang maganda yung eksena at yung pelikula," sambit pa niya.


Ni-reveal rin ni Marian na ang mga nakahalikan niya sa pitong taon niya sa showbiz ay ang nobyo niyang si Dingdong Dantes, si Dennis Trillo at si Richard nga dito sa My Lady Boss.


Ayaw ring aminin ni Marian ang mga nasulat na nagpakita ng puwet sa My Lady Boss?

"Ang hirap namang sabihing oo, pero may eksenang naliligo ako,” bitin na sagot niya.


Kasama nila sa My Lady Boss sina Rocco Nacino, Sandy Andolong, Ronaldo Valdez, Jackie Lou Blanco, Maricel Laxa-Pangilinan, Dion Ignacio, Tom Rodriguez, Ruru Madrid, Sef Cadayona, Jace Flores, Matet De Leon, Princess Snell, Regine Tolentino, Benjie Paras, Betong Sumaya. Ito sa ilalim ng direksyon ni Jade Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN