Isabelle Daza co-stars with John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo; working on an indie film with mom Gloria Diaz

Masaya si Isabelle Daza na dalawang pelikula ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon: ang It Takes a Man and a Woman at ang indie film na Lihis. Pero kahit pa unti-unti na siyang nahuhubog bilang aktres, naniniwala si Isabelle na “there’s so much I still need to improve.”


Sobrang excited si Isabelle Daza nang tawagan siya ng Star Cinema para makasama sa pelikulang It Takes a Man and a Woman.

Ito ang third installment sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo— ang A Very Special Love (2008) at You Changed My Life (2009).

Ikunuwento ni Isabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press kung paano siya napasama sa casting ng pelikula.

“Kasi when I got the call, sabi nila, ‘We’re thinking of getting you for the John Lloyd-Sarah movie.’

“So sumigaw ako then I said, ‘Why me?’ kasi fan ako ng movies nila. Napanood ko na ‘yong A Very Special Love and ‘yong You Changed My Life.

“Parang Direk Cathy said na she has been hearing my name, pero hindi niya ako kilala.

“So sa meeting nila with Star Cinema sinabi niya, ‘How about Isabelle Daza?’ then they showed her pictures of me and she said, ‘Siya na.’”

Nakausap ng PEP si Isabelle kagabi, Marso 26, sa kanyang pocket interview sa Ryu Ramen sa Tomas Morato, Quezon City.

"RAW" ACTING. Dahil na rin sa first movie ni Isabelle, gusto sana nitong sumailalim sa acting workshop bago simulan ang pelikula.

Kaya lang, “Si Direk Cathy [Molina] ayaw niya ako ipa-workshop, parang sabi niya she wanted me raw.

“So sabi ko, ‘Are you sure you want me raw? Kasi I’m just a newbie, I can’t act,’ tumatawa lang siya. And then ‘yon, gina-guide niya lang ako through the scene.

“Ako what I did is binasa ko ‘yong script over and over.

“‘Yong character ko kasi is very like me, parang medyo mahilig sa fashion, tapos always nakabihis, very professional.

“Uhm, not too… it’s very me, if you watch me, we’re very similar.”

NO ISSUES WITH GMA-7. Ang unang pelikula ni Isabelle ay sa ilalim ng Star Cinema at Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon kontrata ang aktres hanggang 2014 sa GMA-7, na mayroon din namang sariling movie arm, ang GMA Films.

Hindi ba nagtampo ang kanyang home network na sa Star Cinema siya naunang gumawa ng pelikula?

“No, I think GMA is very open-minded,” mabilis na tugon ng aktres.

“Parang if they think it will help in your career, which will help them in the end, okay naman sila.”

LIHIS. Bukod sa It Takes a Man and a Woman, isang independent film pa ang sinimulang gawin ni Isabelle: ang Lihis.

Sina Lovi Poe, Jake Cuenca, Joem Bascon, at ang kanyang ina na si Gloria Diaz ang kasama ni Isabelle sa naturang indie film. Ang Lihis ay isang period film na set during the ‘70s sa panahon ng Martial Law era.


Sa isang panayam kay Direk Joel, sinabi niya na ang Lihis ay “tungkol sa mga taong kinakalimutan intentionally dahil hindi sila nagko-conform sa society. Ang Lihis ay tungkol sa pag-ibig ng dalawang male warriors ng NPA [New People’s Army] noong panahon ng Martial Law. Tungkol ito sa kanilang struggle na ipagtagumpay ang kanilang paniniwala at pag-ibig nila sa isa’t isa. Tungkol rin ito sa isang babae at sa isang lalaki na mayroong problema sa kanyang kasarian.”


(CLICK HERE to learn more about Sineng Pambansa: All Masters Edition)

Ayon kay Isabelle, “mahirap” na katrabaho niya sa isang proyekto ang kanyang ina.

Paliwanag ng Kapuso actress, “kasi siyempre it’s with your mom.

“Tapos your mom is telling you one thing and the director tells you another thing. So parang, ‘Ano ba ang gagawin ko?’

“I can say na iba ang mom ko sa work at iba siya at home. When I see her at work parang she reads the script paulit-ulit, she memorizes it, she has to throw lines tapos kapag nagre-rest siya, nag-e-earphones siya tapos quiet lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi siya gano’n at home or anywhere else— ang ingay-ingay niya, ang harot-harot— at work talagang seryoso, talagang work.”

Inamin naman ni Isabelle na na-“pressure” siya nang makitang ganito ka-“focused” ang kanyang ina sa pag-i-internalize sa role na ginagampanan nito.

Naisip daw niya na, “hindi puwedeng five takes tapos siya one take lang, di ba? So doon ako na-pressure.”

Pero masaya naman daw siya na ginagabayan siya ng kanyang mommy sa tuwing mayroong eksena na nahihirapan siyang gawin.

Iyon nga lang daw, “papagalitan siya ni Direk Joel [Lamangan]!” natatawang kuwento ni Isabelle.

“Sabi ni Direk Joel, ‘Don’t listen to your mom! Just listen to me!’ sabi ko, ‘Okay…’

“Kasi sasabihin ni Direk Joel, ‘Don’t talk too fast, look here.’

“Minsan my mom would say, ‘Act with your eyes,’ parang ang daming directions from everyone, ang hirap sundan lahat.”

NEEDS IMPROVEMENT. Bago naman sumabak sa paggawa ng pelikula si Isabelle, kahit papaano ay mayroon na itong acting experience.

Nakakuha siya ng acting tips mula sa mga kasama niya sa Kapuso afternoon programs na Futbolilits (2011) at Faithfully (2012).

At ngayon ay kasama rin siya sa primetime series na Indio, kung saan gumaganap siya bilang isa sa mga diwata.

Pero kahit ganoon, aminado si Isabelle na marami pa siyang dapat matutunan pagdating sa pag-arte.

Habang napag-uusapan nga ito’y naalala niya ang mga bagay na pinuna sa kanya ng direktor na si Cathy Molina, habang ginagawa ang pelikulang It Takes a Man and a Woman.

“I’m very self-conscious, actually.

“Actually first taping day wala akong line, naka-gano’n lang [tulala]. ‘Cut!’ sabi ni direk Cathy, ‘Belle, come here.’

“Pinakita niya [‘yong itsura ko sa screen], ‘Look at you, look!’ sabi ko, ‘What? What?’ hindi ko makita, ‘You’re pouting there like that!’

“It’s so normal kasi for me na kapag may camera, parang I don’t know, I pout. I don’t know, so laging mannerism ko ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos isa ko pang mannerism is I always blink kasi naka-contacts ako. I’m always blinking at galit nag alit si Direk Cathy, ‘Stop blinking!’

“But she says it in a nice way.”

Kaya naman hindi raw nahihiya si Isabelle na sabihin na, “there’s so much I still need to improve.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN