"Dagaw" casting: Assunta de Rossi out, Sunshine Dizon in


For an undisclosed reason, Assunta de Rossi (left) has been replaced by Sunshine Dizon (right) in the GMA Films horror movie Dagaw. The movie also welcomes back Dingdong Dantes who backed out before. Sunshine and Dingdong will be joining Richard Gutierrez, Marvin Agustin, and Jewel Mische in the cast.



May pagbabago sa cast ng Dagaw, ang horror movie na line-produced at idinidirek ni Chito Roño para sa GMA Films. Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na out na sa female cast si Assunta de Rossi at ipinalit sa kanya si Sunshine Dizon.



Hindi na idinetalye sa PEP kung bakit pinalitan si Assunta ni Sunshine gayong dumalo ang una sa story conference at nagpahayag ng tuwa sa pagbabalik-pelikula niya. Bibigyan na lang daw si Assunta ng ibang project at sa dami ng ipo-produce na pelikula ng GMA Films next year, malamang na matutupad ang ipinangako nila kay Assunta.



Siyempre pa, tuwang-tuwa si Sunshine na makasama sa cast dahil matagal na siyang hindi gumagawa ng pelikula at sa TV na lang siya napapanood ng kanyang fans. Ang Mulawin: The Movie ang huling pelikula ni Sunshine and that was two years ago.

Kailangan lang ayusin nang husto ang schedule ni Sunshine dahil magsasabay ang shooting niya ng Dagaw sa taping ng bago niyang soap opera na La Vendetta. Sa October 8 naka-schedule ang first day taping ng naturang soap opera at second week din ng October ang shooting sked niya for her comeback movie.



Ilang linggo nang nakapagpahinga si Sunshine after Impostora. Handa na siyang muling sumabak sa trabaho at pagsabayin ang soap at pelikula. Hindi siya masyadong mahihirapan kung totoong sa Metro Manila lang kukunan ang mga eksena niya sa Dagaw at hindi na niya kailangang pumunta sa Daet, Camarines Sur.



Natutuwa rin ang production staff ng Dagaw dahil kasama na ulit sa cast si Dingdong Dantes. Matatandaang isa siya sa mga unang na-consider sa role ni Thomas, ang makakalaban ni Richard Gutierrez, pero hindi nito natanggap dahil nagte-taping siya ng Marimar at nagsu-shooting ng Resiklo.



Tapos na yata ang mga eksena ni Dingdong sa Resiklo at karamihan sa mga eksena niya sa Marimar ay sa Subic at sa Metro Manila kinukunan, kaya binalikan niya ang Dagaw. First project together nina Dingdong at Richard ang Dagaw at first time nilang magkakasama ni Sunshine, kaya kaabang-abang ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nothing to worry ang fans ni Jewel Mische dahil hindi siya napalitan sa Dagaw at kasama pa rin siya sa Kamandag na pagbibidahan naman ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN