Star Magic talent Valeen Montenegro plays a ghost in her first movie


Young actress Valeen Montenegro is being introduced in the horror-love story movie Hide and Seek of Regal Entertainment.



Fourth movie of the year pa lang ng Regal Entertainment ang Hide and Seek na ipalalabas on October 31. Written by Gina Marissa Tagasa and directed by Rahyan Carlos, it launches the loveteam of Jenica Garcia and Mart Escudero, and introduces Star Magic talent Valeen Montenegro.

Fresh find si Jenica ng GMA-7, the daughter of Jean Garcia and Jigo Garcia. Former Star Magic artist naman si Mart using his real name then na Mark Butler bago siya nanalo this year sa StarStruck 4. Part naman ng Star Magic Batch 13 si Valeen na apo ng isa sa mga movie greats na si Mario Montenegro.

"I play the other multo po in the movie," sabi ni Valeen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Hide And Seek last October 3 sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Kuwento ni Valeen, nagkasama naman sila nina Jenica at Mart sa shooting.

"Si Mart kakilala ko noong nasa Star Magic pa siya. We said 'hi' and 'hello' and nag-catch up. Si Jenica naman, nagkasama kami sa ilang eksena and she's very nice.

"This is my first movie po kaya di ko alam kung ano ang gagawin. Tapos nang nag-first shooting ako, puro halos taga-GMA ang kasama so hindi ko alam how to act at nahiya ako. Pero they welcomed me po like a family, so naging okay ang first movie experience ko," lahad ni Valeen.

Dagdag ni Valeen, mas lalo niya tuloy na-miss ang mga barkada niya sa Abt Ur Luv. Kasama ang young actress at ang ka-loveteam niyang si Aldred Gatchalian na nagtapos sa show noong middle of the second season.

"Parang stepping stone po kasi yung show. Kapag nagkaroon ka na ng primetime, graduate ka na," paliwanag ng young actress.

Nasa Ysabella na sina Valeen at Aldred, pero hindi raw sila madalas magkita kahit sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaiba po kasi kami ng production unit. Magkahiwalay kasi ngayon ang kuwento namin, so sa ibang set siya nagri-report, sa ibang set po ako," sabi ng dalaga.

Nami-miss niya na rin daw ang ibang co-stars niya sa Abt Ur Luv.

"Gustung-gusto ko na po silang bisitahin minsan, kaso umaabot na sila sa Nasugbu [Batangas] sa taping," sabi ni Valeen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN