Rowell Santiago on success of their latest movie: "Siguro may magic talaga sila John Lloyd and Sarah."


Noong nakaraang Miyerkules, April 8, ginanap sa Cineplex ng Shangrila ang block screening ng pelikulang It Takes A Man and a Woman kunsaan ang nag-sponsor nito ay si Direk Rowell Santiago. Siya ang gumaganap bilang Art Montengro sa nasabing romantic film na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.


Dinaluhan ito ng halos lahat ng cast members ng It Takes a Man and a Woman at kasama rin nila ang direktor na si Cathy Garcia at ilang staff. Humabol naman si Sarah Geronimo galing pa ng Paris, France at dumiretso siya agad sa nasabing venue mula sa airport.


Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Rowell, nagpahayag ng sobrang kasiyahan at sobrang pasasalamat ang direktor/aktor sa napakainit na pagtanggap ng publiko sa It Takes a Man and A Woman kung saan balitang naka-P267 million as of April 9.


(CLICK HERE to read related article)


“Actually expected mo dahil kumita yung dalawa but then amazing talaga yung pagtanggap nila ng pangatlo, talagang kakaiba. Siguro may ginawa talaga kaming maganda for them to follow, excited kung may ikukuwento pa. Ang maganda dun nahigitan pa yung expectations ng mga tao.”


Agad na tinanong si Direk Rowell kung ano sa palagay niya ang rason kung bakit ganito naging successful ang nasabing pelikula kung saan sa A Very Speical Love pa lang hanggang sa ikatlong installment nga ng love story nila Miggy at Laida ay sobrang tinanggap ito ng publiko.


“Yun nga eh, siguro may magic talaga sila John Lloyd and Sarah and siguro more than that, siguro it’s Laida and Miggy, it’s Laida and Miggy’s story. It’s the magic, it’s the chemistry. Siguro it’s the Laida and Miggy Story, parang naka-relate lahat sila plus the characters na mga gumagalaw sa buhay nila. Parang mga ordinaryong mga tao lang na kakilala mo na gusto mong ma-involve ka rin kung ano ang istorya, saka nakikita mo ang bawat characters, nakaka-relate kayo.


“Ang maganda dito, lahat ng tao, from ABCD because siguro may mga characters na mga mayayaman, may nakikita sila dun, may characters na simpleng tao at di rin kontrabida yung mga mayayamang tao kasi. Magic din ni Direk Cathy, yung kuwento niya.”

May ilang nagsasabi na dahil sa sobrang tagumpay ng nasabing pelikula ay baka magkaroon pa ito ng part 4. Bukas naman dito si Direk Rowell kahit pa nga naniniwala siya na tapos na at puwede nang magkaroon talaga ng closure ito.


“Wala pa akong naririnig. Kung mayroon pang maikukuwento yung storyteller. Malungkot, lahat kami malungkot. Actually si Lloydie very emotional, di ba, nung nalaman niya kasi yun yung sunod-sunod na na shooting namin tapos biglang nagpo-promote na siya, malungkot na malungkot na siya.


"When I watched the film, yung kabuuan, ang sinabi ko kay Lloydie, 'Ngayon ko nararamdaman kung ano ang nararamdaman mo.' It’s the sentiment of closing your character. I’ve been playing Kuya Art for three series and parang feeling ko, okay na, puwede nang magpaalam si Kuya Art. Malungkot lahat kasi buo na ang istorya nila Laida at Miggy, buong-buo na ang istorya nila so naging mabait na rin si Kuya Art, naging instrument na rin siya sa pagbuo ng love story nila so magandang closure sa lahat ng characters.


“Malungkot, malungkot kaming lahat kasi feeling mo parang patapos na, pero ang daming humihiling ng pang-apat, di natin alam, di ba?”

Tinanong din namin si Direk Rowell kung bakit siya nagdesisyon na mag-sponsor ng nasabing block screening.


“Hindi, kasi si Lloydie nun bago mag-break we had a party, the staff is all there, sabi ko dapat yata manood tayo ng sabay-sabay kasi walang premiere night. Kung si Miggy Montengero nag-sponsor, dapat din si Kuya Art din, di ba? This is a thanksgiving night.


“We actually moved it, this is supposed to be on Sunday, siya ang nagbigay nung schedule tapos minoved ko, minove naming lahat, kailangan kumpleto tayo. Bigla yatang may mga connecting flights.”

Humabol naman si Sarah galing Paris, France mula sa isang bakasyon kasama ang kanyang Mommy Divine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN