Sarah Geronimo: "Iba ang reward na binibigay sa ‘yo ng Diyos kapag sinusunod mo ang mga magulang mo."

Sarah Geronimo gives this message to John Lloyd Cruz: “Sa aking leading man napakagaling. Thank you, thank you so much at na-restore rin ang ating pagkakaibigan, napakabait. Maraming, maraming salamat.” (CLICK HERE to view photos taken during the private screening of ITAMAW)<


Ayon sa Star Cinema, mahigit P330 million na raw ang kinikita ng It Takes A Man and A Woman.


Bilang pasasalamat, nag guest nang live si Sarah Geronimo sa The Buzz noong Linggo, April 14. Hindi niya kasama ang kanyang leading man na si John Lloyd Cruz sa naturang episode.


Ayon sa mga The Buzz hosts na sina Charlene Gonzalez at Toni Gonzaga, feeling daw nila aabot pa ng P400 million pesos ang kikitain ng pelikula.


Ayon naman kay Sarah: “Sabi ko nga, nang matapos na ang pelikula, natapos na ang dubbing, ang sigurado lang ako, mas mamahalin nila itong si Miggy at si Laida. Hindi ako—siyempre, hoping na mas malagpasan, mas mahigitan pero, sabi ko, okay na ko.


“Napakaganda ng materyal namin, maipagmamalaki talaga.”


Sabi ni Charlene, iba raw talaga ang chemistry nila ni John Lloyd.


Natatawang pagsang-ayon naman ni Sarah, “Iba talaga. Iba talaga siya.”


Dugtong naman ni Toni, napansin daw kasi niya sa pictorial, sa movie, iba ang ngiti ni Sarah kapag si John Lloyd at iba ito kapag ibang leading man na ang kaharap. Ani Toni, ang kinang ng mata ni Sarah "shines like a diamond."


Bakit nga ba?


“Bakit ba? Hindi ko rin po alam. Hindi ko naman po—si Toni talaga. Kinonfirm talaga,” bungisngis ni Sarah.


Sabi ni Toni, kinuwento raw kasi ni Boy Abunda na “nadale” raw talaga siya.


Hirit naman ni Sarah nang natatawa, “Marami naman talaga ang nadale.”

Ano ang ibig sabihin ni Sarah don?


“Hindi, si Lloydie naman kasi talaga, ano siya, siya ang taong mabilis matuwa. Ma-endear sa isang tao at sa tingin ko, yun lang yun.”


Pero paano nga ba naha-handle ni Sarah ang ganitong klase ng tagumpay? Nakakatulog daw ba ito sa gabi, paggising ng umaga?


Bukod sa box-office success ng kanyang pelikula, si Sarah ay may tatlong nominations sa World Music Awards: ito ay para sa categories na World’s Best Female Artist, World’s Best Live Act and World’s Best Entertainer of the Year. Sa isang category, ang fellow nominee niya ay ang international artist na si Rihanna.

(CLICK HERE to read related article)


Ano nga ba ang pakiramdam? "Grabe, sobra...”

At saka ito nag-ala-Laida Magtalas na slang ang pagsasalita.

“I didn’t know that it’s possible.”


Sa mga nangyayaring ito sa buhay niya, meron pa ba siyang ibang wini-wish sa buhay niya?


“Para sa akin, pagdating talaga sa success mo, sa career mo, kung ano ang naibibigay mo sa mga tao, naibabalik sa ‘yo ng sobra-sobra pa. Doon ko siya tinitingnan. Siyempre, may mga bagay tayo na personal lang, sa atin lang, sa sarili lang natin yun.


“Pero naman, tingnan naman natin, ito ang mga bagay na sobra-sobra pang ibinibigay ng Diyos. Reminder na hindi ka na dapat maghanap pa. Alam niyo po yun? Lahat tayo may ay, sana, pero hindi po lovelife ito ha,” natatawa niyang paglilinaw sa sinasabi.


Kung hindi lovelife, ano pala yun? “Mas personal, mas personal," ani Sarah.
Kung may bagay na sobra raw itong nagppapasalamat, ano raw kaya yun?

“Siguro, having the kind of family that I have at saka yung mga supporters ko at mga magulang talaga.”


Ayon naman kay Toni, tingin daw niya kaya very successful si Sarah ay dahil inuuna nito ang Diyos at ino-honor niya ang mga magulang niya na sina Mommy Divine at Daddy Delfin.


Dugtong naman ni Charlene, may beautiful heart daw si Sarah.


Pero nagtawanan sa The Buzz nang isunod ni Toni na, “Huwaran ng kabataan. I must say, bihira lang yan. Dalawa lang yan. Siya at ako.”


Pero bawi niya, “Naisingit ko talaga sarili ko? Joke lang! Moment ni Sarah ito. Nagdyo-joke lang ako.”


Sabi naman ni Sarah, “pati yung kapatid mo, pagtukoy ng Popstar Princess sa kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.


Hirit ni Toni, “Yung kapatid ko, pumapangatlo. Pero, may pagka-rebelde yun, so, tayong dalawa na lang. Huwag na lang nating ibigay sa isa.”


Ayon naman kay Sarah, “Dumadaan naman kasi sa stage na yun, ‘di ba Toni?”


Ang sagot naman ni Toni, “Yes, pero ang importante, nakikinig tayo sa mga magulang natin kasi, alam nila kung ano ang best para sa atin.”


Dagdag pa rin ni Sarah, “Gusto ko lang mag-add sa sinabi ni Toni about the parents. Iba ang reward na binibigay sa ‘yo ng Diyos kapag sinusunod mo ang mga magulang mo. Iba talaga.”

Bukod pa sa mga tagumpay na tinatamasa ni Sarah ngayon, malapit na rin mapanood ang kanyang drama anthology na Sarah G Presents at ang pagiging coach niya ng The Voice of the Philippines.


Ayon nga kay Sarah, “Magsisimula na po kami bukas for the blind auditions. Kinakabahan po ako but I’m very happy na makasama sina Ms. Lea [Salonga], Bamboo, Apl de Ap bilang coach. Grabe, big word, coach.”


Sa huli, nagpasalamat naman si Sarah sa kanilang director na si Direk Cathy Garcia-Molina para sa It Takes A Man and A Woman.


“Gusto ko lang magpasalamat sa director ko: si Direk Cathy. Talagang ang haba-haba ng patience niya sa akin sa pelikulang ito. Hindi niya ako hinayaan na magkaroon lang ng average na performance o yung performance na insincere.


“Talagang kahit na paulit-ulit kami, sulit naman. It pays off.”


Dugtong pa niya, “At sa aking leading man [John Lloyd] napakagaling. Thank you, thank you so much at na-restore rin ang ating pagkakaibigan, napakabait. Maraming, maraming salamat.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN