TV5 newbie Akihiro Blanco will topbill CineFilipino entry Mga Alaala Ng Tag-Ulan

Director Ato Bautista says of the male lead he picked for Mga Alaala Ng Tag-Ulan: "Akihiro was fresh looking and has this raw talent. Kumbaga, diamond in the rough. Mai-improve mo pa nang husto."


Mabibigyan na ng pagkakataon na maging bida sa isang indie film ang isa sa finalists ng Artista Academy ng TV5 na si Akihiro Blanco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Napili ang 17-year-old newbie (na pamangkin ng aktor na si James Blanco) para magbida sa Mga Alaala Ng Tag-Ulan, isa sa mga entries ng CineFilipino Film Festival sa darating na buwan ng Hunyo.
Ang direktor ng indie film ay si Ato Bautista na nakilala sa kanyang mga previous works na Sa Aking Pagkakagising Mula Sa Kamulatan, Carnivore, Di Natatapos Ang Gabi, Blackout, at Palitan.
Tungkol sa isang May-December affair ang first movie ni Akihiro, na gaganap sa role ni Santi na nagbakasyon sa isang malayong probinsya dahil masama ang loob sa kanyang mga magulang na biglang naghiwalay.
Sa kanyang pagmumuni-muni ay makikilala niya ang isang babae na siyang magiging kaibigan niya at magmumulat sa kanya tungkol sa maraming bagay, gaya ng sex at pag-ibig.
Matagal rin daw ang ginawang paghahanap ni direk Ato ng tamang lalake na magiging male lead sa kanyang bagong indie film. Dapat raw kasi ay mukhang inosente at malakas ang appeal sa masa.
Ang sabi ng direktor noong nakapanayam namin siya sa Eastwood City, “Hindi ko pa kilala si Akihiro Blanco. Nabanggit lang siya ng kaibigang kong si Mon Confiado noong magkakuwentuhan kami.
“Okey daw itong si Akihiro. Bata pa pero malakas ang dating sa mga fans.
“I was already auditioning other actors for the role of Santi. Nakalimutan ko na nga si Akihiro, e.
“Noong maalala ko, I looked him up over the internet. Nag-google ako at may mga information about him. Nakita ko ang hitsura niya at puwede siya sa role ni Santi.
“Nakuha namin ang contact numbers niya and invited him for a reading.
“From there, we found the right actor to play Santi.
"Akihiro was fresh looking and has this raw talent. Kumbaga, diamond in the rough. Mai-improve mo pa nang husto."
Sa role naman ni Claire, ang babaeng magbibinyag kay Santi sa mundo ng sex at pag-ibig, napili ni Direk Ato ang singer-turned-actress na si Mocho Uson.
Nakagawa na si Mocha ng ilang indie films tulad ng Sumpa, Seksing Masahista at Butas 2.
Dagdag pa ni direk Ato, “Mocha suits the role of Claire. May air of mystery ang personality ni Mocha. 'Tsaka kahit nakadamit siya, she’s still sexy—malakas ang sex appeal niya.
“And she can act. I know that she can give life to her role. She can give something extra pa.”
Sa Facebook page ng naturang pelikula, heto ang sinulat ni Direk Ato tungkol sa Mga Alaala Ng Tag-Ulan:
“It’s a poignant story about a young’s man first encounter with love, romance and heartbreak told in bits and pieces of poetic and melancholic memories of one man pouring under one rainy night.”
Nabanggit din niya na inspired ang pelikula mula sa paborito niyang classic film na Summer of ’42.
“I’m inspired by that film. It’s a coming-of-age story that many will be able to relate to.”
Ang iba pang nasa cast ng Mga Alaala Ng Tag-Ulan ay sila Mon Confiado, Issa Litton, Lance Raymundo, and Pio Balbuena.
Ang 1st CineFilipino Film Festival ay magaganap mula June 26 hanggang July 2 at the Araneta Center’s Gateway Cineplex, Ali Mall Cinemas, and Newport Cinemas of Resorts World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN