Nora Aunor almost gets heat stroke while shooting indie film in Nueva Vizcaya



Nora Aunor nearly suffered a heat stroke matapos ang apat na araw na sunud-sunod na shooting ng pelikulang Ang Kuwento Ni Mabuti. Ang Superstar ay nag-shooting mula April 15 hanggang April 18 sa Brgy. Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang bagong indie film na pinagbibidahan ni Nora ay idinidirek ni Mes De Guzman, para sa Cine Larga Productions, as line produced ni Ms. Rhea de Guzman, Mes' wife, for the first CineFilipino Independent Film Festival sa June 26 hanggang July 4, 2013.

May target playdate na ang pelikula kaya naging priority sa schedule ni Ate Guy (Nora's monicker) ang tuluy-tuloy na shooting nito na nasimulan na ng aktres noong March 20-21.

Mula sa dinaluhang Asian Film Awards sa Hong Kong noong March 18 kung saan nagwaging best actress si Nora Aunor (para sa Thy Womb ni Brillante Mendoza), agad tumuloy sa malayong location si Ate Guy.

Pero pansamantala ring nahinto ang shooting noon ni Nora, matapos ang dalawang araw, dahil hindi niya nakayanan ang sakit at pamamaga ng kanang paa, sanhi ng cellulite infection.

But as she promised at bilang pag-fullfill sa commitment niya sa TV5, kung saan naka-kontrata ang aktres, nagbalik sa Darapidap, Aritao, sa northern Luzon province ng Nueva Vizcaya, si Nora Aunor noong Linggo, Abril 14.

Nauna rito, nag-taping ng kanyang mga eksena si Nora para sa huling tatlong linggo ng drama series na Never Say Goodbye ng TV5 noong Abril 10 at 12. Matapos ang taping sa TV series, tumulak si Nora at ang kanyang mga kasama patungong Nueva Vizcaya to resume work on Ang Kuwento Ni Mabuti.



SMOOTH FLOW. Hinggil sa binalikang trabahong indie, naging smooth ang flow ng shooting niyon sa loob ng apat na araw (April 15-18), na labis na ikinalugod nina Direk Mes De Guzman at ng kanyang (technical/artistic) team; at ng buong produksiyon na pinamumunuan ni Ms. Rhea De Guzman.

Sabi nga ni Direk Mes, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matapos ang first-day shoot, "Natutuwa ako, kasi smooth [ang shooting], e. Happy ako.

"Maganda yung simula, so I think magiging maganda ito hanggang matapos. Good vibes, e!"

Noong umaga ng Biyernes, April 19, hindi nakayang makapag-shooting ni Ate Guy, dahil sa naranasang matinding pananakit ng kanyang leeg, na malapit sa kanang batok.

Ngsimulang mag-complain ng nararamdaman niya si Ate Guy noong April 18.

"Ang sakit ng batok ko," aniya sa ilang staff na naroon.

Nang makausap din ng PEP si Ate Guy, in-between takes, wala naman siyang matinding ikinu-complain, bukod sa nabanggit na pananakit ng kanyang leeg at batok.

Pero tumanggi si Ate Guy nang mabanggit na baka gusto na rin muna niyang huminto at magpahinga nang dakong hapon.

"Naku, mahirap naman yon, maraming maaapektuhan na crew...ayokong ako pa ang maging dahilan ng pagpa-pack up ng shooting," sabi niya.

"Pag kaya naman niya, hindi siya hihinto," sabi ni Boy Palma, Nora's personal manager.

Dagdag pa ni Palma, "Mahirap kasi ang sitwasyon ng shooting niya ngayon; magkahalong sobrang init, tapos, papasok sa aircon room... may sapin naman [na towelette] ang likod niya, para hindi siya matuyuan ng pawis, pero hindi pa rin sapat yon kung ganito kainit ang panahon.

"Nagsu-shooting siya sa liblib na lugar, sa may gubat, tapos aakyat ng bundok, naglalakad sa iba't ibang lugar..." sabi pa ni Boy. "Grabe ang init!

"It's tedious," wika pa ng manager ni Ate Guy. "Physically and emotionally demanding ang role..."

Minsan may eksena din si Ate Guy na naglalakad sa may bukid at bundok na may hila-hila pang native pig.



HEALED BY HILOT. Bunga ng nararamdaman ni Nora, nagpatawag ng pranic healer o hilot si Ms. Rhea. Agad ngang natukoy nito ang sanhi ng naging karamdaman ni Ate Guy. Ayon sa matandang manghihilot, may namuo ngang lamig sa mga ugat ni Ate Guy sa may gawing leeg at batok.

Kung hindi raw agad nagpamasahe si Ate Guy, posibleng matuloy yon sa heat stroke, na mas makakasama sa sitwasyon ng aktres.

Matapos ang hilot at masahe, gumanda na ang pakiramdam ni Ate Guy at nakatulog ito nang mahimbing.

"I have to have her rest for today," desisyon ni Boy Palma na pinayagan naman nina Direk Mes at ng kanyang line producer.

Nagkataon na ang kakailanganing sasakyang bus para sa ilang mahahalagang eksena ay hindi raw makakarating nang umagang yon, ayon sa isang taga-produksiyon, kaya hindi raw muna makukunan ang mga eksena ni Ate Guy kasama ang aktres na si Sue Prado.

Ginagampanan ni Nora sa Ang Kuwento Ni Mabuti ang papel ng isang hilot o folk healer.

Nakabase siya sa isang malayo at liblib na pook sa lalawigan, na halos mag-isang kumakayod para sa kanyang inang maysakit at apat na apo na kinupkop mula sa dalawang anak.


HAPPY WITH ATE GUY. Ang mag-asawang Mes at Rhea De Guzman, bilang magkatuwang sa pagpapatakbo ng sariling outfit, ang Cine Larga Productions, Inc., ay malaon nang nagpu-produce ng independent o indie films.

Kabilang sa pinaka-acclaimed na produksiyon nila ang Sa Kanto Ng Ulap At Lupa (2011), a Cinema One Originals Filmfest finalist, and the Digital Lokal top prize (best picture and direction) at the Cinemanila International Filmfest.

Nauna rito, much acclaimed din, locally and internationally, ang second film ni Direk Mes: Ang Daan Patungong Kalimugtong (2005).

During last year's Cinemalaya Independent Filmfest 2012, top winner as New Breed entry ang Diablo ni Direk Mes, na nanalong best picture, best direction (for Mes), at best actress para sa beteranang si Ms. Ama Quiambao, among other awards.

Pero, ayon kay Rhea, ito ang una nilang pagpu-produce na mayroong malaking artista, as big as our superstar, Nora Aunor.

"Napakalaking challenge talaga, para sa amin," sabi ni Rhea. "Hindi naman namin iniisip na magiging artista namin si Nora Aunor... sobra-sobrang blessing ito, kaya mahirap palampasin."

Isinatinig din ni Direk Mes ang kasiyahan niya sa unang pakikipag-trabaho kay Nora Aunor.

"Oo, siyempre! Sana, ganon din siya... sana, happy siya sa amin," natutuwang sambit pa ni Direk Mes.

Ayon sa naayos nang schedule, hanggang sa Lunes, April 22, ang pagtapos ng shooting nina Ate Guy at mga kasamang artista sa Ang Kuwento Ni Mabuti, kabilang sina Ama Quiambao, Sue Prado, Mara Lopez at Arnold Reyes.

Kabilang sa schedule na ito ang "spill-overs" o mga eksenang hindi natapos mula sa previous shooting days (na ideally ay natapos nang Linggo, April 21), kaya sakto pa ring April 23 ang pagbaba ng grupo ni Ate Guy.

May commitment naman si Ate Guy sa April 24 para kay German Moreno na magsi-celebrate ng kanyang 50th Anniversary, sa event na gaganapin sa Newport Performing Arts, sa Resorts World Hotel Manila.

Sa FAMAS Awards, ginawaran ng Presidential Award of Cinematic Excellence si Nora Aunor para sa kanyang mga natatanging achievements, bilang world-class film artist. Ngunit, hindi nakadalo si Nora sa April 21 event na ito sa AFP Theater.

Awardee rin si Nora Aunor sa PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) bilang Best Actress at nominado rin sa gaganaping Golden Screen Awards ng Enpress. Ang parehong awarding rites ay gagawin simultaneously on April 27.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN