Will It Takes A Man and A Woman break box-office record of Sisterakas?

It Takes A Man and A Woman, starring Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz, is now close to breaking the box-office record of Sisterakas, which currently holds record as highest-grossing local movie of all-time, by earning P345 million on its third week.


Nalagpasan na ng It Takes A Man and A Woman ang The Unkabogable Praybeyt Benjamin bilang second-highest grossing film of all-time.

Ang pinakabagong pelikulang ito nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ay kumita na ng P345 million as of today, April 17, ayon sa AdProm manager ng Star Cinema na si Roxy Liquigan.

Ang It Takes A Man and A Woman na ngayon ang second highest-grossing Filipino film, na ngayon ay nasa ikatlong linggo na sa mga sinehan.

Pinalitan nito sa puwesto ang pelikula ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin (2011) na kumita ng mahigit P320 million sa buong theatrical run nito noong 2011.

Ang tanong ngayon: Mahabol kaya ng It Takes A Man and A Woman ang kinita ng highest-grossing local movie na Sisterakas?

Ang Sisterakas, na entry sa Metro Manila Film Festival 2012, ay kumita ng P391 million sa takilya, ayon sa news website ng ABS-CBN.

Ang Sisterakas ay pinagbidahan din ni Vice, kasama sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Tulad ng Praybeyt Benjamin at Sisterakas, ang It Takes A Man and A Woman ay co-produced din ng Star Cinema at Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN