Edgar Allan Guzman plays brother of Rufa Mae Quinto in Huling Henya

by Margie Alberto
Apr 26, 2013
Edgar Allan Guzman and Rufa Mae Quinto are cast as siblings in the action-comedy film Miriam: Ang Huling Henya. (CLICK HERE to view photos taken on the set of their movie)
Isa si Edgar Allan Guzman sa mga artistang kasali sa pinakabagong pelikula ni Rufa Mae Quinto sa Viva Films, ang Miriam: Ang Huling Henya.
Inilarawan ni Edgar sa PEP ang kanyang role sa pelikula.
“Ako po si ano dito, si Mark. Magkapatid kami ni Rufa Mae Quinto, si Miri.
"Si Mark ay isang matalino at henyo. Siya talaga dito yung henyo.
“Isa siyang bartender sa isang club, mapagmahal na kapatid, mapagmahal na anak tsaka seryoso siya dun sa pagiging bartender niya.
“Si Mark, wala siyang pakialam sa mga pinaggagawa ni Ate Miri niya. Ang gusto niya lang is makasama si Miri, si Rufa Mae, magkaroon din silang bonding.
“Si Mark, kulang siya sa pansin dito. Kaya yung dating sa kanya is hindi niya pinapakialamanan yung ate niya.”
Ang pelikula, na mapapanood na sa Mayo, ay inaasahang puno ng comedy at action.
Pero wala raw action scenes dito si Edgar.
“Wala.Wala akong fight scene dito.
“Kasi dun sa mga fight scene tulog ako, tapos na-hypnotize ako, nasaksakan ako ng pampatulog.
“So sila, habang sila nagpa-fight scene, ako tulog lang ako sa eksena. Pero gigising din ako, zombie.”
Puno naman siya ng papuri sa bida ng pelikula na si Rufa Mae.
“Second time ko siyang makatrabaho. Una yung Enchanted Garden. Dun pa lang, palatawa na 'yan, e.
“Kalog lang. Prangka. Masaya. Masayang kasama. Masayang katrabaho.
“Pag walang ginagawa, picture kami tapos post namin sa Instagram. Yun yung way namin ng pagba-bond.
“So si Peachy [Rufa Mae's nickname] naman, magaan naman yang katrabaho, e. Tawa lang ng tawa. Biro lang nang biro. Pero pag seryoso, seryoso 'yan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edgar Allan Guzman and Rufa Mae Quinto are cast as siblings in the action-comedy film Miriam: Ang Huling Henya. (CLICK HERE to view photos taken on the set of their movie)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results