Gina Alajar, Regine Velasquez, Eddie Garcia and Alfred Vargas bag top honors at 10th Golden Screen Awards

The 10th Golden Screen Awards for Movies' big winners were: Gina Alajar (Best Performance by an Actress in a Lead Role- Drama: (Mater Dolorosa); Regine Velasquez (Best Performance by an Actress in a Lead Role- Musical or Comedy: (Of All The Things); Eddie Garcia and Alfred Vargas (Best Performance by an Actor in a Lead Role- Drama) (Supremo/Bwakaw). (


Matagumpay na naidaos ng Entertainment Press Society ang ika-10 Golden Screen Awards for Movies kagabi, April 27, sa Teatrino, Greenhills.

Espesyal ang ginanap na awards night kagabi dahil sa ika-sampung anibersayo sa pamamahagi ng dekalidad at hindi mababayarang award ng Enpress.

Malaki ang pasasalamat ng Golden Screen sa nagsilbing host sa gabi ng awards night, walang iba kung hindi si John “Sweet” Lapus na hindi na namin nabilang kung ilang costume changes ng kanyang gown ang ginawa sa bawat segment.

At sa huli nga, naka-tuwalya na lang ito dahil naubusan na raw siya ng isusuot.

Naging masaya lalo ang awards night dahil sa paghu-host ni Sweet.

Bukod kay Sweet, nagpapasalamat din ang Golden Screen Awards sa mga naging performers nang gabing yun—Kina Acel, Sam Concepcion and Tippy Dos Santos at si Christian Bautista na siyang nag-“serenade” sa mga Best Actress winners sa Dekada Awardee.

Gayundin kay Noel Ferrer na naging over-all-in-charge ng production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Incidentally, ika-sampung taon na rin ni Christian sa showbiz ngayong taong ito.

Ang pelikulang Bwakaw ng Cinemalaya, APT Entertainment and Octobertrain Films ang may maraming napanalunang tropeo at sinundan ito ng I Do BiDoo BiDoo ng Unitel and Studio 5.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagsipagwagi.

Best Visual/Special Effects: Dave Yu of Mothership (Tiktik: The Aswang Chronicles)

Best Original Song: “Saan Ako Tutungo,” from the movie Migrante, composed by Lucien Letaba, Rody Vera and Boni Ilagan, arranged by Melvin Corpin and interpreted by Honey Araneta.

Best Musical Score: Vincent de Jesus (I Do Bidoo Bidoo)

Best Sound Design: Antonieto Carlos (Supremo)

Best Production Design: Erin John Martir, Adrian Torres (Supremo)

Best Editing: Randy Gabriel (I Di Bidoo Bidoo)

Best Cinematography: Carlos Mendoza (Bwakaw)

Best Story: Jun Lana (Bwakaw)

Best Screenplay Adaptation: Jerry Gracio (Intoy Syokoy ng Kalye Marino)

Best Original Screenplay: Jun Lana (Bwakaw)

Best Breakthrough Performance by an Actor: Sef Cadayona (Gayak)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Breakthrough Performance by an Actress: Tippy Dos Santos ( I Do Bidoo Bidoo)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role- Drama, Musical or Comedy: Kristoffer Martin (Oros)

Best Performance by an Actress in a Supporting Role- Drama, Musical or Comedy: Anita Linda (Sta. Niña)

Best Performance by an Actress in a Lead Role- Musical or Comedy: Regine Velasquez (Of All The Things)

Best Performance by an Actor in a Lead Role- Musical or Comedy: Aga Muhlach (Of All The Things)

Best Performance by an Actor in a Lead Role- Drama: Alfred Vargas (Supremo) at Eddie Garcia (Bwakaw)

Best Performance by an Actress in a Lead Role- Drama: Gina Alajar (Mater Dolorosa)

Motion Picture- Musical or Comedy: I Do Bidoo Bidoo (Unitel and Studio 5)

Motion Picture- Drama: Bwakaw (Cinemalaya, APT Entertainment and Octoberian Films)

Ang Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde naman ang tumanggap ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award kunsaan ang isa sa mga orihinal niyang Regal baby na si Maricel Soriano ang nag-present ng award dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil ika-sampung taon ng Golden Screen Awards for Movies, nagkaroon ng special awards para sa mga nakaraang winners sa loob ng isang dekada. Sila ang may mga napanalunang awards na dalawa o mahigit sa dalawang beses pa.

Karamihan sa mga pinarangalan ay dumating at yung ilan na hindi personal na natanggap ang kanilang tropeo, kung hindi na nasa ibang bansa ay may mga commitments na talagang hindi maiiwanan.

Sa hanay ng mga film producers/outfit, ang APT Entertainment ni Mr. Antonio Tuviera, Star Cinema ni Ms. Malou Santos at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang nakahanay sa gallery of distinction ng Dekada Awards.

Nag-iisa naman sa hanay ng mga Director si Direk Jeffrey Jeturian na dalawang beses nang nanalo para sa pelikula niyang Minsan Pa noong 2004 at Kubrador noong 2006.

Ang mga nakahanay naman sa gallery of distinction ng Dekada Awards sa mga actor ay sina Tirso Cruz III, Sid Lucero, Dennis Trillo, Coco Martin at Aga Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakarating si Aga na siyang nanalo rin ng Best Actor in a Lead Role- Musical or Comedy ng gabing yun dahil nasa kampanya ito. Si Tirso naman ay hindi na nahintay ang pagtanggap ng kanyang tropeo dahi kinailangan na nitong pumunta sa campaign naman ni Vilma Santos sa Batangas.

Sa halip, ang anak na si Bodie Cruz ang umakyat at tumanggap ng parangal ng kanyang ama.

Naging napakasaya ng pagbibigay ng kategoryang ito dahil naging “game” rin ang lahat sa mga hirit ni Sweet.

At dahil sa pananalo ng Best Actor award nina Eddie at Alfred na nag-tie para sa Best Actor in a Lead Role- Drama noong gabing yun, automatic na nakasama na rin sila sa Dekada awardee.

Sa mga aktres naman, sina Zsa Zsa Padilla at Eugene Domingo ang hindi nakarating. Si Eugene ay kasalukuyang nasa Udine Festival para sa I Do Bidoo Bidoo at si ZsaZsa naman ay may nauna nang commitment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dumating ang iba pang aktres na pinarangalan bilang Dekada awardee na sina Maricel Soriano, Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Ara Mina at Judy Ann Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN