Zanjoe Marudo will have butt exposure in upcoming film Bromance: My Brother's Romance



Dual character na Brando at Brandy ang gagampanan ni Zanjoe Marudo sa kanyang upcoming movie, ang Bromance: My Brother's Romance.

Si Zanjoe ay gaganap bilang kambal at ang isa dito ay bakla.

Ayon sa aktor, may mga pagkakataon na nagsuot siya ng bra at two-piece swimsuit para sa pelikulang ito.

Noong April 27, bandang alas dos ng hapon ay nasa tapat ng San Sebastian Church si Zanjoe para mag-shoot ng ilang eksena niya para sa comedy film na idinerehe ni Wenn Deramas.

Bagamat mainit ang panahon, tuloy-tuloy ang shooting ni Zanjoe kasama si Arlene Muhlach, na gaganap bilang ina niya. Ang Bromance ang unang pagkakataon na magbibida sa isang pelikula si Zanjoe.

Sa press visit na ginanap noong April 27, kinuwento ni Direk Wenn kung ano ang isa sa mga highlights ng pelikula.

"Naku, yung puwet ni Zanjoe Marudo! [laughs]

"Tinanong ko nga si Zanjoe, e, 'Payag ka ba magpakita ng puwet?' Sabi niya, 'Oo, pelikula ko ‘to, e.' [laughs]

"Wala lang talagang kaarte-arte [si Zanjoe]."

Nang pag-usapan ang tungkol sa butt exposure niya sa pelikula, kuwento ni Zanjoe, "Merong eksena na hindi naman namin ipapakita kahit gusto naming ipakita...dahil talagang makikita siya.

"Nasa eksena lang. Maikli lang siya."

Kung mayroon mag-o-offer ulit sa kanya ng gay role in the future, tatanggapin ba ni Zanjoe?

Aniya, "Kung gusto pa rin nila, e, bakit ka naman tatanggi?

"Siyempre, kung anumang maiisip...Kunyari, Part two, siyempre bading pa rin naman ‘yon."

Ang Bromance ay isang production ng Skylight Films at mapapanood ito sa mga sinehan simula May 15.


GAY CHARACTER AGAIN. Ano naman ang reaction ng pamilya ni Zanjoe at ang girlfriend niya na si Bea Alonzo sa pagganap niya bilang bading para sa pelikula?

Paliwanag ni Zanjoe, "Nag [bading] na ako sa 24/7 in Love.

Biro niya, "Nahirapan nga akong magpaalam sa tatay ko, e. [laughs]

Pagpapatuloy niya, "Ginawa ko na...Kaya ko naman siguro nakuha ‘to kasi dahil dun nga sa 24/7.

"Siguro may nakita sila na may ilan na willing gumawa ng mga ganong role. At saka yung kapatid ko, pamilya ko, suporta sila sa lahat ng ginagawa ko, e.

"Hindi naman siguro sila mag-iisip na 'Hindi kaya bading yung anak natin?'

"Hindi naman siguro sila maggaganon. At saka natutuwa sila, e. Proud sila sa akin na nagagawa ko yung mga ganyan."

Dagdag naman ni Direk Wenn Deramas: "Doon mo naman yata makikita sa lagay yung tunay na lalaki, e, ‘di ba? Yung confident na gawin ito. Siyempre yung iba, baka natatakot, kasi baka lumabas yung totoo. Pero sa kanya, wala siyang ganong insecurity."

Magsusuot ba si Zanjoe ng damit babae para dito?

Ani Direk Wenn, "Hindi, hindi. Pero nag-bra at nagtwo-piece." [laughs]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Zanjoe: "Hindi ako nagbestida pero naka two-piece [swimsuit]. May mga eksena kasi sa swimming pool, e."

"Nakakatawa. Hindi pa kami nag[shoot] ng eksena nakakatawa na."

Nailang ba si Zanjoe nang magsuot siya ng bra at two-piece swimsuit para sa role niya?

"Hindi naman. Pero siyempre, ‘andun pa rin yung ilang," pag-amin ni Zanjoe. "Titingnan ko kung anong itsura ko. Pero ‘pag nakikita ko naman, natatawa rin ako sa sarili ko. At saka hindi ko na mauulit ‘yon, e. Pelikula kasi saka ‘di ba parang habang buhay ko nang makikita sa…hanggang pagtanda ko, mapapanood ko."

Nakita ba ni Bea na naka two-piece swimsuit si Zanjoe?

"Hindi niya nakita, e. Hindi niya nakita pero mapapanood niya. Malay mo pagkatapos kong gawin ‘yon, merong ibang [ma-realize] na pwede palang magtwo-piece ang mga lalaki." [laughs]




COMPARISON TO ADAM SANDLER. Ano ba ang konsepto ng Bromance?

"Dito sa Bromance kasi kambal sila: isang lalaki at isang bading. Tapos yung bading ang medyo sinuwerte, yung lalaki ang medyo minamalas.

"Nagkaroon ng aksidente yung bading [na si Brandy] at [si Brando] kailangan niyang i-assume...kailangan niyang magpanggap na siya yung bading," paliwanag ni Direk Wenn.

Bakit si Zanjoe ang pinili na maging bida sa Bromance?

"Noong sinabi nila sa akin na Zanjoe ang gaganap na kambal, naexcite ako. Sabi ko tara, gawin natin!

"Kaya ko nga ginawa 'tong pelikula kasi si Zanjoe [ang bida]. Why him? Nakasama ko siya ng dalawang beses sa isang, sa soap: sa Kokey at saka yung Dyosa with Anne Curtis."

Dahil sa nakitang talento ni Direk Wenn sa comedy skills ni Zanjoe, binansagan niya ang aktor bilang Adam Sandler ng bansa.

Ani Direk Wenn, "Parang kumbaga, parang long overdue yung launching niya. Parang matagal na dapat, kasi isa si Zanjoe sa atin yung gwapo at saka marunong magpatawa, kaya nga sinasabi ko sa kanya, ikaw na ngayon yung magiging Adam Sandler ng Pilipinas."

Ano naman ang reaksyon ni Zanjoe sa bansag na ito ni Direk Wenn?

Biro ni Zanjoe, "E, ‘di ano, pag-iipunan ko na magtayo ng sarili kong programa, Happy Marudo naman, kasi si Adam Sandler, may Happy Madison [referring to Adam's TV/film production outfit]."

Pagpapatuloy ng ABS-CBN actor, "Natutuwa ako kasi dati nung nagtatrabaho kami sa Kokey…yung mga katrabaho ko, sila Uge [referring to Eugene Domingo], parang sumusuporta sila sa akin. Parang yung suporta nila sa akin nararamdaman ko.

"Niloloko nila dati, lagi nilang sinasabi kay Direk Wenn, 'Direk, gawan mo naman ng pelikula si Zanjoe.' Nagkakalokohan lang.

"Ilang years ‘yon...six years ago? Tapos yun pala, yung magiging launching ng pelikulang gagawin ko, si Direk Wenn talaga magdi-direk."


REUNION WITH CRISTINE REYES. Ang magiging leading lady ni Zanjoe sa pelikula ay si Cristine Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta ang working relationship nila ni Cristine?

"Napakagaan kasi, nagkatrabaho na kami dati sa teleserye," sabi ni Zanjoe tungkol sa leading lady niya dati sa Precious Hearts Romances presents Martha Cecilia's Kristine.

"Nung nalaman ko nga na siya yung makakatrabaho ko, sabi ko, 'Ay, hindi ako mahihirapan kasi hindi na naming kailangan mag-adjust.' Kumbaga alam na namin ang timing ng isa’t isa. Kahit sa comedy kasi naabutan ko pa siya sa Banana Split dati bago pa siya umalis.

"Masarap, parang masarap magtrabaho na may timing kayo pareho na alam niyo kung kailan kayo bibitaw."

May kuwento pa si Direk Wenn tungkol sa pagiging matiisin ni Cristine kahit hirap na siya sa eksena.

"Hinigad siya! Mapuno kasi yung location pero wala kang maririnig na reklamo. Nangangamot na lang siya.

"Ako pa ang nag panic kasi flawless na babae at puro pantal na kaya pinahiran ko ng Caladryl."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN