TV5 actress Marvelous Alejo will star in indie film Time in a Bottle


Magbibida sa indie film ang isa sa naging finalists ng TV5’s Artista Academy na si Marvelous Alejo.

Ang 16-year old na taga-Valenzuela ay magbibida sa indie film titled Time In A Bottle na mula sa direksyon ni Ron Sapinoso. Ipapalabas ito sa July.

Kuwento ni Marvelous na ito ang second indie film niya. Una siyang lumabas sa Mangkukulob kunsaan isa siyang bampira.

Sa Time In A Bottle ay gaganap siya bilang isang PWD or Person With Disability.

“I play Olivia at physically, mahirap ang role na binigay sa akin ni Tatay Ron.

“Pero naging inspiration ko sa role ko rito ay si Tatay Ron mismo.

“Kahit na physically challenged siya, hindi ‘yun naging hadlang para hindi niya magawa ang trabaho niya bilang isang director.”

May celebral palsy raw ang kanilang director. At kahit nga raw hirap itong maglakad at magsalita, ramdam nga raw ng buong film crew ang dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

“Kaya nga po mas humahanga ako sa tulad ni Tatay Ron.

“May ibang tao, wala naman silang sakit, pero tamad silang magtrabaho.

“Si Tatay Ron, bilib kaming lahat sa pinapakita niyang sipag, tiyaga at dedikasyon sa trabaho.

“Kaya nga sa Time In A Bottle, inaarte ko lang ang role ko bilang disabled person, ramdam ko na ang hirap. What more kung gano’n ka talaga sa tunay na buhay?

“Kaya alam ko na kung ano ang pakiramdam ni Tatay Ron at ng ibang mga taong may gano’ng klaseng disability,” sey ni Marvelous.

Ang iba pang kasama ni Marvelous sa Time In A Bottle ay ang mga indie actors na sina Jeff Fernandez, Wolf Angelo, Alma Munar at Bonic Marco.

Si Marvelous ang ikalawang produkto ng Artista Academy na sumasabak sa paggawa ng indie film. Nauna na si Akihiro Blanco na bida sa indie film na Mga Alaala Ng Tag-Ulan na isa sa entries ng CineFilipino Film Festival sa June.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy po ako kay Akihiro kasi bida siya agad sa first movie niya.

“Masipag at talagang desidido ‘yang si Akihiro na pagbutihin ang pagiging artista niya.

“Nagkasama lang kaming dalawa last April sa Robin Dude ng Istorifik: Pidol’s Kuwentong Fantastik.

“Alam ko na sobrang happy si Akihiro noong mapili siyang bida sa indie film. Mapansin naman sana siya dahil kina-career talaga niya ang pag-arte,” ngiti pa niya.

Nagpapasalamat naman si Marvelous dahil sunud-sunod naman ang nagiging trabaho niya sa TV5.

Kamakailan lang ay lumabas siya sa teleserye na Never Say Goodbye kunsaan siya ang gumanap na batang Rita Avila.

Kasama rin siya sa PLDT MyDSL motorcade na lumilibot sa iba’t ibang areas ng Metro Manila.

Meron din siyang tinatapos na isang OPM album under PolyEast Records.

May natapos din na isang project si Marvelous, isang net series titled Shi No Kage (Shadow of Death) na dinirek ni Julius Roden.

“Ginawa ko po yan bago ako sumali ng Artista Academy.

“Action series ito kunsaan isa akong black ninja. Kasama ko po rito si Khalid Gunting.

“May trailer na po kami na mapapanood sa YouTube.”

Kahit paunti-unti ay happy si Marvelous dahil nagkakaroon na ng katuparan ang matagal na niyang pangarap na maging isang artista.

Gamit ang tunay niyang pangalan na Margarette Veronica Louise Lim, lumabas na siya dati sa ilang shows ng GMA-7 (Blusang Itim, Kung Aagawin Mo Ang Langit, Captain Barbel, Sisid, Sinner Or Saint, Time of My Life) at ABS-CBN (Maalaala Mo Kaya, Luv U).

Dahil contract talent na siya ng TV5, may dalawang shows siyang sisimulan sa kanyang home network: FB (Forever Barkada) at Love Of My Life.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN