Zanjoe Marudo on his new movie: “Pati puwet ko pinakita ko na. ‘Yong sa susunod, hindi ko na alam kung ano ang ipapakita ko.”

“Pati puwet ko pinakita ko na. ‘Yong sa susunod, hindi ko na alam kung ano ang ipapakita ko,” says Zanjoe Marudo with a laugh regarding his butt exposure in his movie Bromance. Zanjoe was accompanied by his girlfriend Bea Alonzo (left) and by his leading lady Cristine Reyes (right). (CLICK HERE<


Natuwa si Zanjoe Marudo sa naging reaksiyon ng mga nanood ng celebrity screening ng bago niyang pelikula na Bromance: My Brother's Romance. Ginanap ang premiere night sa Robinsons Magnolia, Quezon City kahapon, May 14.

“Nakakatuwa kasi ‘yong reaksiyon ng mga tao, ‘yon ang ine-expect namin,” sabi ng Kapamilya actor tungkol sa matinding tawanan ng mga manonood sa loob ng sinehan.

Bagamat nakasama na sa ilang pelikula, ang Bromance ang itinuturing na launching movie ng 30-year-old actor.

Kaya naman bigay-todo si Zanjoe para sa pelikula na unang comedy film ng Skylight Films.

Biro pa ni Zanjoe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “Pati puwet ko pinakita ko na.

“‘Yong sa susunod, hindi ko na alam kung ano ang ipapakita ko.”

Sa kanyang mga naging eksena sa pelikula, ang pinakamahirap, ayon kay Zanjoe, ay ang mga pagkakataong mag-uusap ang dalawang character na ginagampanan niya: sina Brando at Brandy.

Sabi ni Zanjoe, "Mahirap actually kapag magkausap silang dalawa kasi wala talaga akong kausap, e. Kausap ko lang naman ‘yong sarili ko.

“Pero mabuti na rin ang nandiyan si Direk Wenn [Deramas] na laging inaalalayan ang mga eksena ko.

“Sana ‘yong mga tao, panoorin ‘yong pelikula.”



PROUD GIRLFRIEND. Samantala, ipinagmalaki naman ng aktres na si Bea Alonzo ang bagong pelikula ng kanyang boyfriend na si Zanjoe.

Kasama ni Zanjoe na dumating si Bea sa celebrity screening kagabi.

Dito ay sinabi ng 25-year-old actress, “I’m very proud and very happy. I think he did good, he did a great job.”

Pagdating naman daw sa butt exposure at iba pang eksena, sabi ni Bea, “Naloka ako! Pero nakakatawa.”

Hindi na rin nagulat si Bea sa pagganap ni Zanjoe bilang isang homosexual sa pelikula.

Matatandaan na nagsama ang magkasintahan sa anniversary movie ng Star Magic noong nakaraang taon, ang 24/7 in Love.

Parehong umaasa sina Zanjoe at Bea na masusundan pa ang ganitong klase ng pelikula para sa una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Zanjoe sa huli, “Sana [meron pa] para may bago palagi.”

Ang celebrity screening kagabi ay dinaluhan din ng mga malalapit na kaibigan ng cast ng Bromance.

Kabilang sa mga dumating ay sina Eugene Domingo, Enchong Dee, Ejay Falcon, Iza Calzado, Andi Eigenmann, Ryan Bang, Pooh, at Jayson Gainza.

Naroon din ang ilang executives ng Kapamilya network na sina Star Cinema managing director Malou Santos at ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes.

Nakita ring nanonood ng pelikula ang mga direktor na sina Ruel Bayani, Don Cuaresma, at Olivia Lamasan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN