Mike Tan joins Iza Calzado and Ken Zhu in movie "Batanes"


Young actor Mike Tan seems to be reaping the fruits of his hard work as he now gets TV and movie offers. Aside from playing Choi in the high-rating Marimar, the young actor will also be part of the movie Batanes, starring Iza Calzado and F4 member Ken Zhu.



Ngayon pa lang, paying off na ang repackaging sa second Ultimate Male Survivor ng StarStruck na si Mike Tan after he decided to go sexy and mature.

Cast sa Marimar as Choi, babalik muli ang character ni Mike this month sa high-rating drama series ng GMA-7 sa pagbabalik ni Marimar (Marian Rivera) sa Villa Santibañez. Sa Zambales kukunan ang mga eksena ni Mike kung kaya't kailangang maayos ang schedule ng young actor dahil this Friday, October 12, lilipad na siya patungong Batanes to start shooting for the movie Batanes ng Ignite Media Films, starring Iza Calzado and F4's Ken Zhu and to be directed by Adolf Alix.

Si Mike ang gaganap na leading man ni Glaiza de Castro sa pelikula. Supposedly, na-test si Mike para sa papel na unang asawa ni Iza Calzado. "Kaso sa test shot po namin ni Iza, nagmukha akong batang-bata. Pinalaki na lang po yung papel ng isa sa mga male characters sa movie at 'yon ang ibinigay sa akin," paliwanag ni Mike sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makita namin siya sa Station 168 internet café sa Tomas Morato, Q.C., noong October 8.

Balitang pinagpipilian between Sid Lucero and Coco Martin ang gaganap sa first husband ni Iza.

By November, magsisimula na rin si Mike sa sequel ng Manay Po na Manay Two: Three Gays and a Baby ng Regal Entertainment. Ang original partner niyang si LJ Reyes pa rin ang makakatambal niya sa pelikulang ididirehe ni Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN