Hollywood actor Patrick Bergin considers working on Dance of the Steel Bars as a "miracle"

Dingdong Dantes (left) and Mon Confiado (middle) were able to work with Hollywood actor Patrick Bergin in the movie Dance of the Steel Bars. This prison drama will be screened in Philippine cinemas starting June 12, 2013.



Pagkatapos ng halos tatlong taon simula nang umpisahan ang paggawa ng international independent film na Dance of the Steel Bars, ipapalabas at mapapanood na ang naturang pelikula sa mga SM cinemas ngayong June 12.

Ang Dance of the Steel Bars ay masasabing inspired sa Cebu Dancing Inmates na naging YouTube sensations at nakakauha na ng ilang milyong hits. Sa Cebu Bilibid Prison din kinuhanan ang pelikulang Dance of the Steel Bars na dinirek nina Marnie Manicad at Cesar Apolinario. Ang naturang pelikula ay produced ng international production company na Portfolio Films.

At ngayon, pumasok na rin ang GMA Films bilang isa sa mga producers at distributor ng pelikula.

Kamakailan ay lumabas ang magandang balita na ang pelikula ay nabigyan ng grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) kung kaya’t ang bida ng pelikulang ito na si Dingdong Dantes ay hindi maitago ang kasiyahan sa natanggap na magandang balita.


Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong kung ano ang masasabi niya na kahit matagal din bago naipalabas ang ginawang international-indie film ay graded A naman ang nakuha nitong grade sa CEB.

Ayon kay Dingdong, “Masaya po ako na nakita ng CEB ang pagkakatahi-tahi ng passion namin sa pelikulang ito na makapagpapalabas ng isang magandang kuwento tungkol sa buhay ng mga preso natin at kung papaano nagkakaroon ng pag-asa sa loob ng kulungan.

“Tuwing nakakakuha ako ng rating na mataas tulad sa Segunda Mano na naka-grade A, Tiktik: The Aswang Chronicles na graded B at One More Try na graded A rin, parang bagang grade ito na ibinibigay ng teacher sa estudyante.

“Basta’t pinaghirapan, pinaghandaan at inilagay ang buong puso, masarap na matumbasan ng mataas na grado. Pero siyempre, mas maganda kung marami ang manonood,” nakangiti niyang sabi.

Isa nga raw ito sa mga pelikulang ginawa niya na maipagmamalaki niyang talaga.

Aniya, “I am proud to be part of this film that we worked for...years ago.

“Finally, ipapalabas na siya sa June 12.”

Bukod kay Dingdong, kasama niya sa pelikulang ito ang Hollywood actor na si Patrick Bergin.

Si Patrick ay naging leading man ni Julia Roberts sa isang pelikula niya noon, ang Sleeping with the Enemy (1991). Kasama rin sa pelikula ang iba pang local stars tulad nina Ricky Davao at Joey Paras.

Napag-alaman naman ng PEP.ph mula mismo sa mga fans ni Dingdong na magkakaroon ang Team Dongyan ng mass para sa pelikula sa June 12, alas-sais ng umaga para raw sa ikatatagumpay ng pelikula sa unang araw pa lamang ng showing nito.

Magaganap ang kanilang pa-misa sa San Sebastian Church na ayon pa sa mga ito ay ang “only all-steel church in Asia.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


PATRICK BERGIN IN PRISON. Nang makausap ng PEP.ph si Direk Cesar Apolinario, kinuwento nito na isang linggo nag-shooting ang Hollywood actor na si Patrick Bergin sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Ani Direk Cesar, "Si Patrick ang parang narrator sa pelikula at nagkaroon sila ng father-son relationship ni Dingdong.

"Pati mga preso kinakausap ni Patrick at na-gets niya na paspasan ang paggawa ng pelikula na ito."

Pinaliwanag ni Direk Cesar na isang linggo lang kasi ang permission to shoot na nakuha nila mula sa maximum security prison kung kaya't kailangan nilang matapos agad ang mga eksena sa loob ng kulungan.

"Kunwento sa amin ni Patrick, sa Hollywood kahit simple lang ang eksena, paulit-ulit sila at ang tagal-tagal para i-shoot ang eksena. Sa kanila, inaabot ng taon bago matapos ang pelikula.

"Nagulat siya sa sistema dito dahil mabilis raw tayong mga Pilipino.

"Natutuwa siya sa sistema na ganun. Cooperative siya at pagdating niya sa set, alam na niya ang gagawin niya."

Sa katunayan, nang matapos raw ang pelikula, lumapit raw si Patrick kay Direk Cesar at sinabi nito: "It's a miracle! Seven days!"

Pinaliwanag rin ni Direk Cesar na umabot ng tatlong taon bago maipalabas ang Dance of the Steel Bars dahil sa post-production nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN