Dingdong Dantes extols work ethic of Hollywood actor Patrick Bergin in Dance of the Steel Bars

Dingdong Dantes reignites his passion for dancing through his film Dance of the Steel Bars. The Kapuso actor had the chance to work with Hollywood actor Patrick Bergin (right frame) and Joey Paras (left frame, left) in this prison drama. Dance of the Steel Bars will be shown in Philippine theaters on June 12, 2013.


Muling babalikan ni Dingdong Dantes ang kanyang first love: ang dancing.

Dati kasing miyembro ng Abstract Dancers si Dingdong bago siya naging isang aktor.

Pero hindi lang ito basta-basta pagsasayaw, dahil pagsasamahin niya ang dalawang bagay na mahal niya, ang pagsasayaw at ang paggawa ng pelikula.

Para sa upcoming film niya na Dance of the Steel Bars, gaganap si Dingdong bilang si Mando, isang convicted murderer na itinatago ang kanyang “passion for dancing.”

Nabanggit ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press noong May 29 na kinunan nila ang pelikula sa Cebu Provintial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) sa Cebu City.

Kaya naman tingin ng iba, ang kuwento ng pelikula ay hango sa mga karanasan ng Cebu Dancing inmates.

“Alam mo iniisip ko pa rin na it's inspired by it [Cebu Dancing Inmates],” pag-amin ng Kapuso actor.

“Pero sa aking palagay, ‘yong small details, uhm, lahat ng struggles, e, definitely true to life talaga ang mga detalye.

“Pero the whole story how the dance number begun, [and] how we discovered that, fictional ‘yon. Pero ‘yong small stories inside, ‘yon ay galing talaga doon sa mga tao sa loob.

“Kaya nakakatuwa dahil personally nakikita namin kung papaano sila mag-develop as prisoners, paano sila nagiging disiplinado.

“Kasi to do that, to come up with something like that, kailangan kakaiba ‘yong program na ginagawa nila inside the facility.”

Ang istorya ng Dance of the Steel Bars ay sinulat nina Cesar Apolinario, Marie Manacad, at Jiggy Manicad. Ang screenplay naman ay ginawa ni Cris Lim.



DIFFICULTIES IN SHOOTING. Dahil sa isang prison cell kinunan ang pelikula, iniisip ng ilan na naging mas mahirap ang paggawa nito.

Dagdag pa dito ang imahe ng mga kulungan sa Pilipinas na kadalasan ay marumi at magulo.

Pero iba raw ito sa naranasan ni Dingdong sa loob ng maximum security prison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “‘Yong sitwasyon nila actually maayos-ayos na, e.

“Hindi gaya ng ibang kulungan na nakikita ko siksikan sobra, dito talaga… parang sa akin talaga, e, they live hindi naman comfortably but inaalagaan talaga sila doon. And maybe because nirerespeto rin nila ‘yong ano, ‘yong facility, lahat ng binibigay sa kanila.

“Bihira lang po ako maka-encounter ng kuwentong may tumakas, nag-riot, nagkagulo. Siguro dahil sinabi rin sa kanila na, 'Wag kayong magulo, may magus-shooting dito.’

“Pero on my own stay, on my own experience, I didn’t encounter such instances.”

Nabanggit na rin niya ang naging karanasan kasama ang ilang inmates sa CPDRC, ibinahagi na rin niya ang iba pa niyang karanasan sa paggawa ng pelikula, partikular na sa kanila ng co-actor na si Joey Paras.

Nakangiting pag-alala ng aktor, “Well ang masasabi ko lang, ‘yong sa amin ni Joey Paras, kasi medyo may intimate scenes kami, intimate in a sense na sumayaw kami ng isang napakagandang, bonggang-bonggang jazz, na interpretative dance.

“Well doon sa shoot, nagkaroon po ako ng ilang araw na nag-workshop kami, ginawa namin off-screen, then we shot it kung saan [dapat].

“We have to be comfortable with each other para magawa namin ang dance na ‘yon.

“Hindi siya madali dahil ‘yong lifting scenes, e, siyempre binubuhat ko siya. E, ngayon lang po ako nagbuhat ng aking… aking fellow male.”

Ang nag-choreograph ng mga sayaw nila Dingdong ay ang international choreographer na si Cindera Che, ang nag-choreograph ng music video ni Michael Jackson na “Smooth Criminal.”

MARIAN RIVERA. Bukod sa pagsasama ng pagsasayaw at paggawa ng pelikula, may cameo role din ang isa pang mahal ni Dingdong, ang nobya niyang si Marian Rivera.

Biglaan lang daw talaga ang paglabas ni Marian sa pelikula.

Kuwento niya, “Alam n’yo dumaan lang talaga siya no’ng ano, no’ng re-shoot pa lang na ‘yon, re-shoot ‘yong years after.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So dumaan siya opera makita ‘yong production and then nasabi ni direk Cesar [Apolinario] na, ‘O, baka puwede ka mag-cameo,’ so pinag-cameo siya.

“Medyo isang scene naman, isang buong scene naman siya. Pero ang pagkakaalm ko, e, ipapalabas siya, ‘yong scene na ‘yon.”

PATRICK BERGIN. Ang isa pang espesyal makakasama ni Dingdong sa pelikula ay ang Irish Hollywood actor na si Patrick Bergin.

Ilan sa mga pelikulang kinabibilangan ng aktor ay ang Sleeping with the Enemy (1991), Patriot Games (1992), Dracula (2002), Ella Enchanted (2004), at Eva (2009).

Kuwento ni Dingdong, iba raw talaga ang nakita niyang disiplina sa kanyang foreign co-actor.

"Sa umpisa tahimik siya, e," kuwento ng Kapuso actor.

"Pero siyempre along the way naka-adjust na, nagkukuwento siya tungkol sa mga experiences niya sa ibang pelikula.

"Makikita mo talaga ‘yong discipline niya when it comes to time, siyempre on the dot— kapag sinabing alas nuebe, alas nuebe.

"Kapag sinabing take na, ready na po siya."

Bukod kay Patrick Bergin, ang ibang cast ng pelikula ay sina Ricky Davao, Mon Confiado, Joey Paras, Thou Reyes, Kathleen Hermosa, Maila Damian, Gabe Mercado, at Gwen Garcia.

DELAY OF SHOWING. Kung naging maayos ang paggawa sa pelikula, ipinagtaka ng marami kung bakit inabot ng ilang taon bago ipalabas sa mga sinehan ang pelikulang ito.

Matagal na kasing nababanggit ni Dingdong ang tungkol sa Dance of the Steel Bars pero sa June 12 pa lang ito ipapalabas.

Ang dahilan daw nito, ayon kay Dingdong, ay ang paggawa ng iba pang “version” ng pelikula.

Bukod kasi sa GMA Films, ka-partner na producer ang international production company na Portfolio Films International. Associate producer naman si Dingdong ng naturang prison drama.

Ani Dingdong, “Ang alam ko mas nakaganda po ‘yong matagal na pagkaka-release, nagakaroon ng maraming version sa cut niya, dahil ‘yong producer po nito, bukod sa GMA Films, ay ang Portfolio Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And siyempre alam po natin na kapag foreigner ang nag-produce, ‘yong cut ng pelikula minsan may sarili silang taste para mapalabas sa international market.

“Hanggang siguro tumagal, natagalan ang compromise para sa isang cut, it will be for global release—okay para sa Philippine market, okay din sa global market.”

Ang ilang bansa kung saan ipapalabas ang pelikula ay Guam, Hawaii, L.A., Las Vegas, New York, Dubai, Qatar, Hong Kong, Singapore, Bangkok, Vancouver, Guando, at Virginia.

Isasali rin ang Dance of the Steel Bars sa ilang international film fests tulad ng Melbourne International Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN