Artista Academy runner-up Akihiro Blanco wants to make a mark on his first movie

"Siyempre, first movie ko yun, kaya kailangan ko talagang maghanda at kailangan kong galingan. Kasi, gusto ko kasi, parang hindi siya makalimutan ng mga tao kasi first movie ko siya. Siyempre ganun naman talaga, kung ano yung una mong palabas, yun yung natatandaan talaga, e. So, kailangan ko talagang ibuhos lahat dun,” pahayag ni Akihiro Blanco tungkol sa kanyang kauna-unahang pelikula.


Lagare si Akihiro Blanco sa tatlong shows niya sa TV5 at sa kauna-unahang pelikula niya, ang indie film na Mga Alaala sa Tag-Ulan.

Malapit na rin niyang simulan ang taping para sa telesine na pagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor at ni Tirso Cruz III, ang When I Fall In Love.

Sa storycon noon ng Mga Alaala sa Tag-ulan, inamin ni Akihiro na kabado siya sa mga eksena nila ng co-star niyang si Mocha Uson dahil nga bagito pa siya pagdating sa paggawa ng pelikula.

At noong Huwebes, June 6, natapos na ang shooting nila ng nasabing pelikula na ginanap sa isang eskuwelahan sa may Rizal.

Last Tuesday naman, June 4, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest ng TV5 ang Artista Academy runner-up.

Sinabi ni Akihiro na pinaghandaan talaga niya ang mga maseselan nilang eksena ni Mocha.

“Yun nga yung big scene namin ni Mocha, at hinahanda ko yung sarili ko, e.

“Kasi… basta ewan ko, handa na siguro ako nun kasi kakatapos lang ng shooting namin noong Monday, kahapon lang.

“So ngayon, nagri-ready na rin ako at saka siyempre, first movie ko yun, kaya kailangan ko talagang maghanda at kailangan kong galingan.

“Kasi, gusto ko kasi, parang hindi siya makalimutan ng mga tao kasi first movie ko siya.

“Siyempre ganun naman talaga, kung ano yung una mong palabas, yun yung natatandaan talaga, e.

“So, kailangan ko talagang ibuhos lahat dun.”

Aminado si Akihiro na nahirapan siya sa maraming eksena na kinunan dahil palagi raw siyang basa sa ulan.

“Yung mga pinakamalaking eksena na nakunan na namin, yung mga eksena sa ulan, kasi mahirap.

“Alaala kasi ng tag-ulan… so maraming rain effects.

“So talagang lagi akong basa nun, naghahanda talaga ako lagi.”

Pabirong tanong namin sa binata kung nadadala ba siya sa ilang maiinit na eksena nila ni Mocha sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot nito, “Wala pa kaming mga eksenang ganun, sa Huwebes pa lang.

“Pero hindi naman yun talaga ganun ka-sexy. Kung mapapanood n’yo yan, parang kilig lang.

“At saka hindi naman siguro yun lang ang tututukan ng mga viewers kundi yung istorya.

“Maganda talaga yung istorya nito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN