Cesar Apolinario on having two directors for Dance of the Steel Bars: “Two minds are better than one.”

(L-R) Marnie Manicad, Joey Paras, Dingdong Dantes, and Cesar Apolinario were photographed during the Megamall premiere of Dance of the Steel Bars. (View photos: Dance of the Steel Bars premiere night)


Wala raw problema kay Cesar Apolinario kung dalawa sila ni Marnie Manicad na nag-direk ng pelikulang Dance Of The Steel Bars na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Unang beses daw ito na may co-director siya sa isang indie movie.

Ani Direk Cesar: “Okay naman sa akin kasi sa totoo lang 'pag mag-isa ka lang tapos seven days magsu-shoot sa loob ng isang maximun security prison, parang imposibleng gawin ng isang tao.

“Siguro Superman na lang ang makakagawa nun, di ba? So mas nakaganda na nandun si Marnie at naging co-director ko. I think mas napaayos ang pelikula kasi naniniwala ako na no man is an island.

“Naniniwala ako na two minds are better than one, ayun yung collaboration, okay naman.

“Also natuwa rin ako dahil yung producers namin sina Stuart Cameron 'tsaka si Stu Higton, e, involved din sila sa pagbubuo ng pelikula.

“Habang ine-edit lalo, iyon yung pinakamahirap na part, yung post-production dahil sa sobrang ikli ng schedule na ibinigay sa amin para mag-shoot magiging problematic iyon e, kung hindi namin patatagalin yung pag-e-edit.

“Basically, kaya siya tumagal din dahil inayos namin siya, kung paano tatakbo yung istorya tsaka yung character arc.

“Importante yung character arc, e. Like for instance, yung kay Dong, yung character ni Dong, ang tagal naming pinagdesisyunan, kasi sa original script, lahat sila dapat magkakapantay ng character... ng paglabas sa pelikula.

“Pero inilaban namin, kasi when I conceptualized the story nung ginawa ko yung sequence treatment, nung ginawa ko yung character draft, naisip ko na talaga na parang ayoko siyang kalat yung characters.

“Gusto ko may concentration sa isang character. And si Dingdong na iyon. Nung ginawa ko yung character ni Mando, ang nasa isip ko talaga, si Dingdong Dantes.

“Si Dong is a sensible actor, I know that he can give the best that he can do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bukod doon, bukod sa alam kong magaling, si Dong napakabait na bata, napaka-professional, wala akong naging problema sa kanya.”

Ang Dance of The Steel Bars, na kasalukuyang ipinapalabas sa SM cinemas, ay tungkol kay Mando na nakulong dahil nakapatay ng isang bading.

Istorya ito ni Mando na takot ipakita ang husay at passion niya sa pagsasayaw dahil baka mapaghinalaan siyang isang bading.

At sa loob ng bilangguan, isang bading (played by Joey Paras) ang naging matalik niyang kaibigan.


VICE GANDA AND JESSICA SOHO. Samantala, naitanong namin kay Cesar ang opinyon niya sa naging kontrobersiya sa pagitan nina Jessica Soho at Vice Ganda.

Superior ni Cesar sa GMA News and Public Affairs Department si Miss Soho at matalik rin na kaibigan.

“Sa totoo lang, ako I can’t blame Vice Ganda kasi it’s his job.

“In fact, may mga gumagawa rin naman nun e, di ba, na ibang mga stand-up comedian. Siguro mali lang ang timing?” tugon niya.

At mali ang venue?

“Hindi e, para sa akin, kahit saang venue pa 'yan, kahit sa mga bars, o kahit nag-uusap tayo ngayon, wala akong pakialam dun, e.

“Siguro dapat lang maging maingat si Vice, I’m not saying mali siya, kasi pag sinabi mong mali at tama, ano yan e, relative yan, e.

“Hindi natin puwedeng sabihin na tama ako, tama si Vice e, di ba?

“May kanya-kanya tayong pananaw sa buhay. Pero para sa akin, siguro dahil nga this is Philippines, na ang society, e, maraming puwedeng mag-react, di ba?

“Siguro dapat ingat na lang, di ba?

“Nagkataon lang na si Jessica Soho yung ginanun niya, na isang respetadong mamamahayag.

“Well, siguro nga, mali pero siguro huwag na lang ulitin. But I can’t blame Vice, I’m sure he has his reason, maybe he has his reason,” saad ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya ay mali ang timing; may proper timing ba para sa ganoong joke?

“No, no, no! No proper time, just siguro yung pag-iisip lang ng mga komedyante sana, hinay-hinay... hinay-hinay. Ano yan e, sensitive ang rape, although maraming nagdyu-joke ng rape, okay? Hindi lang naman si Vice.

“Basta para sa akin, I think okay na iyon.

“In fact nakausap ko si Ma'am Jess nung time na yun, kasi nag-post ako na sabi ko na parang, it’s an open letter to Vice Ganda saying na, in-inform ko lang siya na rape is a sensitive issue, rape shouldn’t be talked about, you know, outside or in any form.

“Dapat hindi siya pinag-uusapan dahil maraming, I’m sure maraming kamag-anak ng biktima na makakarinig nun, masasaktan, babalik sa kanila yung [alaala], kasi ang dami ko ng na-interview na mga victims, e.

“Kaya ako hindi ako nagdyu-joke ng ano...

“Nagkataon lang na comedian siya, siguro iyon yung way niya para magpatawa.

“Siguro ingat na lang,” abiso niya.

Ayon kay Direk Cesar, may ibang insidente pa kunsaan nakita niya ang pagiging mapagpatawad ni Jessica Soho.

“Tinawagan ako, sabi sa akin ni Ma'am Jess, napakabait ni Ma'am Jess e, napakabait ni Ma'am Jess, e.

“In fact, ang dami ng eksena before, nung time na inaway na ako ni Doris Bigornia dun sa Angelo dela Cruz story, pinagmumura niya ako sa harap ng mga tao at na-caught-on-tape yun.

“Pero nung nalaman yun ni Ma'am Jess, siya pa nagsabi sa akin, ‘Huwag nating ilabas yang ganyan. Una kasi kumpetisyon yan, e. Iisipin ng mga tao nang-aaway tayo, naninira tayo ng reputasyon ng ibang tao.’

“Iyon ang nagustuhan ko kay Ma'am Jess.

“Nung tinawagan niya ako sabi niya, ‘Cesar huwag ka nang mag-post ha, tama na, tapos na 'yan.’

‘Hayaan na natin ipagpasa-Diyos na lang natin. And in fact, okay na naman e, okay naman ako, e.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba napakabait na boss ni Ma'am Jess? Maraming ganyang eksena, marami kaming istorya sa newsroom na 'pag ang involved ay kumpetisyon, hindi niya ilalabas dahil baka mapagbintangan kami na naninira ng kumpetisyon. Bad yun!

“For her bilang siya yung news director, naniniwala ako sa kanya so hindi namin nilabas.

“Ganun siya, e. In fact sabi niya, ‘Huwag ka ng mag-post ha, about it, ha?’

‘Opo Ma'am, magte-thank you na lang ako kay Vice na finally nag-sorry siya.’

“Which I did, nag-post ako, na nag-thank you ako na tinanggap niya yung pagkakamali niya. Okay yun, okay yun.

“I think Vice did a good way of saying sorry tapos dun pa sa programa niya. Di ba, nakakatuwa?

“At iyon, sana na lang huwag maulit, hindi lang kay Vice, kasi I’m sure ang daming gumagawa na comedian niyan e, di ba?” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN