Richard Gomez and Dawn Zulueta will star with John Lloyd Cruz and Jessy Mendiola in their reunion movie



Muling magpapakilig sa big screen sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Pumirma ang love team partners ng kontrata para gumawa ng pelikulang kabilang sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng sa Star Cinema.

Matatandaang naging hit ang pagbabalik-tambalan ng dalawang artista sa top-rating teleserye na Walang Hanggan, kung saan mahusay nilang ginampanan ang karakter nina Marco at Emily.

“Proud ako na maging parte ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Star Cinema. It’s a great year and a great time to be with Star Cinema and Dawn. Napaka-exciting ng proyektong ito,” pahayag ni Richard.

Kabado naman daw si Dawn dahil matagal bago nasundan ang huli niyang pelikula na katambal ang aktor.

Ibinahagi ng dalawang artista na makakasama rin nila sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola.

Parehong excited sina Richard at Dawn na makatrabaho ang mas nakababatang artista. “Huli kong nakatrabaho si John Lloyd sa the sitcom na Palibhasa Lalake pa kaya naman masaya ako na muli siyang makatabaho,” kuwento ni Richard.

Dagdag naman ni Dawn, matagal na niyang gustong makasama ang box-office star na si John Lloyd at ang Paraiso leading lady na si Jessy.

Ang award-winning writer na si Ricky Lee ang nagsulat ng script ng naturang pelikula na pinagsamang family drama at love story. Ang kuwento ay tungkol sa mag-asawang nagkaroon ng lamat sa relasyon at ngayo'y sumusubok na ibalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Nakatakdang simulan nila ang shooting this July.

Dumalo rin sa contract signing sina Star Creatives head Malou Santos, ang manager ni Richard na si Pia Campos, at ang manager ni Dawn na si Vivian Recio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN