Nora Aunor will topbill indie film La Mamadre, where she plays an estranged mom to Edgar Allan Guzman



Muling nag-update sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang VP and Entertainment Head ng TV5 na si Mr. Perci Intalan tungkol sa mga kasalukuyan at hinaharap pang proyekto ng Superstar na si Nora Aunor.

"Tapos na yung CineFilipino [Film Fest] movie niya," ani Perci, referring to the indie film entry, Ang Kwento Ni Mabuti, na dinirek ni Mes De Guzman.

"Yung telesine na lang ang kailangang tapusin," patuloy ni Perci tungkol sa When I Fall In Love, a made-for-TV-movie, na nag-first day taping kamakailan. Ito ang comeback ng perennial loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

(Read: Nora Aunor and Tirso Cruz III start shooting for their reunion project When I Fall In Love)

"May schedule na kami. Mabilis lang naman, madali lang i-shoot yung project," sabi rin ng TV5 executive.

Bakit telemovie ang ginawa ng TV5 para sa popular loveteam nina Guy and Pip?

Paliwanag ni Perci, "Nag-decide kami [na ito ang gawin] kasi may mga project na mas okay [for a telemovie]. At walang gumagawa ngayon ng mga telesine...

"Also, kagagawa lang ni Ate Guy ng teleserye [Never Say Goodbye] at aaminin namin, una, si Pip... hindi magtugma ang schedule nila ni Ate Guy.

"Minsan, pag available siya, hindi naman available si Ate Guy."

Instead of a teleserye, isang weekly drama anthology ang susunod na gagawin ni Ate Guy for TV5.

"Pinag-uusapan pa namin yun. Kung anong klaseng project. Definitely, okay na kami [this year].

"May isang pelikula, tapos yung telesine. Ang then, nag-uusap pa rin kami kung anong TV series ang gagawin niya next. Pero yun yung after ng pagbabalik niya."

Nora is expected to go to the United States soon, para sa panibagong renewal ng kanyang greencard. "Kailangan niyang bumalik ng end of June, before July.

"Alam ko by July nandon na siya. Defnitely, ina-anticipate na namin yun, kaya yung schedule niya (sa telemovie), hindi kasingbigat (ng nauna)," Perci informed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LA MAMADRE. Right now, talks are ripe Nora is doing another indie film titled La Mamadre. It will be directed by Adolf Alix Jr at si Noel Ferrer ng TV5 ang line producer.

Napag-alaman ng PEP na ang La Mamadre, mula sa panulat ni Jerry Gracio, ay isang kakaibang drama ng estrangement between a mother and son, with Nora's son to be played by Edgar Allan Guzman.

Sa bagong indie film, gagampanan ni Ate Guy ang papel ng isang theater diva at ang character ni Edgar ay isa namang gay stage performer.

Ang proyekto ay madaling nagkaroon ng linaw matapos manalo kapwa sa nakaraang 36 Gawad Urian Awards sina Nora Aunor (Best Actress, for Thy Womb) at Direk Adolf (Best Director, for Mater Dolorosa).

Mahirap nga bang kunin si Ate Guy for a project sa labas ng TV5?

"Hindi naman. Basta it's a project na involved ang TV5, o may first option ang TV5, okay naman yun," admitted Perci.


DEMENTIA. Bago ang La Mamadre, may napag-usapan nang gagawing pelikula si Nora for Studio 5.

"'Yung Dementia, may storyline na [si Direk Jun Lana], hindi pa lang nasusulat yung script.

"Ang problema namin is malaki ang gastos dun sa original na storyline. Kasi, dapat yun sa States kukunan, e. Nangangarap kami," nangiti si Perci.

"Ina-adjust namin now. Pero nung tinanggal namin yung location abroad, naghahanap kami ng 'ikalalaki' niya. kasi, ayaw namin ng basta the usual location lang, kasi horror yung genre, so gusto namin, horror na bago sa mata.

"Ang problema namin, ang horror na bago sa mata, mahal, masyadong mahal, hindi namin ma-afford!

"So on-hold muna yung Dementia. 'Pag nagkaroon ng opportunity, or nakahanap kami ng tamang location here... na hindi pa nakikita sa pelikula, then, yes!"

"At saka, basta si Ate Guy, sabi ko nga sa kanya... 'Basta, Ate Guy, go lang kayo nang go, ng trabaho; manalo lang kayo ng manalo ng mga awards, okay na yon!"


TV5's "HANDICAP". Gustuhin man daw nilang mag-plano ng musical show para kay Nora, hindi pa magagawa at this point.

"E, siyempre, nandun din yung isipan na hindi pa siya makakakanta. So, even before, yun ang handicap namin. Kahit i-guest namin siya.

"Ang awkward kasi, hinihintay mo siyang kumanta...[hindi puwede].

"Kahit yung kay Dolphy [Alay Kay Dolphy show; staged last year at the MOA], ang tagal naming debate yun, e.

"'Anong gagawin ni Ate Guy? Ayokong lumabas na parang nabitin yung mga tao because they expected her to sing!'

"Tinanong yun sa akin, kung okay ba yung lip-synch?

"Sabi ko, maraming tao na alam na hindi pa siya nakakakanta. Yun nga yung kilala siya for. So, huwag nating lokohin yung mga tao.

"Kung music video, iba naman yun.

"Tapos, we're working on kung ano yung TV series, not necessarily a teleserye... na makikita siya ulit.

"Kailangan naming 'timing-an' pag-alis niya," pagtatapos ng TV5 executive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN