Eugene Domingo has Jake Cuenca as her leading man in Tuhog

Aside from Eugene Domingo (left) and Jake Cuenca (right), Tuhog also stars Leo Martinez, Enchong Dee, and Empress Schuck.


Kapansin-pansin ang pagiging tan ng kulay ng balat ng award-winning actress na si Eugene Domingo nang humarap ito sa media para sa June 29 press conference ng bago niyang pelikula, ang Tuhog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Pero gusto raw ni Eugene ang kulay ng balat ngayon.
Sabi nga niya, “Gusto ko yan, kasi, nag-shooting ako sa Tanay, Rizal tapos yun, naligo ako sa batis. Tapos, alam mo ba, ang ganda-ganda talaga ng kulay natin.
“Doon ko na-appreciate, kayumanggi.
“It’s a beautiful color. Lalo na kung ikukumpara mo sa mga mestiza at mga Caucasians, kayumanggi is the best.”
Ang naturang shooting ay para sa pelikulang Kuwentong Barbero (Barber’s Tale) sa ilalim ng direksiyon ni Jun Lana.
Pero ang mauuna munang ipalabas na pelikula ni Uge ay ang Tuhog (produced by Skylight Films) na mapapanood simula July 17.
Sa pelikula, mag-boyfriend sila ni ng ABS-CBN actor na si Jake Cuenca.
Kumusta naman katrabaho ang Kapamilya actor?
“Oo, kami ang lovers dito. Sabi ko nga, sci-fi,” natatawang sabi ni Uge (Eugene's nickname).
“Isa yun sa pinagdasal ko. Sana, kapag pinanood nila, sci-fi. Suspension of disbelief. Ipagdarasal ko nga. Sana nga matanggap.
“Ano nga, e, Eugene Domingo, hopes to all. Hashtag, hopes to all,” biro pa niya.
Ano naman ang masasabi niya kay Jake bilang kanyang leading man?
“Si Jake Cuenca, open. Open siya sa lahat ng posibilidad bilang actor. Very passionate. Magtatagal. He’s more than just a handsome hunk.”

Mayroon ba silang kissing scene o love scene ni Jake sa Tuhog?

“Aba, eh, hindi naman pupuwedeng wala!” ang mabilis na sagot ni Uge.
“Nasa edad na ko, hindi pupuwede. This is fearless!”
Naintriga naman kami sa sagot ni Uge nang tanungin namin kung kumusta naman ang naging kissing scene nila ni Jake.
Aniya, “Kung ano ang itsura niya, ganoon siya humalik. Iisipin mo na lang yun, never mong mararanasan.”
Torrid ba ang kissing scene nila?
“Paulit-ulit pa at maraming anggulo,” sabi pa niya.
May pagka-drama-comedy raw ang tema ng Tuhog.
Pero yung kissing scene nila, drama ba o comedy ang atake nila?
“Puwedeng sexy muna? Kapag hinalikan ako, drama na?”
Dugtong din niya, “Hindi mo inexpect. Hindi ko rin inexpect. Hindi siya naka-set-up. Magugulat ka na lang bilang manonood, susmaryosep, nangyayari na.”
Sabi rin niya, “Mahirap ipaliwanag, e. Ang ipinakita namin, katulad ng sa ‘yo, katulad ng sa kanya. Lahat kayo, malambot lang. Vulnerable. Marupok. Lahat tayo, naghahanap ng init, kaligayahan, pagmamahal.
“Ganoon lang, ganoon lang ang ipinakita ko, simple.”


TUHOG. Dahil sa isang aksidente sa pagitan ng dalawang bus, malalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Ang pinaka nalagay sa peligro ay ang isang middle-aged woman named Fiesta (Eugene Domingo), isang retired father named Tonio (Leo Martinez), at isang batang lalaki named Caloy (Enchong Dee). May nakatusok na single steel bar sa kanilang tatlo at maging ang mga doktor ay hindi alam kung paano sila gagamutin.
Aminado si Uge na nahirapan siya sa pelikula. Simple ang kuwento pero paano siya nahirapan?
“Mahirap, e. Nakasalalay talaga ang lakas ng katawan. Ang hirap ng mga eksenang buong araw, nasa labas kayo ng highway, andar kayo ng andar. Mahampas kayo, wala na kayong reklamo.
“Nasa hospital kayo, isa lang ang posisyon.
“Nakakangawit, ang sakit sa katawan.
“Hindi masyadong kumportable ang panahon. Pero, naniniwala ka sa proyekto, naniniwala kang maganda ito, maganda ito.”
Dito sa Tuhog, nagkanda-hampas-hampas din daw si Eugene bilang conductor sa bus. Kaya sabi namin sa kanya, puro siya buwis-buhay sa mga pelikulang ginagawa.
“Ganoon yata talaga, e.
“Bus driver, conductor. So, importante talaga. Mula sa gitna, dumiretso ako sa unahan. So, imbes na sa gitna, sa unahang pelikula ako napababa.”
Sa totoong buhay, marunong daw siyang magmaneho, pero, iba raw manehuhin ang bus.
“Malambot siya kasi, kailangan niyang maging malambot dahil malaki siya.”
Naitanong din namin kay Uge kung kumpara sa mga pelikulang nagawa na niya, gaano ka-espesyal sa kanya ngayon ang Tuhog?
“Kung magsusulat ako ng libro ng buhay ko, isang chapter ito, ang paggawa ng Tuhog. Isa itong pelikula na sana, maipakita sa maraming festivals abroad.
“It has universal theme at talagang madi-display ang acting skills.”
Paninabong pang-award pala niya ito?
“Yeah,” mabilis naman niyang sagot.
“Sana, sana… at sana, maraming makapanood. Hindi naman puwedeng award-winning lang. Kailangan umabot sa tao na ma-experience nila ang ganda ng pelikula.”
KIMMY DORA PREQUEL FOR MMFF. Naitanong din namin kay Eugene ang Metro Manila Film Fest entry niya na Kimmy Dora.
Sa September pa raw ang shooting nila nito.
Kimmy Dora prequel at sa September pa ang shooting namin. And I heard, I’d like to congratulate Springfilms and especially, the director now is Chris Martinez. Siya ang nagsulat ng one and two.”
Dugtong pa niya, “I think, according to very reliable sources, number one siya sa screening committee ng MMFF, based on the script. Very inspiring. Natutuwa ako na yung mga proyekto ko this year, sa material pa lang, maganda na.
“At itong Tuhog nga ang pinaka-buena-mano.”
Si Piolo Pascual na ba ang leading man niya sa prequel ng Kimmy Dora?
“Yun ang balita ko,” nakangiti niyang sabi.
“The producer himself, para mas matipid.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN