Film and TV Director Wenn Deramas--busiest helmsman these days


One of the country's busiest directors, Wenn Deramas, is currently shooting Pasukob, starring Ai-Ai delas Alas (inset, bottom) and Rufa Mae Quinto. Direk Wenn will also be working with Ai-Ai in the sequel of Ang Tanging Ina and the TV remake of Volta. He dreams of working with KC Concepcion (inset, top) in some future project.



Masiglang dumating si Direk Wenn Deramas sa victory party na ibinigay ni Rufa Mae Quinto at ng Viva Films sa success ng co-production venture nilang Apat Dapat, Dapat Apat sa Jay J's Chicken Inasal, Ortigas Bazaar Center, Pasig City. As of October 16, kumita na raw sila ng P60 million sa first-week run nitong comedy film.

"Maraming salamat sa inyong lahat, sa suporta sa movie," sabi ni Direk Wenn, nang batiin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Actually, noong hindi pa kami nagsu-showing, sabi sa akin ng Viva Films, masaya na raw sila kapag naka-gross ito ng fifty million. Ngayon na nag-exceed na sila doon, they are expecting seventy to eighty million.

"Siyempre pa, masayang-masaya kaming lahat nina Rufa Mae, Candy Pangilinan, Eugene Domingo, Pokwang, at ng buong cast. Sulit ang mga hirap namin, lalo na si Candy sa hirap ng role niya, at yung hirap sa shooting namin sa Hong Kong."

Sa ngayon ay tinatapos na ni Direk Wenn ang shooting ng Pasukob nina Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae.

"Doon nga ako galing, iniwanan ko lang ang shooting. Almost 3:00 a.m. na natapos ang taping namin ng Kokey at doon na ako dumiretso. After nito, babalik ako sa shooting. Kailangan na naming matapos ang shooting dahil may playdate na ang OctoArts Films ng November 28," lahad ng direktor.

After Pasukob ay susunod namang gagawin ni Direk Wenn ang remake ng Viva Films classic comedy, ang Working Girls ng yumaong Ishmael Bernal. Working Girls '08 ang title ng bagong version, isang spoof ng mga characters sa original movie.

"Hindi pa kumpleto ang casting ko, pero gusto ko si Eugene [Domingo] ang gaganap sa role ni Gina Pareño; si Candy [Pangilinan] si Rio Locsin. Sana payagan ng Star Cinema si Pokwang, who will play the role of Chanda Romero; Rufa Mae si Carmi Martin, si Kai Brosas si Hilda Koronel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung papayag si Jaya, gusto ko siya ang gumanap sa role ni Baby Delgado at si Janelle Jamer as Ma. Isabel Lopez. Si Gladys Guevarra sana ang gusto ko to play the role of Ma. Isabel, pero nasa States na pala siya. Hayaan na natin siya, masaya na siya sa kanyang lovelife," lahad ng director tungkol sa kanyang dream cast.

Gagawin din ng director ang sequel ng Ang Tanging Ina ng Star Cinema, na ang pamagat ay Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

"Pero mahaba ang preparation nito dahil magpapatayo pa kami ng Malacañang dahil magiging presidente ng Pilipinas si Ai-Ai. Hindi naman kami tiyak papayagang mag-shooting sa Malacañang, baka hihingi lang kami ng pahintulot na makunan ang facade ng palasyo. Pumayag na si Ma'am Charo Santos na itayo ang set sa dating office ng Star Cinema sa JUSMAG in Quezon City."

Pagkatapos ng fantaserye niyang Kokey ay gagawin naman ni Direk Wenn ang TV version ng Volta ni Ai-Ai.



"Every Saturday lang ito mapapanood, ipapalit sa Pedro Penduko. Isasabay ko rito ang isa pang fantaserye na ayaw pa nilang ipasabi," sabi ni Direk Wenn. Ang tinutukoy niyang fantaserye ay ang comeback vehicle ni Claudine Barretto sa ABS-CBN.

"May dalawa pa nga akong TV show na nawala, yung Patayin sa Sindak si Barbara nina Ms. Susan Roces, Kris Aquino, and Jodi Santamaria," patuloy niya. "Hindi ko natanggap dahil gusto na nilang magsimula ang taping, wala na akong maibigay na araw sa kanila dahil nagte-taping ako ng Kokey ng M-W-F at shooting ko naman ng Pasukob ng T-Th-S.

"Nanghinayang lang ako na hindi ko maididirek ulit si Kris [Aquino] na una kong naidirek sa isang episode ng Maalaala Ko Kaya, sila ni Phillip Salvador. Wala pang nakatalo sa rating nito hanggang sa ngayon. Pero okay lang sa akin dahil kay Jerry Sineneng naman nila ibinigay iyong project."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutulog pa ba si Direk Wenn, at baka naman sobra-sobra na ang pera niya sa dami ng trabaho niya?



"Naku, hindi po!" sagot niya. "Gusto ko lang magpatayo ng building na may limang elevators para hindi mag-agawan ang mga sasakay. Sa pagkawala ng dalawang projects, nabawasan na ang elevators na ilalagay ko... Hindi po totoo ‘yon, biro po lamang! Natutulog pa rin po naman ako, mga three to four hours din."

Mayroon pa ba siyang gustong maidirek na artista?

"Ay, oo po, si KC Concepcion!" mabilis niyang tugon. "Nakausap ko na siya, ipinakausap sa akin ni Mega [Sharon Cuneta]. Tuwang-tuwa ako sa sabi niya na dala-dala niya sa Paris ang mga tapes ng paborito niyang movies na ginawa ko—Tanging Ina, D' Lucky Ones, at Ang Cute ng Ina Mo. Sana one day matupad ang dream kong ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN