Dingdong Dantes to star in 3rd Star Cinema movie with Bea Alonzo

Dingdong Dantes on working with Star Cinema: “I love doing movies, gustung-gusto ko yung mga taong katrabaho ko, and everytime I'm on the set, and every time na gumagawa ako, I always treasure them. I always treat everyone just like family.”


Naramdaman daw ni Dingdong Dantes na masuwerte siya dahil magiging bahagi siya ng year-long 20th anniversary celebration ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Ito ang sinabi ng Kapuso actor sa panayam ng abs-cbnnews.com kahapon, July 19, pagkatapos ng storycon ng ikatlong pelikulang kanyang gagawin sa Kapamilya network.

Aniya, “I'm very fortunate that I'm given the opportunity.”

Ayon pa sa aktor, ibang klase ang pakiramdam na makasama siya sa isa sa mga pelikulang kasali sa 20th anniversary offering ng Star Cinema.

Saad pa niya, “Pag gano'n, medyo special talaga, di ba?

“And I'm very fortunate na makakasama ako sa gano'ng klaseng celebration, even though I wasn't there since day one. But over the last two years, kahit paano.”

Kahit na isang Kapuso, nakagawa na si Dingdong ng dalawang pelikula sa Star Cinema—ang Metro Manila Film Festival entries na Segunda Mano at One More Try.

Parehong tinangkilik sa takilya ang mga nasabing pelikula at nagbigay pa sa aktor ng back-to-back Best Actor trophies noong MMFF 2011 at 2012.

BEA ALONZO. Matapos makapareha sina Kris Aquino, Angelica Panganiban at Angel Locsin, ang isa pang in demand na Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang kanya namang makakasama sa bagong pelikula.

Tutuon daw ang istorya sa pagiging mag-best friend nila.

Kahit na nagkakakilala na sila sa mga fashion shows at nagkasama na rin sa isang magazine cover shoot kamakailan, hindi pa raw sila nabigyan ng pagkakataong makatrabaho ang isa't isa sa isang acting project.

Saad pa ni Dingdong, “I'm extremely happy na finally makakatrabaho ko siya [Bea].”

Ayon naman kay Bea, “Ako, I'm excited na finally makakatrabaho ko na siya, kasi alam naman natin na hindi siya everyday nangyayari,” sabay tingin kay Dingdong. “I'm very honored na makatrabaho ka.”

Masaya din si Bea na makasama rin siya sa isa sa mga anniversary offerings ng Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Siyempre masaya [ako], kasi alam naman natin na every project, every movie na ginagawa nila for the 20th anniversary, ay maganda.

“Sinimulan 'yon ng Four Sisters, tapos ngayon may Tuhog, and these movies are doing very well.”

Kakapalabas pa lang ng isa sa anniversary presentations ng Star Cinema na Four Sisters and a Wedding kung saan marami ang pumupuri sa acting ni Bea.

Napi-pressure ba siya sa maaring kalabasan ng pelikula nila ni Dingdong?

Aniya, “Ako, I don't want to get pressured, lalo na this early.

“Ang gusto ko lang, mag-enjoy habang ginagawa 'tong pelikulang 'to, to get to know this person [Dingdong]. I just want to have fun doing this movie.

“Tapos na ako doon sa nakaka-pressure na movies, di ba? Nando'n na 'ko sa, 'I want each moment to count,' and to make memories with them, with this group.”

Dugtong pa ni Dong, “I think mag-e-enjoy talaga kami rito. Enjoy, meaning enjoy sa paggawa, and definitely yung mga manonood ay mag-e-enjoy sila sa mapapanood nila.

“At the same time, maraming mapupulot na mga aral... about relationships, about themselves.”

Sa palagiang paggawa ni Dingdong ng pelikula sa Star Cinema, maituturing ba niyang “pamilya” na niya ito?

Tugon ng aktor, “I love doing movies, gustung-gusto ko yung mga taong katrabaho ko, and everytime I'm on the set, and every time na gumagawa ako, I always treasure them. I always treat everyone just like family.”

Iaanunsiyo pa raw kung ano ang magiging titulo ng pelikula at kung sino ang magiging direktor nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN