Marian Rivera gets to work with Star Cinema for the first time via Kung Fu Divas

“Ako mismo ang mag-a-announce kung buntis man ako, ikakasal man ako, engaged man ako. Sasabihin ko ‘yan in public kasi magiging proud ako kapag mangyayari ‘yan sa buhay ko,” says Marian Rivera in reaction to her rumored wedding with longtime boyfriend Dingdong Dantes.


Masaya si Marian Rivera na bagamat may exclusive contract pa siya sa Regal Entertainment Inc., napagbigyan pa rin siya na gumawa ng isang pelikula sa ibang movie outfit.

Matapos ang My Lady Boss under Regal, abala naman ngayon si Marian sa pagpo-promote ng pelikula nila ng Comedy Concert Queeen na si Ai-Ai delas Alas—ang Kung Fu Divas.

Bukod sa pagiging lead stars ng pelikula, kasama rin sina Ai-Ai at Marian sa producers nito. Kabilang dito ang Reality Entertainment, The O&Co. Picture Factory Inc, at Star Cinema.

Ang Star Cinema ang film arm ng ABS-CBN.

Si Marian ay under contract sa GMA-7 hanggang sa buwan ng Agosto.

“Siyempre, looking forward din naman ako na makatrabaho sa iba’t ibang kumpanya,” sabi ni Marian nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News matapos ang press conference ng pelikula noong Huwebes, July 25.

Dagdag pa ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi ko isinasarado ang pintuan ko.

“Mas malawak, mas malaki, mas marami kang matututunan at mas marami kang makikita sa mundo, e, kaysa yung nakakahon ka.

“Masarap kasi nangyayari itong lahat sa akin.”

Ikinatuwa rin ni Marian ang unang pagsasama nila ni Ai-Ai sa trabaho.

Aniya, “Napakasarap sa pakiramdam ko na nakatrabaho ko si Ate Ai.

“Kasama diyan yung sa likod at harap ng camera nakasama ko na talaga siya.

“Ang sarap ng bonding namin, especially with Direk Onat [Diaz] na napakabait rin sa akin.

“Ang saya-saya ng pelikula, as in in-enjoy ko siya.”

Dahil sa pinaghalong comedy, adventure, at drama ang pelikula, ani Marian, “Marami ibinigay sa akin [na tips si Ate Ai] at marami akong natutunan sa kanya.

“Hindi lang sa kanya kundi pati sa direktor ko, marami akong natutunan.

“Marami silang naituro sa akin.”



TIME WITH DINGDONG. Kahit abala sa trabaho, sinisiguro naman daw ni Marian at ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na may oras pa rin sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Marian, “Lahat ng bagay sa mundo, kapag gusto mo may paraan.

“At naniniwala ako na lahat ng paraan ay magagawa namin.”

Dahil sa tagal na nila bilang magkasintahan, hindi pa rin natatapos ang usap-usapang magpapakasal na sila. Ang huling balita pa nga ay ngayong taon na ito magaganap.

Pero ito ang tanging sagot ni Marian: “Not true.”

Aniya, hindi niya itatago sa publiko ang ganitong uri ng okasyon sa kanyang buhay dahil, “Mahal ko ang mga tao.

“Kung di dahil sa kanila, walang Marian Rivera.

“Hindi ko ipagkakait sa kanilang malaman nila ang katotoohanan na ‘yan.

“Sa ngayon, sinasabi ko na walang magaganap.”

Siniguro pa niya na kung sakaling dumating ang ganitong pagkakataon, “Ako mismo ang mag-a-announce kung buntis man ako, ikakasal man ako, engaged man ako.

“Sasabihin ko ‘yan in public kasi magiging proud ako kapag mangyayari ‘yan sa buhay ko.”



DEALING WITH INTRIGUES. Samantala, muling idiniin ni Marian na hindi totoo ang mga bali-balitang buntis siya.

“Sa totoo lang, yung routine sa akin ng intriga, paulit-ulit lang, paikut-ikot lang.

“Seven years ago, ganyan din ang issues.

“Wala, relax, enjoy, deadma.

“Nood ng Kung Fu Divas para maging masaya ang buhay,” nakangiting sabi ni Marian.

Aniya, sa tagal na niya sa showbiz, alam na niya kung paano tatanggapin ang mga intriga.

Sabi pa niya, “Ang importante, sinasabi ko, artista ako, marami talagang magaganap. Yun nga lang, artista, ang dami nang nangyayari sa kanila.

“Kung artista ka, kailangan alam mo na kung paano i-handle ang mga ‘yan.

“Ang importante diyan, trabaho lang ito lahat.

“At the end of the day, kapag natulog ka sa bahay mo, ‘yon ang totoong buhay.

“Kapag nasa labas ka, nasa harap ka ng camera, umaarte ka, trabaho lang ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN