Is Burgos director Joel Lamangan afraid of becoming a desaparecido?

"Kay Lino Brocka you are a citizen first before you become a director or an artist," says Burgos director Joel Lamangan (left). Lorna Tolentino (right) is cast as Mrs. Edita Burgos, the mother of missing activist Jonas Burgos (played by Rocco Nacino in the movie).


Pangatlong pelikula na ni Joel Lamangan ang Burgos na tungkol sa buhay ni Edita Burgos at anak nitong si Jonas na isang mga desaparecido (disappeared ones).

Ang Burgos ay ang closing film ng 9th Cinemalaya at magkakaroon ito ng 9 pm screening sa Cultural Center of the Philippines ngayong Sabado, August 3.

Bakit tila may puwang sa puso niya ang mga ganitong klase ng pelikula?

“Kasi wala namang taong gustong isalaysay ang salaysay nila. Nobody else would like to tell their story so I took it upon myself, if there is a possibility of telling their story, people should know that there are stories like this.

“Kaya ayun gusto kong ipakita ang istorya nilang ganyan.”

Sa tingin niya, kailan matatapos ang mga pangyayaring ganito?

“Ay naku hindi na yan matatapos,” bulalas ni Direk Joel.

Kahit nagpapalit ang mga Presidente ng Pilipinas?

“Kahit hanggang ngayon nga kay Noynoy [referring to incumbent President Noynoy Aquino], may mga nawawala pa din, ina-abduct-abduct pa rin, nawawala.

“Kasi mahirap yung nawawala kaysa makita mong patay na kasi hindi mo malaman. Diyos ko, kawawa naman sila, di ba?

“At nakita ko yung mga taong nawalan, talagang kawawa naman sila.

“These stories will be continuously haunting us. Kasi andiyan pa rin sila, meron pa ring nangyayaring ganun.

“Siguro kapag wala ng nangyaring ganyan, wala na sigurong ganyang istorya.”

Sa tingin niya ay wala itong katapusan?

“Hanggang hindi satisfied ang mga tao sa nangyayari sa atin, may mga taong magpuprotesta, may mga taong salungat sa mga idea ng mga nasa pamahalaan, magagalit ang pamahalaan, gagawa ng paraan para isilensyo yung mga taong iyon.


“E, sa anong paraan? Ang mawala sila. Mawawala sila.”

Sa Burgos na pinagbibidahan nina Lorna Tolentino (bilang Edita) at Rocco Nacino (bilang Jonas), nagsentro ang direktor sa kuwento ng nanay ni Jonas.

(Read: MOVIE REVIEW: Burgos depicts a mother's search for her desaparecido)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagsentro ako sa kuwento ng nanay ni Jonas, a mother’s story kasi ito.

“Kasi hindi mo makikita ang totoong istorya ni Jonas diyan, pahapyaw-pahapyaw lang si Jonas kasi it’s the mother’s search for the missing son, istorya ni Edith.

“Iyon yung aming [na-focus] kasi si Edith ang makapagbibigay [ng kuwento] at andiyan pa siya, si Jonas wala na. Saan nandun siya? Hindi natin alam.”

Nahawakan na ni Direk Joel si Lorna Tolentino bilang artista niya sa mga pelikulang Pusong Mamon at Mano Po 5.

Nagulat pa ba siya sa kahusayan ng aktres sa Burgos?

“Ang nakita ko kay LT, e, yung pagka-tahimik ni Mrs. Burgos, pati yung kilos niya, yung salita niya, parang si Mrs. Burgos.

“Kaya nung sinabi ko sa kanya, ‘Ikaw na ang aking Mrs. Burgos,’ pinabasa ko yung script, gusto niya.”

Hindi naman raw si LT ang first choice para sa naturang role kundi ang Superstar na si Nora Aunor.

“E, nagkaroon ng problema sa Channel 5.”


Alam raw ito ni Lorna. “Oo, alam naman niya. Si LT naman, artista naman yan e, basta maganda ang role.”

Si Rocco ay unang beses nakatrabaho ni Direk Joel.
“Mahusay siya, sensitibo, intelehente, mahusay, mahusay na artista.


“Kahit kakapiraso siya, mahusay siya in the film.”


MAKING FILMS FOR SOCIETY. May pahayag pa si Direk Joel tungkol sa paggawa niya ng mga ganitong klase ng pelikula.

“Sa akin kasi ang sining hindi naman para lamang magpaiyak o magpatawa. Dapat yan magpakita ng katotohanan at ito ay isang katotohanan na dapat nating ipakita because nobody else will touch it.

“Wala namang gustong magtangka, ako lang yata ang matapang-tapang. Walang magtangka ng ganyan. E, sabi ko naman bakit naman hindi natin ipapakita?

“Para ma-enlighten ang mga tao.”

Hindi ba siya natatakot na talakayin ang mga political films tulad nito?

“Ay naku dati na akong natakot, ayoko na ulit matakot. Kung matatakot walang mangyayari. Paano natin makikita itong ganitong istorya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano natin makikita ang katotohanan kung lahat tayo natatakot? Anong mangyayari? Wala.”

Natakot siya dati…

“Ay, Diyos ko, apat na taon ako sa kulungan, hinuli-huli ako, aktibista ako nung panahon ni [Ferdinand] Marcos.”

Paano nawala ang takot niya?

“Hindi ako natatakot lalo dahil, lalo na sa isang direktor na kagaya ko, kasi kay Lino Brocka ako galing, di ba? E, kay Lino Brocka you are a citizen first before you become a director or an artist.

“At bilang mamamayan, may katungkulan ka na ipakita mo ang katotohanan.

“Kagaya ng ginagawa ng PETA [Philippine Educational Theater Association] dati nung araw, kagaya ng ginagawa ni Brocka, doon ako nagsimula at iyon naman ang pinaniniwalaan ko.”

Tumakbo na rin siya dati sa pulitika upang mas lalo siyang may magawa.

“Di ba tumakbo ako, nag-back-out ako at the last minute kasi dalawa kami sa isang partido, sa parehong partido, dalawa ang kaaway ko sa partido ko.

“Ay, Diyos ko Panginoon ko, ano yun, lokohan?”

Nais pa rin ba niyang tumakbo ulit?

“Pag may pagkakataon. I really like to serve. Pag may pagkakataon, hindi ko pa alam. Pag may pagkakataon.”

Ang pagkakaiba ng paggawa ng ganitong klase ng pelikula noong may Martial Law at ngayon na malaya na tayo.

“Ganun pa din, andun pa rin naman ang problema, kahit nung panahon ni Marcos may mga nawawala, ngayon may nawawala pa rin.”

Ang kaba niya ay hindi na matindi. “Hindi na. Kasi noong araw, [kinakabahan] ako dahil isa lang akong kahit sino diyan, puwede akong mawala. Parang ngayon pag nawala ako, itatanong nila, ‘Nasaan si Joel?’

“Itatanong nila, ‘Bakit nawawala siya?’

“E, noon ‘pag nawala ako, ‘Ay sino ba yun?’”

Closing film ng Cinemalaya ang Burgos na produced ng Heaven’s Best Entertainment.

“Isang malaking karangalan na they accepted this as a closing film.

“Sa abroad nagku-closing film ang pelikula ko, pero dito first time na closing film.”


UPCOMING PROJECTS. Ang huling teleserye ni Direk Joel ay ang Enchanted Garden sa TV5. Ngayon, may mga bago siyang proyekto sa Kapatid Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kami kay Sharon [Cuneta] yung Madam Chairman. Kapitan siya ng baranggay, tawaserye, comedy.

“Bago naman talaga ang tawaserye pero ang dami ko ng nagawang comedy, ang dami-dami na.

“Ngayon lang nagkaroon ng tawaserye, si Joey Reyes ang sumulat.


“Meron din akong When I Fall In Love ni Ate Guy [Nora Aunor] at tsaka Pip [Tirso Cruz III].

“Nakatapos na ako ng The Lady Next Door ni Alice Dixson at Mark Neumann. May-December affair siya, parang Summer Of ‘42.

“Ano sila mga movies for television,” pagtukoy niya sa mga nabanggit na TV5 projects.

Si Direk Joel rin ang direktor ng pelikulang Lihis na controversial ngayon; pinagbibidahan ito nina Lovi Poe, Joem Bascon at Jake Cuenca.

“Ay, masa-shock kayo diyan,” bulalas ni Direk Joel.

Para ba itong My Husband’s Lover? “Ay mas masa-shock pa kayo diyan,” paniniguro niya.

Totohanan raw ang kissing scene nina Jake at Joem, ayon sa bali-balita.

“Totoo naman ang kissing scene, bawal naman ang hindi, bawal ang fake.”

Kung may isang artistang gusto pa niyang maidirihe, sino iyon?


“Sino pa ba ang hindi ko nakakatrabaho? Nakatrabaho ko na yata lahat,” sabi ng veteran director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN