Francine Prieto from sexy roles to comedienne in "Enteng Kabisote 4"


"Hangga't maaari nga, gusto ko nang iwasan ang pagpapa-sexy. Kasinga nagawa ko naman na ‘yon at mas natanggap na ako ngayon ng maramibilang komedyante," explains Francine Prieto.



Nag-expire na pala ang kontrata ng sexy actress na si Francine Prieto sa Seiko Films kaya naman tinanggap niya ang alok ng M-Zet TV Productions na makasama sa pelikulang Enteng Kabisote 4: The Beginning. Gaganap siya rito bilang isa sa mga kontrabida ni Enteng Kabisote played by Vic Sotto.



Isa raw sa mga pangarap ni Francine na makatrabaho si Vic kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role sa EK4.



"Naku, kahit na kontrabida ako, okay lang basta Vic Sotto movie! Alam mo naman kasi na kikita ito sa takilya. ‘Tsaka maganda yung may movie ka sa Pasko, di ba? Pang-Metro Manila Film Festival [MMFF] kasi ito kaya makakasama ako sa pagsakay ng float ng Enteng Kabisote. The last time na nakasama ako sa MMFF ay noong 2004, kasi entry ng Seiko Films noon yung Bridal Shower," lahad ni Francine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Puwede pa naman daw tumanggap si Francine ng offer mula sa Seiko Films kahit na freelancer na siya. Ang huli niyang movie sa Seiko ay ang psychological thriller na Silip with Polo Ravales and Diana Zubiri.



"Wala naman kaming problema ni Boss Robbie [Tan]. Tapos naman na ang kontrata ko with him kaya malaya na akong gumawa sa iba. Pero kapag may offer siya, okay lang na tanggapin ko. Malaki ang utang na loob ko kay Boss Robbie at sa Seiko Films mismo. If not for them, walang Francine Prieto ngayon," sabi ng sexy actress.



Nai-launch bilang isang major star si Francine (real name: Anna Marie Falcon) sa Seiko Films via the sexy movie Liberated. Nasundan ito ng Liberated 2, Bridal Shower, Bikini Open, at Silip.



Nagsimula bilang child actress si Francine. Ilan sa mga nauna niyang mga pelikula ay ang mga sumusunod: Hindi Laruan ang Puso; Darna; Ligaw-ligawan, Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan; Divine Mercy ni Sister Faustina; Sobra Talaga Over; Tukso Layuan Mo Ako 2; Abuso: Case #6433; Thalia: Sa Bawat Lamig ng Gabi; at Imbestigasyon kay Lolita Macarena. Naging member din siya ng That's Entertainment noong 1986.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Papayag pa kaya si Francine na lumabas sa mga sexy movies kung may offer sa kanya?



"Depende siguro," sagot niya. "Kung magandang-maganda ba talaga yung movie at makakatulong sa pagiging aktres ko, maku-consider namin. Pero ngayon kasi, hindi naman na uso masyado ang sexy movies kaya stick muna ako sa pagiging wholesome.



"Hangga't maaari nga, gusto ko nang iwasan ang pagpapa-sexy. Kasi nga nagawa ko naman na ‘yon at mas natanggap na ako ngayon ng marami bilang komedyante. Because of my role as Jingle sa sitcom na Bahay Mo Ba ‘To, hindi na sexy star ang tingin sa akin ng maraming tao."



Bukod sa Bahay Mo Ba ‘To, nakasama rin si Francine sa mga TV shows na Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia, Encantadia: Pag-ibig Hanggang Wakas, Sugo, at Bongga Ka Star. Parte rin siya ng gag show na Bubble Gang na nagse-celebrate ng kanilang 12th anniversary ngayong buwan.

Kasama rin si Francine sa bagong action series ni Richard Gutierrez sa GMA-7, Kamandag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN