Allen Dizon talks about violent scenes and the use of chastity belt in domestic drama Lauriana

Allen Dizon and Bangs Garcia depict a true story of domestic drama in the Sineng Pambansa All Masters Edition entry Lauriana, which is graded A by the Cinema Evaluation Board. (Read: Lauriana movie review


Ang pelikulang Lauriana ay puwedeng irekomenda sa mga grupo na lumalaban at nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan. Totoong kuwento ang pelikulang ito nina Allen Dizon at Bangs Garcia noong 1950s.

Ayon kay Allen nang makausap namin siya sa Max’s Restaurant noong September 3, “Yun nga po, hindi naman dapat abusuhin ang mga kababaihan. Tapos yung bata rito, yung isip ng bata na witness namin, nakita niya ang lahat ng kamunduhan, kalokohan.”

Nilapit ba nila sa mga socio-civic group ang pelikula nila para i-endorso rin?

“Hindi, e, kasi based ito sa true story, kay Direk Mel Chionglo para sa story niya.”

Pero masaya si Allen dahil Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula na Lauriana. Pero, kahit na festival ito, walang pipiliing Best Actress, Actor, o Director.


Ayon sa Film Development Council of the Philippines, kahit People's Choice Award ay hindi ibibigay during the Sineng Pambansa All Masters Edition.


(Alamin ang rason dito:
"Sa edad namin na ito, wala nang competition!")


ON SEX VIDEOS. Hindi maikakaila na isa sa naging hot topics kamakailan ang lumabas na diumano’y sex video ni Wally Bayola at kasama raw ang isang EB Babes member.

Kaya kahit sa pocket presscon ni Allen, tinanong siya ng mga entertainment press tungkol dito. Kasi, si Allen daw ay nagpapaseksi naman talaga sa mga pelikula pero wala namang sex video na lumalabas.

Natawa si Allen at saka sinabing, “Ah, wala, wala, patay ang ilaw, e!

“At saka, hindi naman siguro gawain nang ano yun—I mean, bilang respeto sa ka-partner mo. Ikaw, bilang lalaki, okay lang naman, walang mawawala sa ‘yo. Pero, sa ka-partner mo.”

Paano naman niya masasabing walang mawawala sa lalaki?

“E, pareho lang naman yun, at saka, isa lang naman ang makikita mo.”

Pero, ano ang nararamdaman niya kapag may mga lumalabas ngang ganoong scandal lalo’t mga kasamahan din niya sa industriya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nakaka-bother rin, dahil yung mga kasamahan mo sa industriya. Kilala sila. Yung personality nila, tapos, makikita mong ganyan. Siyempre, ‘di ba, parang nakakababa rin ng pagtingin ng mga tao. Siyempre, yung mga pagkatao mo, yung respeto sa kanila.

“Pero, ginagawa naman ng lahat ng tao yun. Yun nga lang, yung may video, yun ang mali, e.”

Hindi pa ba siya nagkaroon ng interes na minsan, mag-video rin?

“Hindi, hindi na, okay na yun, para sa akin, okay na yun, kahit na walang video, sa utak na lang,” natatawa niyang sabi.

Ang bagong pelikula ni Allen ay isa sa mga entries ng 2013 FDCP Sineng Pambansa All Masters Edition. Ang Lauriana ay sinulat ni Ricky Lee at dinirek ni Mel Chionglo.

Aminado si Allen na napaka-daring ng pelikula nila lalo na sa parte ni Bangs Garcia.

“Ay, sobrang daring. Daig pa ang mga sex videos na lumalabas,” natatawa niyang sabi.

Kasabay rin nilang ipapalabas ang pelikulang Lihis na napaka-daring din. Masasabi ba niyang mas daring pa ang Lauriana kumpara sa mga love scenes na ginawa nina Jake Cuenca at Joem Bascon?

“Oo, ibang-ibang level ‘to, kasi, first time ni Bangs na magpa-sexy. Maganda naman siya dahil makikita mo ang love. Lahat ng love scene namin,” sagot ni Allen.

Anong naramdaman niya na pumayag si siya ang leading man kunsaan nagpaka-daring ng husto si Bangs?

“Siguro ano, natiyempo lang din na naging kaibigan ko na rin siya for how many movies na ginawa namin. Pang-apat na pelikula. Sa Migrante, may kissing scene kami, pero, wala namang love scene. So, itong Lauriana, kumportable na kami.

“Hindi na siya nahirapan at ako rin, hindi ako nahirapan sa kanya.”

Nakikita niya na may tiwala na sa kanya si Bangs?

“Oo, unang-una, yun ‘yun.”

Ang kuwento ng Lauriana, may chastity belt na ilalagay sa private part ni Bangs dahil sa sobrang obsession ni Allen rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila na-execute ang eksenang yun?

“Yung time na yun, noong nilagay yun, wala na ko ro'n. Hindi na ko—parang, ni-lock siya. Gumawa ng prosthetic na parang yung sa babae talaga, tapos, ni-lock siya.”

May tendency rin ba siya na kapag sobrang na-obsessed ay maging violent rin?

“Sa akin, hindi, e. Mga babae ang nao-obsess, hindi ako,” natatawang biro niya.

“Pero, may mga ganoon talaga. May mga lalaking nao-obsess siguro, pero, para sa akin, kawawa ka rin kung ma-obsess ka, ‘di ba? Maawa ka sa sarili mo. Maawa ka sa partner mo, paano kung hindi ka talaga niya mahal.”

Yung karakter niya sa Lauriana, hindi talaga siya?

“Ay hindi, doon nga ako nahihirapan, sa sakitan namin ni Bangs sa Lauriana. Maliit lang siya, tapos, sasaktan mo siya. Parang, nakaka-ano rin. Pero, yun ang hinihingi ng director ko. Kung paano bugbugan namin. Pero, after non, okay na ulit kami.”

Hindi rin daw maiwasan na maging totohanan na halos ang pisikalan nila ni Bangs.



(L-R) Lauriana director Mel Chionglo, Bangs Garcia, Allen Dizon, and Victor Basa. Photo from Dennis Evangelista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN