Vilma Santos-starrer Ekstra invited to the 38th Toronto International Film Fest

Vilma Santos and Direk Jeffrey Jeturian were photographed during the gala night of Ekstra (The Bit Player) at the CCP. Ekstra was invited to be part of the Contemporary World Cinema programme of the 38th Toronto International Film Festival this September 2013. (Read:


Sabi ni Direk Jeturian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kamakailan lang, magaan kasama sa trabaho si Vilma.

Saad pa niya, “napaka-down to earth niya and she has this gift of making you feel at home right away with her. Hindi ka mai-intimidate sa kanya.

“So, ang dali siyang bigyan ng instructions. Hindi siya intimidating at all. Tapos, at the same time. Tapos she doesn’t make you feel na siya si Vilma Santos.”

Pinagtatakhan ng maraming press kung bakit abot-kamay lang ang imbitasyon para sa magkasintahang Luis Manzano at Jennylyn Mercado para mag-guest sa movie pero hindi ito ginawa ng production ni Atty. Joji Alonso.

Si Luis ay anak ni Vilma.

Sagot naman ni Direk Jeturian, “parang wala kasing role e. Saka baka kapag ikinast [cast] ko yung real life family members niya [Vilma], makabawas sa impression na si Vilma ay isang ekstra dito sa pelikula.

“Halimbawa, if Luis and Vilma is doing one scene together ma-imprint sa isip ng mga audience na 'ay, eto nga pala yung mag-ina na sina Vilma at si Luis.'”

Maging si Edu Manzano na ama ni Luis at kaibigan ni Vilma ay hindi rin raw inisip ng production ng Ekstra na imbitahang mag-guest sa movie.

“Actually, wala rin sa script, e. Talagang tinutukan naming sa casting dapat yung mga bida sa soap, yung malalaking artista at matinee idols. Unang-una wala kaming role for him. Kasi kung mapapansin mo, yung mga sikat na babaeng kontrabida gaya ni Pilar Pilapil na idol niya.

“Wala, e. Walang malaking actor na lalake na cast doon. Kaya never nag-figure na i-cast namin si Edu.”

“Ang isang kinusider namin na hindi ko ginawa, yung role ni Eula [Valdes]. May time na inisip ko na si Vilma is Vilma na nag-walk out. Tapos ang kinuhang double niya ay si Loida [Malabanan, character name ni Vilma sa movie].

“Hindi ko na itinuloy kasi baka makasira nga sa idea na si Loida ay ekstra lang.”

Ang iba pang nakasama ni Governor Vi sa Ekstra ay sina Richard Yap, Marian Rivera, Cherry Pie Picache, at Cherie Gil. Magkakaroon ng regular run ang Ekstra simula August 14.

(Read: Vilma Santos on Ekstra co-star Marian Rivera: “Masaya ako na may nabuong friendship at saka ‘yong closeness.”)

Ipinaliwanag rin ni Direk Jeturian kung bakit mas pinili niyang maging setting ng Ekstra ay teleserye at hindi pelikula.

“Ang teleserye kasi kailangan araw-araw kang mag-shoot para may maipalabas ka tomorrow night or the next day. Unlike sa pelikula, may luxury of time ka.

“Yun, nakadagdag yun sa oppression ng character na parang kasi na lahat naman biktima ng sistema kahit yun director pressured. Nagkataon na yung ekstra is at the lowest rank of the hierarchy, kaya sila ang napagbubuntunan ng lahat ng pressure ng lahat ng mga tao sa production.”


NO TALENT FEE FOR ATE VI. Apat raw silang producer ng Ekstra ayon pa rin kay Direk Jeturian. Maliban sa kanya, producers rin si Atty Joji Alonso at ang kaibigan nito. Maging si Governor Vilma ay isa sa mga producers dahil hindi ito nagpabayad sa kanyang pelikula.

Ibinalita nina Direk Jeturian na may sasalihang mga film festival abroad ang kanilang pelikula. Pero bago ito na-reject na sila ng Cannes Film Festival.

Nasaktan ba siya sa rejection ng isa sa pinakatanyag na international film festival sa buong mundo?

“Hindi naman. Kasi unang-una, ang hirap talagang pumasok sa Cannes. Pangalawa, as in any competition na may jury, kanya-kanyang taste 'yan, e.

“Nagkataon lang na siguro eto, hindi ito ang klase ng pelikulang sa tingin nila para sa festival nila. Parang sa commercials. May mga talents naman na magaganda. Pero kung hindi ka bagay sa product mari-reject ka.

“Saka, ano naman e, yung pelikula naman may possibility na matanggap sa ibang festivals din na nangyari naman.”



INTERNATIONAL PREMIERE. Hindi man nakapasok sa Cannes, ang Ekstra ay magiging parte ng Contemporary World Cinema programme ng 38th Toronto International Film Festival na gaganapin mula September 5 to 15.

Ang international premiere ng Ekstra ay nakaset na on September 8 sa Scotiabank, Canada.

Paano ba kinusidera ang Ekstra sa Toronto Film Festival?
“Humingi ng mga screeners yung mga programmers. Like sa Cinemalaya, may mga festival programmers na nanood.

“Kagaya sa Tokyo. Nito lang nag-confirm na gusto nilang kunin for competition. E, ang Tokyo may best actress award. Sa Chicago rin.
“Ang problema nakasagot na kami sa Toronto. E, ang gusto ng mga festivals sa kanila mag-international premiere, e.

“So, imbis na competition, ilalagay na lang nila sa World Cinema section.”

Hindi kaya magiging malaking pressure ito kay Vilma dahil si Nora Aunor nanalo ng maraming awards abroad mula sa indie film niyang Thy Womb?

Tiyak na aasahan nang mga tao na makakuha rin siya ng best actress award sa mga sasalihan niyang film festival competition sa ibang bansa?

Pahayag naman ni Direk Jeturian, “siyempre, hindi naman maiiwasang maikumpara na naman sila. Pero the fact na Vilma delivered a tour de force performance, I think, that’s enough whether she gets an award or not.

“Kasi everyone is saying how good she is in the film. I think yung acclaimed na nanggaling sa mga tao is enough.

“Ngayon kung may award siya bonus na lang yun.

“As I’ve said yung mga award giving bodies naman na 'yan, kanya-kanya sila ng taste. Saka depende rin kung ano yung mga pelikula at kung ano yung mga makakalaban niya.

“So, kung ang tingin ng mga jury abroad mas may deserving sa kanya hindi kabawasan kay Vilma ba yun.”

Nasa line-up mo ba na gumawa rin ng indie film with Nora o ipapaubaya mo na lang ito kay Direk Brillante Mendoza?
Si direk Mendoza ang direktor ng Thy Womb ni Nora.

Sagot naman ni Direk Jeturian, “okey rin sa akin na gumawa ng film with Nora kung may material ako na makikita for her. Saka meron naman siya ngayon yung Kuwento ni Mabuti.

“Parang everyone is looking forward sa awards [season] next year kasi ang dami raw magagandang performances. Si Vilma, si Nora, si Lorna [Tolentino na bida sa indie film na Burgos].”

(Read: Ekstra movie review)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN