The late Behn Cervantes receives tributes from friends and colleagues



Isang araw matapos pumanaw ang aktor, direktor at dating propesor na si Behn Cervantes kahapon, August 15, ay maraming mga kaibigan niya at kasamahan sa industriya (ng pelikula, telebisyon at tanghalan) ang nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ng yumao, sa pamamagitan ng social media (tulad ng Facebook at Twitter).

Pumanaw si Behn Cervantes sanhi ng sakit na pneumonia (at diabetes complications) sa edad na 74.

Kahapon din nai-cremate ang mga labi ng yumao.

Pero ayon sa mga kapatid ni Behn Cervantes, na sina Lengleng at Tony, walang wake o lamay na magaganap para sa publiko, maliban sa tatlong araw na pagdadalamhati (private mourning) ng kanilang pamilya.

"Behn wanted no wake," ani Tony, ayon sa interview ng ABS-CBN News.

Ito raw ang bilin ni Behn, na magdiriwang sana ng ika-75 na kaarawan sa Agosto 26.



MULTI-MEDIA ARTIST. Nitong nakaraang June 2013 huling tumanggap ng natatanging parangal si Behn Cervantes mula sa University of the Philippines Alumni Association (UPAA). Itinanghal siya bilang Lifetime Achievement Award honoree para sa kanyang paglilingkod bilang teacher, aktor, direktor at theater artist.

Bahagi si Cervantes ng kilalang Dulaang UP (DUP) sa loob ng mahabang taon.

Naging recipient din si Behn Cervantes ng prestihiyosong Aliw Award, para sa kanyang Life Achievement, sa Tanghalan; at bilang isa sa mga natatanging pinarangalan, noong 1998, ng Centennial Award ng Cultural Center of the Philippines.

Bilang aktor ay higit na nakilala si Behn Cervantes sa mga obrang pantanghalan tulad ng Rosencratnz and Guildenstern are Dead at The Mikado.

Pinuri naman ang kanyang kakayahan bilang stage director, sa mga obrang Guys and Dolls, The Short, Short Life of Citizen Juan, at Iskolar Ng Bayan; mostly during the turbulent decade of the 1970's.

Sa dekada ring ito ginawa ni Behn Cervantes ang pelikulang Sakada (1976), ang kontrobersiyal na pelikulang ipinahinto ng Board of Censors ang pagpapalabas, sa ilalim ng pamahalaang Marcos.

Tungkol sa mga kaapihan ng mga manggagawa sa isang malaking sugar cane plantation ang pelikulang tinampukan nina Robert Arevalo, Bembol Roco, Hilda Koronel at Ms. Rosa Rosal.

Matapos ang Martial Law ay saka lamang lumitaw ang kopya ng Sakada, na nagkaroon din ng DVD release sa kasalukuyang panahon.



RADICAL VIEWS. Bukod sa pagiging aktor, direktor at guro sa unibersidad, nakilala rin si Behn Cervantes sa pagiging radikal na aktibista, noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kasa-kasama niya sa mga street rallies at protesta ang isa pang aktibistang direktor na si Lino Brocka (yumao noong 1991), hanggang sa piitan.

Mga isyung nauukol sa kapakanan ng mga manggagawa at mga alagad ng sining (anti-censorship protests) ang kanilang ipinaglaban noong panahon ng Martial Law.

Naging kritikal din si Cervantes sa panahon ng pag-upo ni dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Manoling Morato, sa ilalim ng Cory Aquino administration.

At sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada, naging bahagi ng MTRCB si Cervantes "but he was the first to leave his post, when Erap was facing impeachment," ayon sa isang dating Deputy.

Sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay naglingkod si Cervantes bilang isa sa Board of Trustees ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Bagama't naging masigasig sa kanyang tungkulin, may batikos na natanggap si Cervantes, mula kay Nonon Padilla, dating namamahala sa Tanghalang Pilipino, a resident theater company of CCP, dahil sa una niyang proyektong "gay version" ng dulang A Portrait Of The Artist As Filipino ni National Artist Nick Joaquin.

Ayon kay Padilla, ang gay version, which had Cervantes playing the role of Candido ("male version" of Candida in Joaquin's play) to Anton Juan's "Paulo" was not well-received by the National Artist and author himself. Ipinagtanggol naman ng dating CCP President Nestor Jardin ang pagsasadula niyon, saying it was "a prerogative of CCP."

Binatikos ni Padilla ang malaking pondong inilaan ng CCP para sa project (a whooping 1.8 million pesos in 2002), at naging dahilan iyon upang bumitiw sa kanyang tungkulin si Nonon Padilla, na isa sa mga beteranong haligi ng tanghalan.



TRIBUTES. Gayunman, may mataas pa ring pagkilala kay Cervantes ang mga naging kasamahan sa industriya.

Kabilang sa mga ito ang mga premyadong direktor na tulad nina Joel Lamangan at Mel Chionglo na nagbahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang mabubuting pananalita tungkol sa namayapang kapwa direktor at aktor.

Sa maikling panayam sa telepono ay nabanggit ni Direk Joel ang para sa kanya ay ang pinakamalaking kontribusyon ni Cervantes.

"I take my hats off to him [Behn Cervantes] for his nationalism and dedication for the cultural movement of the times."

Ang binanggit ni Direk Joel ay ang pamumuno ni Behn Cervantes sa tinatawag na "street theater movement" na si Cervantes ang nagpasimuno.

"He spearheaded the movement, through the Gintong Silahis (theater company), as artistic director. I was one of the apostles of the movement then," banggit ni Lamangan, na kilala sa mga advocacy films tulad ng kanyang latest, Burgos; at gay-themed dramas with socio-political content like Lihis na entry sa Sineng Pambansa All-Masters Edition ng FDCP sa September.

Meanwhile, theater artist and events organizer, Adriana Agcaoili, in her Facebook post this morning, thanked Behn Cervantes, whom she considered as her mentor way back in college when she was still a theater upstart of Dulaang UP.

"Behn, thank you for giving me the privilege to play Anne Frank [based on the novel, The Diary of Anne Frank], the opportunity to work with a hugely talented cast and very generous and kind impresarios...

"Years after that experience, fellow actors continue to tell me how they enjoyed our play.

"I remember how you stopped me in my tracks as I was running up the spiral staircase of Guerrero [Wilfrido Ma. Guerrero Theater, of UP] with a sharp and rapid: 'Hold it! Sino ka? Maganda ba ang Ingles mo?' [thrusting a newspaper at me]. 'Basahin mo nga! Head tone mo!' [that was, basically, my audition -- though I didn't know it]...

"How you drew my eyebrows on during pictorials...

"And how you told me and Migoy [Mike Prado] during our love scene: "Louder, kids! Only your guardian angels can hear you!'

"Whatever you're telling your Guardian Angel now, I'm sure it's a most interesting chat you're having...

"God receive you in His holy embrace... and may you enjoy all the Old Hollywood glamor you desire up there..."

Ang isa pang theater and indie movie actress na si Angeli Bayani—na tampok sa mga internationally acclaimed indie films tulad ng Iloilo at Norte, Sa Dulo ng Kasaysayan (2013) ni Lav Diaz—ay nagpahayag ng kanyang siphayo sa pagyao ni Behn Cervantes. Marubdob na pasasalamat ang ibinahagi ni Angeli sa kanyang pagiging mandudula at artista sa pelikula.

Ani Angeli: "Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyadong maraming kuwento. Hindi ko alam kung saan magsisimula...

"Basta, ginising niya ako. Namulat ako, nawasak ako, binuka niya ang aking bibig at nahanap niya ang aking boses, na patuloy kong ginagamit hanggang ngayon.

"Marami pong salamat. Rest in peace, Sir Behn..."



ANECDOTES. Si Direk Mel Chionglo ay may mga interesting anecdotes din tungkol kay Behn Cervantes, as relayed to PEP.ph.

"Kasama ko sina Lino Brocka at Bhen Cervantes sa unang Free the Artists rally, sa Liwasang Bonifacio [in early 1980s] at sa maraming sumunod na rallies pa noong panahon ni Marcos.

"[Ang] galing nila ni Lino sa pag-atake kay Censors (MTRCB) Chief, Manoling Morato.

"Ang saya namin noon! Rally sa umaga, shooting sa hapon...

"Behn also directed our KDPP [Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino] competition number, na entry namin noon sa 1st FAP [Film Academy of the Philippines] Christmas Party, sa Vera-Perez Gardens."

That was sometime in 1983, ang unang taon ng pagkaka-organisa ng Film Academy of the Philippines (FAP).

"Ang rehearsals namin noon, sa old Channel 4 building, sa Bohol Avenue, na ABS-CBN na ngayon [after the EDSA Revolution, in 1986].

"Ang saya rin.. at ang gulo! Kayang-kaya ni Behn kontrolin ang mga 50 members ng kauna-unahang Directors Guild," natutuwang pagre-recall pa ni Mel Chionglo.

Para naman sa award-winning character actor na si Jim Pebanco, ang pinaka-impresibong trait ni Behn Cervantes, bilang aktor, ay ang natatangi nitong dedikasyon sa kanyang acting craft.

"Masungit siya, but he really likes to act," pag-aalala ni Jim.

"Nakasama ko siya sa Your Honor [a drama anthology based on controversial legal cases, aired on ABS-CBN] noong 2001.

"Magaling siyang artista. He has a good command of the English language.

"Hindi siya masyadong mahusay magsalita ng Tagalog, but he speaks very good English. Kasi yata may foreign [French] blood din siya..."

Hindi lang naman si Jim Pebanco ang aminadong, bilang isang Pilipino, ay nasa puso ng yumaong si Behn Cervantes ang pagiging makabayan, na hindi masusukat sa naipakitang husay sa pagbigkas ng salita o wikang dayuhan.



BEHN CERVANTES, A NORANIAN. Noong nabubuhay pa, vocal naman si Cervantes sa kanyang paghanga at pagbibigay-puri sa kahusayan ng Superstar na si Nora Aunor.

Maraming mga kapwa artista ni Ate Guy (Nora's monicker) at mga direktor na openly ay pinapupurihan ang husay ni Nora sa pag-arte.

Pero iba si Cervantes magpahayag. Nagiging news item ito; nasusulat sa mga kolum.

Like when he watched Nora Aunor acted in Mario O'Hara's Condemned (1984) at pagkatapos manood ay buong lugod na pinuri ni Behn ang napanood na pagganap ni Ate Guy.

"Even her back can act!" wika ni Cervantes, as quoted from a column by Fred Marques of People's Journal.

Ang pagkakaibigan nina Nora at Behn, pati ng naging direktor ni Nora na si Lino Brocka, sa Ina Ka Ng Anak Mo (1979) at Bona (1980), among others, ay masasabing nasubok ng mga matitinding sitwasyon; and has stood the test of time.

Nang minsang maaresto at makulong nang sabay sina Lino at Behn in the mid-'80s for joining a protest rally ng mga jeepney drivers, isa raw si Ate Guy sa mga dumalaw sa dalawa, at ito ang nakakatuwang linya ni Behn Cervantes sa actress-superstar:

"Ay naku, Guy, kami na ang mga Bulaklak ng City Jail!" sabi raw ni Cervantes, bilang pagtukoy sa Mario O'Hara classic Nora-starrer, Bulaklak Sa City Jail (1984).

May YouTube video ring nagsilbing tribute of sorts naman ni Cervantes sa kahusayan ng inidolo niyang aktres.

Ang nag-reupload ng video ay nagpahayag ng: "One of the most principled men has left us... but one of his pronouncements will remain... Rest in peace, Mr. Behn Cervantes."


Ganito ang pronouncement ni Cervantes tungkol sa acting prowess ni Nora Aunor:

"Nora's greatest advantage is her fantastic eyes and a sense of truth, which... I probably shouldn't say it because it would be speaking lowly of other actresses.

"Other dramatic actresses... I do not believe in their moment of truth, although they know technique.

"Definitely they have their technique and they know their craft.

"Nora has real truth at that most enthralled moment... it comes across... it comes... her wide experience... her background comes across.

"And she's very real. She's a Filipina character.

"Nora is... I can feel, I can sense, I can almost touch. I can almost smell the characters of Nora. It is not the first time I used that in a complimentary sense, but she comes across as such.

"She's definitely a film actress, a really good film actress.

"Somebody who's learned how to work with the camera... how to use her best assets in the best manner."

Sa ganitong mga pahayag at pagbibigay-puri ay napa-flatter si Nora Aunor at lubusan ang kanyang pagpapasalamat.

Kabilang si Behn Cervantes sa mga itinatangi ni Nora, sa kanyang puso, na hinding-hindi rin daw niya malilimutan.

"Salamat sa mga alaala," simple ngunit marubdob na sambit ni Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN