Lawyer-actor Vince Tañada: "I wanna discover and develop talents. Yun yung legacy na gusto ko.”

Vince Tañada (in photo) is the lead actor in Elwood Perez's comeback movie titled Otso.


Ang bida sa indie movie na Otso na si Vince Tañada ay hindi na baguhan sa larangan ng pag-arte. Isa siyang award- winning stage actor na dalawang beses nang na-recognize bilang Best Actor sa Aliw Awards noong 2007 at 2009 sa pamamagitan ng stage plays na O’ Moises at Cory ng Edsa, respectively.

Ang Otso naman ay entry ng comebacking director na si Elwood Perez sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition na tatakbo hanggang September 17.

(For movie schedules, CLICK HERE)

Buong pagmamalaki ni Vince sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito sa kanyang birthday cum presscon sa studio ng Philippine Stagers Foundation (PSF) sa Sampaloc, Manila na pag-aari rin niya.

Panimula niyang kuwento, "I’ve been in the theater for twenty years already pero itong PSF ay na-established ten years ago na.

“ But I was with my San Bedan partners…we are all from San Beda but for some reason kasi alam mo naman na ang theatre company is not financially rewarding, umalis na yung iba, naiwan lang ako.

“Since heto talaga ako passion ko inspite of the fact na isa akong criminal lawyer, itinuloy ko na ito…pinanindigan ko na.”

Sa dalawampung taon niya bilang isang stage actor, bakit hindi niya sinubukan ang umarte sa mainstream acting?.

Paliwanag niya, “Ang Philippine showbiz naman…I don’t believe kasi na I’m truly good-looking.

“I never imagined myself to be in show business.

“I was a part of a singing group in high school, yung Kundirana [singing group ng De La Salle High School] pero hanggang dun lang.

“But then, during that time, my mind was set for the law school kaya in entered to a law school. We are a family of lawyers kasi…lahat ng uncles ko lawyers, grandfather ko dating senador, si Lorenzo Tañada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, during that time, ang concentration ko ay matapos ang law and on the side, yung hilig sa ko sa stage plays.”

Well-recognized ngayon sa mainstream cinema ang mga galing sa entablado.

Isa sa most prominent dito ay si Eugene Domingo.

Aniya, "Actually, ngayon lang ‘yan, e. Pero, in the past, hindi ganun, e.

“But I’m glad it’s going to that direction. Ibig sabihin, yung mga bata at may potensiyal na stagers ay mas nagiging malawak na ang kanilang opportunities.

“Wag na ako kasi ang buhay ko ay nasa stage talaga. I wanna discover and develop talents. Yun, yung legacy na gusto ko.”

Pero para sa kanya, kakaiba daw talaga ang show business.

Saad niya,”I really adore show business.

“It doesn’t like what it seems—kung ano ang hindi totoo, yun ang totoo. Kung ano yung totoo, yun ang hindi totoo.

“Di ba parang ang hirap?”

Nabanggit ni Vince na nagtapos siya ng kursong Law, nakapasa ng Bar exams at isang practicing criminal lawyer pa rin.

Aniya, “Yeah, I’m still in litigation. I do annulment cases. I was able to handle annulment cases of some showbiz personalities...

“Magastos ang annulment kasi nga maraming hearings..merong pre-trial tapos you still have to go to a...court.

“Matagal na proseso, e.”

Ano ang advice niya sa mga gustong mag-file ng annulment?

Sabi ni Vince, “Mas maganda kasi na mag-file sila ng case sa probinsiya.

“Heto’ng mga celebrity, dapat sa ibang lugar sila mag-file.

“Malalaman nila why.”

Kung siya ang tatanungin, para saan ba ang puso niya: sa pagiging isang artist o sa pagiging isang abugado?

Walang kagatul-gatol na sagot ng lawyer-actor,” I think my passion is really for the arts.

“That is the reason why after I passed the bar exam, I talked to my parents na sabi ko, 'Napagbigyan ko na kayo, this time, pagbibigyan ko ang sarili ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will setup my theatre company and I will be really in theater kasi bata pa ako ay nasa teatro na talaga ako.”

Mabuti hindi nagugulat ang kanyang compañeros sa desisyon niyang ito?

“Siyempre, nagugulat sila,” pag-amin ni Vince. “For some reason ay siyempre nagtataka sila kung bakit.

“Kasi may mga anak na rin ako and when I was practicing law, medyo mataba ako tapos nagdi-direct lang ako, nagsusulat lang ako.

“Then no’ng makipag-usap ako sa Ninoy Aquino Foundation, sabi nila, ‘Ikaw na lang ang mag-Ninoy.’ Kasi, mas maganda, ikaw na ang nagsulat, marunong ka namang umarte, di ikaw na rin.

“Kaya, nagpapayat ako kasi nakakahiya naman, sasayaw ka ng 200 pounds.

“Kaya nga yung passion ko sa stage acting…yung sa arts nga ay hindi talaga nawawala sa akin. It’s already in me.

“Actually, yung dalawa complement each other.

“Kasi, like when I’m ligitating, usually, pina-practice namin yung witness. So, kailangan may konting drama lalo na sa manifestation of evidences, kailangan may konting acting.”


ON STARRING IN OTSO. Base sa Film Development Council of the Philippines, narito ang synopsis ng Otso: "With hopes to reconnect with his roots, Lex returns to Manila and writes a screenplay for an indie film based on his neighbors. In the process, he discovers that his illusions of filmmaking, romance, and the city itself are at odds with the truth."

Si Vince ang gumanap na Lex at aminado siya na pinag-isipan niya bago niya tanggapin ang pelikula ni Elwood Perez.

Ayon kay Vince, “Wala, magaling mag-convince si Direk, e.

“There was hesitation sa start but when we started meeting, na-present sa akin yung concept, yung cast, nagbago ang desisyon ko. I think this is a good try.

“Ipinaramdam sa amin ni Direk na we have a good material at ang masaya ang grupo ko for this chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang harm in trying, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN