Ruby Ruiz on Vilma Santos and Nora Aunor: "May certain spark sa mga mata nila at very powerful ang dating.”


Hindi baguhan sa acting si Ruby Ruiz, Cinemalaya Best Supporting Actress awardee for Ekstra. Bata pa siya ay umaakting na siya sa teatro. Nakatrabaho na rin niya ang mga batikang director na sina Lino Brocka and Ishmael Bernal (two National Artists for Film) noong buhay pa ang mga ito.


Pero meaningful sa kanya ang Ekstra dahil ito ang biggest role niya to date at nagwagi pa siya ng acting award, her very first mula sa Cinemalaya. “Meaningful ito’ng award na ito sa akin kasi nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Ate Vi [referring to Batangas City Governor Vilma Santos] at ang movie ay tungkol sa mga extra,” sabi ni Ruby nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng unang indie film ni Gov. Vilma Santos.


Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nakatrabaho niya si Vilma. Nakasama na niya ito sa Rubia Servios kung saan gumanap siyang kapatid ni Mat Ranillo III. Nakatrabaho rin niya itong muli sa Mike de Leon film na Sister Stella L kung saan isang social worker activist ang kanyang role.


“I feel lucky na ako ang nanalo ng award kasi naniniwala na ako na lahat ng mga actors competing para sa award na ito ay magagaling din. Suwerte ako na ako ang nanalo. Dalawang beses akong nag-audition para sa role in Ekstra. Na-late pa nga ako sa isang audition dahil sa traffic. Paalis na nga si Direk Jeffrey [Jeturian]. Nagmakaawa talaga ako kay Direk Jeffrey na huwag muna siya umalis kasi malayo pa ang pinanggalingan ko.”


Sabi ni Ruby, may isang eksena raw sa Esktra na tila nawala siya sa kanyang sarili kaya na-cut ang eksena. “Sabi ko kay Ate Vi, ‘huwag mo po akong titignan sa mata kasi nako-conscious po ako. Kasi may kakaibang spark ang mata niya. Ganyan din po si Ate Guy [Nora Aunor] na nakatrabaho ko na rin. May certain spark sa mga mata nila at very powerful ang dating,” sabi pa ni Ruby.


Kumusta naman katrabaho si Ate Vi?

“Ate Vi is very generous bilang artista kasi susuportahan ka niya talaga sa eksena ninyo. Hindi ako mananalo na ng award kung hindi ako sinuportahan ni Ate Vi sa mga eksena kasi ang husay niya sa mga eksena niya. Nagbibigayan kami sa mga eksena. May eksena kami roon sa movie na naiyak ako. Hindi po sinabi ni Direk Jeffrey na umiyak ako. Talagang naiyak lang ako dahil sa husay ni Ate Vi.”


Pag hindi siya nagtratrabaho bilang ekstra, nagha-handle siya ng mga acting workshops. Noong bata pa siya ay hindi pabor ang parents niya na mag-artista siya. Pero pangarap talaga ni Ruby na mag-artista.
“Masarap ang pakiramdam na umaarte ka, yung binibigyan buhay mo ang karakter ng ibang tao. Kahit na bit players kami, we get satisfaction from what we do. Iba ng siguro pag iyon ang pangarap mo,” sabi pa ni Ruby.

Aminado rin siya na pangarap din niyang sumikat at magkaroon ng role bilang bida sa TV o kaya pelikula.

“Of course that is a dream pero ang manalo ako ng award for Ekstra ay malaking fulfillment for me. Nang tawagin ang pangalan ko na winner, parang hindi ko narinig. Kasi lahat kami sa Ekstra, kahit di na kami manalo ng ibang award, basta ang wish namin ay manalo si Ate Vi as best actress. Lahat kami masaya na. Nang tawagin ang name parang di ko narinig talaga tapos sabi ng katabi ko, 'uy ikaw ang nanalo,' kuwento niya sa kanyang winning moment sa Cinemalaya.

(View photos: Cinemalaya 2013 awarding ceremony)


Nang pumanhik nga raw siya ng stage, parang di raw niya alam ang kanyang gagawin. Matapos niya tanggapin ang kanyang trophy from Angel Aquino, sabi raw nito sa kanya na kailangan niyang mag-speech. Parang natakot daw siya na mag-speech.

“Naku, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sabi ko nga sa sarili ko sana pala naghanda ako ng speech just in case pero di ko naman ini-expect na mananalo ako pero since taga teatro naman ako dapat alam ko gawin kahit impromptu,” sabi ni Ruby.

Nag-audition siya for the role of Josie, ang talent coordinator at sa role ni Carlota (ang role ng kumare at kapitbahay ni Vilma na hiniraman ni Ate Vi ng costume).

“Ang akala ko mas maganda ang role ni Carlota pero nung sa shooting na, nakita ko na mas importante pala ang role nung talent coordinator. Pero siyempre ang bottomline ay nakasama ako sa movie tapos nakaeksena ko pa si Ate Vi. Tapos nanalo pa ako ng award. Sarap ng pakiramdam,” sabi pa niya.

How would you describe your role in the movie?

“Mataray siya kung sa mataray pero pagdating sa pagtatanggol sa mga talent niya, may puso siya. She really comes to thier defense. When I was acting my role, I had in mind Josie Tagle who is a real talent coordinator. She is my peg for my role so that my characterization becomes real.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN