Nuwebe, Ekstra, and Babagwa will soon take part in international film festivals

Nuwebe (starring Barbara Miguel, rightmost), Ekstra (starring Vilma Santos, middle), and Babagwa (starring Alex Medina and Joey Paras, left frame) will take part in the 2013 Montreal, Toronto at Vancouver International Film Festivals.


Tatlong pelikula mula sa 9th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang nakatanggap ng pormal na imbitasyon para sa ilang international film festivals sa Canada.

Ito ay mula sa Montreal, Toronto at Vancouver International Film Festivals.

Una na rito ay ang Nuwebe ni Joseph Israel Laban na dadalhin sa 37th Montreal World Film Festival.

May English title itong The Youngest at isa ito sa 105 films na kasama sa Focus On World Cinema section.

Ito lang ang nag-iisang Pinoy film na makakalaban ang mga entries mula sa China, Japan at India.

Ang international premiere ng Nuwebe (The Youngest) ay gaganapin on August 29 sa Montreal, Canada with additional screenings on September 1 and 2.

Ang mga bida ng Cinemalaya New Breed entry na Nuwebe ay sina Nadine Samonte, Jake Cuenca, Anita Linda, Manny Castañeda at Barbara Miguel.

Ang Ekstra (international title: The Bit Player) naman ni Jeffrey Jeturian ay makakasama sa 38th Toronto International Film Festival on September 8. Magkakaroon ito ng screenings on September 10 and 15.

Ang pinagbibidahang indie film na ito ni Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ay kasama sa Contemporary World Cinema section ng naturang festival.

Kasama sa cast ng Ekstra sina Ruby Ruiz, Marlon Rivera, Vincent de Jesus at Tart Carlos. Sina Marian Rivera, Piolo Pascual, Cherie Gil, Eula Valdes and Ms. Pilapil ay may special guest roles.

Eligible ang Ekstra (The Bit Player) para sa Blackberry People’s Choice Award kung sino ang magiging most popular film ng festival. Last year, ang nakapanalo nito ay ang Silver Linings Playbook ni David O. Russell.

Nanalo ng anim na awards sa Directors Showcase category ng Cinemalaya ang Ekstra. Ito ay palabas pa rin sa 100 theaters nationwide.

(Read: Ekstra movie review)

Ang Babagwa (international title: The Spider’s Lair) naman ni Jason Paul Laxamana ay pupunta naman sa Vancouver International Film Festival na magaganap sa September 28 hanggang October 4.

Ang indie film na ito—na pinagbibidahan nila Alex Medina, Alma Concepcion, Kiko Matos at Joey Paras—ay magku-compete sa Dragons & Tigers Award for Young Cinema.

Since 1995 pa ang Dragons & Tigers Awards na madalas mapanalunan ng mga films from Japan, China, South Korea, Thailand and Taiwan.

Minsan nang nanalo ang Philippines sa award na ito noong 2006. Ito ay para sa indie film na Todo Todo Terros ni John Torres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN