Jasmine Curtis Smith: "I wanna be up to par with people who are in my age range.”

Puti, starring Jasmine Curtis Smith, is one of the films that will take part in the 2013 Cine Filipino Film Festival. (To learn more about this year's entries, read: PEP Guide to Cine Filipino 2013)



“I would love to!” bulalas ni Jasmine Curtis Smith nang tanungin kung sa palagay niya ay mananalo siyang muli ng acting award para sa psychological thriller na Puti.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng Cine Filipino Film Festival sa Resorts World Manila noong Martes, September 10.

Kabilang ang Puti ni Mike Alcazaren sa mga kalahok na entries.

(Read: PEP Guide to Cine Filipino 2013)


Nanalo kasi si Jasmine bilang Best Supporting Actress sa New Breed category ng 9th Cinemalaya Independent Film Festival para sa kanyang pagganap sa Transit.

Patuloy ng Kapatid star, “But then again, you know, I really do not expect for anything. I know I gave my all.

“This is… technically, I filmed this first, so it’s really my first film.”

Ano ang pagkakaiba ng acting niya sa Transit at sa Puti?

Ayon kay Jasmine, “They’re so different.

“Ito sa Puti, I am this girl na apprentice para kay Ian Veneracion who plays a painter that gets into a car accident with his son.

“Ako naman, parang may konting liking to him, college student na na-attract sa mentor niya.

“Tapos I play a role in trying to help his son adjust to the accident.”

Saan siya mas nahirapang umarte, sa Puti o sa Transit?

“For Puti, my challenge was more of being an eerie person, yung konting dialogue lang, pero intense ka magbigay ng facial reaction.

“For Transit kasi, it was more of the dialogue, the language barrier—that was what I had to overcome.

“But for both films, I had to level up my acting because the people that I was acting with were veterans in the industry.

“And of course, with Lauren Young also, you know, she’s done a few indie films prior to Puti.

“So gusto ko rin naman magmukhang okay next to her, di ba?

“Of course, we’re of the same age range and I wanna be up to par with people who are in my age range.”

Parehong baguhan ang direktor niya sa Transit na si Hannah Espia at sa Puti na si Mike Alcazaren: ano ang pagkakaiba?

“Different kasi though both of them, na both na it’s their full length [debut films]. Direk Hannah did short stories prior to the full length for Cinelamaya.

“Direk Mike naman is for TV commercials and I’ve actually shot with direk Mike a few times before the movie. We shot for Downy when I was four years old tapos nung 16 or 15 ako we shot for Creamsilk so it wasn’t like we didn’t know each other already.

“Parang he actually hunted for me daw in TV5 because nga alam niya na dito ako pumirma ng kontrata so happy naman ako na ako yung pinili ni Direk Mike.”

May posibilidad ba na makalaban niya sa acting awards ang Superstar na si Miss Nora Aunor na bida naman sa pelikulang Ang Kwento ni Mabuti na entry rin sa Cine Filipino Festival?

“Iba naman yung categories namin.”

Sa supporting category raw si Jasmine, lead actress naman ang kategorya ni Miss Aunor.

“I dunno actually, in our film it’s very difficult to analyze the characters. The lead actor is of course Ian Veneracion but in terms of lead actress difficult to address to whom it belongs to kasi dalawa kami ni Lauren in it.

“And medyo pantay lang yung role namin so hindi mo talaga masabi kung sino ang lead actress.

“Pantay siya e, pantay yung scenes namin. So if ever we’ll be in the same category together or kung anuman.”

Nag-click agad sila ni Lauren sa trabaho kahit magkaiba sila ng TV networks na kinabibilangan.

“Well because we have mutual friends and same age.”

Biniro namin si Jasmine na ang mga boyfriends nila ay parehong teen stars; may tsikang may relasyon sina Lauren at Elmo Magalona, at si Jasmine ay kay Sam nga.

Tumawa muna si Jasmine bago sinabing…

“Boyfriends talaga? Hindi puwedeng nanliligaw muna?

“But also kasi kami ni Lauren parang same set up, we have older sisters who were in the industry before us, we both… she just entered college last year and I entered this year.

“So ayun I think we had no difficulty in clicking. Actually, ironically, nung first shooting day niya for Puti ako naman last taping day ko na for Puti.

“So nagkasalisi kami sa shooting days pero prior to that yung script readings, magkasama kami.”

Wala silang eksena ni Lauren na magkasama sa Puti.

“Pero lahat naman ng preparation beforehand magkasama kami and kami yung laging magkatsika, so sakto lang kami.

“We’re very easy, like, madaling magkausap.”

Ang 1st Cine Filipino Festival ay spearheaded ng PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5 at Unitel Entertainment kasama ang Newport Cinemas ng Resorts World Manila, Lucky Chinatown Mall at Gateway Cineplex bilang partner venues.

Gaganapin sa Newport Cinemas ng Resorts World Manila ang Gala Night sa September 18.

Ipapalabas ang Puti sa gabing iyon, 7 pm.

Ang pelikula naman ni Ron Bryant na Bingoleras na ipapalabas rin sa gabing iyon ay pinagbibidahan nina Eula Valdes, Liza Diño, Charee Pineda, Max Eigenmann, at Mercedes Cabral.

Sa September 19, ang pinagbibidahan ni Tuesday Vargas na Ang Turkey Man ay Pabo Rin sa direksyon ni Randolph Longjas ang ipapalabas. Ganun din ang pelikula ni Janice Perez na The Muses na tampok sina Janelle Jamer at Kitchie Nadal.

Dadalo naman sina Ms. Nora Aunor at Angel Aquino sa September 20 Gala Night. Ang pelikulang Ang Kwento ni Mabuti ay pinamahalaan ni Mes de Guzman. Gumaganap naman si Angel bilang Pilar, ang babaeng minamahal ni Anita sa pelikula ni Sigrid Bernardo, Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

Ang magkapatid na Sari at Kiri Dalena ang gumawa ng docu-drama na The Guerilla is a Poet. Samantalang likha naman ni Ato Bautista ang coming-of-age love story na Mga Alaala Ng Tag-Ulan starring Mocha Uson at ang Artista Academy alumnus na si Akihiro Blanco.

Mapapanood rin ang mga film entries sa Shang Cineplex ng Shangri-la Plaza Mall sa September 21-22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN