Ryan Agoncillo says Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? is Direk Joey Reyes' "most personal" film

Ryan Agoncillo plays Andre, one of the wards of Yaya Teresa (played by Rustica Carpio) in the Sineng Pambansa entry Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? Directed by Joey Reyes, this family drama will be exclusively shown in SM Cinemas from September 11-17, 2013.



Habang nagdedesisyon pa si Ryan Agoncillo kung saang network siya pupunta at habang hindi pa siya nakababalik sa Eat Bulaga!, natutuwa naman si Ryan na muli siyang mapapanood ng mga tao sa big screen sa pamamagitan ng pelikulang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? sa direksiyon ni Joey Reyes.

Isa ito sa mga entries ng Sineng Pambansa National Film Festival All-Masters Edition, na mapapanood sa lahat ng SM Cinemas nationwide sa Setyembre 11-17.

Ang pelikula ay tungkol sa isang yaya na ibinigay ang buong buhay niya sa pamilyang kanyang pinagsilbihan ng mahabang panahon. Saan nga ba siya pupunta kapag isa-isa nang umaalis at nawawala ang mga taong itinuring niyang pamilya?

Ano ang role ni Ryan dito?

“I play a brother here, ang bunsong kapatid ni Jackie Lou [Blanco] at Bobby Andrews. Kasi ano siya, e, drama ng pamilya.”

So, ibig sabihin dramatic actor na siya?

“Actor na lang, puwede?” sabay tawa ni Ryan. “Para walang pressure, actor lang.”

Patuloy niya sa paglalarawan ng kanyang role, “Bunso ako dito. Ang aming paboritong yaya si Tita Rustica [Carpio] plays the lead.

“Tapos kasama ako sa ensemble and lahat kami rito [magkakapatid] galing abroad.

“We come home to try to solve the problems of the house, na umiikot kasama si Tita Rustica.”

Kumusta katrabaho ang beterana at award-winning actress na si Rustica?

“Ang lambot ng kamay niya, ha. Yun ang una kong napansin.

“Siyempre pag magkasama kami sa eksena, nahahawakan ko yung kamay niya, ang lambot talaga ng kamay niya.

“Ibang klase talaga si Tita Rustica.

“Ako, I’m so happy na somebody like Tita Rustica gets the chance to work on a movie like this.

“Si [Direk] Joey is really excited about this.

“Ang tagal na… parang ginagawa pa lang namin yung My Househusband, ikinukuwento na niya itong project na ito and it’s really one of his most personal movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, Joey was very emotional in making this movie.

“So, I hope it translates yung aming pinagdaanan sa set. Sana mag-translate doon sa kuwento.”

Bakit dapat panoorin ng mga tao ang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap?

“Well, kultura natin kasi yung may mga angels tayo sa bahay. Whether we like it or not, talagang parte sila ng buhay natin.

“And questions have to be answered and dito sa pelikula medyo iko-confront tayo ng mga tanong na ayaw nating ma-confront.

“So, hopefully you guys get to watch this.”

Ang Ano Ang Kulay Ng Mga Nakalimutang Pangarap? ay Rated A ng Cinema Evaluation Board.

Si Kim Rodriguez ang gumanap na young Rustica Carpio at si Alwyn Uytingco ay gumanap na Nato, ang kasintahan ng karakter ni Kim. Kasama rin sa cast sina Ruby Ruiz, Chynna Ortaleza, Madeleine Nicolas, David Chua, Kalila Aguilos, at Roli Inocencio.

Co-produced ito ng Largavista Entertainment at ng Film Development Council of the Philippines sa suporta ng GMA Network at SM Cinemas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN