Elwood Perez tackles voyeurism for his comeback movie Otso

(L-R) Monique Azerreda, Gabby Bautista, director Elwood Perez, Film Development Council of the Philippines Chairman Briccio Santos, and Vince Tañada. Direk Elwood credits the FDCP for his comeback as a filmmaker. Monique, Gabby and Vince are stars in Direk Elwood's film titled Otso.


Bumabalik sa paggawa ng pelikula ang batikang direktor na si Elwood Perez sa pamamagitan ng mga pelikulang Otso, isang indie movie na ginawa niya para sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition.

Base sa Film Development Council of the Philippines, narito ang synopsis ng Otso: "With hopes to reconnect with his roots, Lex (played by Vince Tañada) returns to Manila and writes a screenplay for an indie film based on his neighbors. In the process, he discovers that his illusions of filmmaking, romance, and the city itself are at odds with the truth."

(For schedules of movie screenings, CLICK HERE)

Gumagawa rin siya ngayon ng mainstream movie titled Trophy Wife na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Derek Ramsay.

Ang Otso ay ipapalabas na hanggang September 17 samantalang kasalukuyan pa ring sinu-shoot ang pelikulang Trophy Wife.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Elwood sa bahay ni Atty. Vince Tañada na siyang bida sa pelikulang Otso. Halatang sobra ang excitement ni Elwood sa pagbabalik-pelikula pagkatapos ng mahabang pagkawala sa sining ng pelikula at telebisyon.

Isang dekada na ang nakalipas nang huling gumawa si Direk Elwood ng pelikula since ang last movie niya ay ang Ssshhh … She Walks By Night (2003).

Bungad ni Direk Elwood, "Naiiyak nga ako noon sa interview sa akin ng Startalk, I was overwhelmed with emotions.

"Kasi nga, marami ang nagsasabi na maganda nga raw yung Otso. Hindi ako nagsasabi niyan kundi ang foreign critics. So yun, nagpapasalamat ako. Sobra-sobra ang pasasalamat ko.

"Imagine, ang tagal-tagal kong hindi gumawa ng pelikula...almost semi-retired na ako and then here comes a movie na may mga nakaka-appreciate, talagang maiiyak ka, di ba?"

Ang pelikulang Otso nga raw ay tungkol sa voyeurism. Ayon sa Wikipedia, ang voyeurism ay "sexual interest in or practice of spying on people engaged in intimate behaviors."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit ito ang naisipan niyang tema ng kanyang comeback movie?

Paliwanag ni Direk Elwood, "Ang cinema naman is full of voyeurism, di ba? We want to probe into the lives of so many people.

"And we want to experience their lives vicariously.

"For example, you don't have to go Venice to experience Venice.

"Kasi ako, bata pa lang ako, ganoon na lang ang aking thrill sa cinema...it provides you vicarious experience...experiences through your disbelief for the moment.

"Yung nandoon ka at gusto mong ma-exprience yung mga hindi mo na-experience noong wala ka dun sa particular moment na yun."

Sa pelikulang ito, isang baguhan sa mainstream cinema ang kanyang bida: si Vince Tañada.

(Read: Lawyer-actor Vince Tañada: "I wanna discover and develop talents. Yun, yung legacy na gusto ko.”)

Sa larangan ng entablado ay kilalang-kilala si Vince dahil sa nakailang best actor awards na rin ito sa Aliw Awards.

Paliwanag ng award-winning director," Alam n'yo naman ako, kilala ako sa pagla-launch ng mga bagong artista, di ba?

"Ako ang nag-launch kay Claudia Zobel in Shame, Jimmy Melendez in Diborsiyada, Gina Alajar, Cherie Gil at iba pa...dati ako naman talaga ang 'launching director' na since na 'the phenomenal' na si Roxane Abad Santos... Ruffa Gutierrez, ako rin.

"At this point naman...ang star naman is born.

"Heto'ng kay Vince, ang nangyari nito ay na-invite lang ako ni Frank Rivera na manood ng kanyang play na Bangkay at ako ay nagulat sa kanya-ang galing galing niya.

"So, I wrote a script and a play na siya ang bida at hindi sa pagmamayabang ay sanay na sanay naman ako manood ng play and at that point, I was blasé ...I was jaded...hindi ako madaling ma-strike out ng hindi magaling na ano.

"Pero si Vince, he's special. Magaling talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa nga raw sa puwedeng pag-usapan dito ay ang masturbation scene ni Vince.

Hindi kaya maharang ito sa pagre-review ng Movie and Television Review and Classification Board?

Aniya, "I always believe in censorship and classification...in self-censorship. My movie Silip was extreme that time.

"But, marami ang nagkagusto ng pelikulang yun and that brought to my attention sa international film festival and maraming filmfest sa abroad requesting for this movie.

"Masasabi ko lang na ang Otso is my matured world.

"E, paano, meron akong wisdom of age...wisdom of experience. I have sharpened and...broadened my knowledge.

"You will be suprised na si Vince ay hindi siya 'otso', dose siya," pagbibiro pa niya.

Natutuwa rin si Direk Elwood sa malaking pagbabago ngayon sa paggawa ng pelikula kumpara sa kapanahunan niya.

Pahayag ng beteranong direktor, "Malaking tulong ngayon ang digital at nagpapasalamat ako dito.

"Kasi, di ba, yung time namin ay puro negatibo na minsan kailangan ay limitahan mo ang takes pero ngayon hindi na-kahit ilang takes ay kaya ko nang gawin.

"At masuwerte ako na ang grupong ito [Philippine Stagers Foundation] ay napaka-professional, ambabait, napakabata and full of vitality.

"Na-imbibe ko yung positive energy nila."

Dugtong pa niya, "At saka, hindi ako tumatanggap ng basta kung anu-ano. Nagkataon na All Masters ito [ang film festival] na kung hahayaan ko na malampas sa aking palad, sayang naman, e, nandiyan na.

"This compelled me to make this film."

Pero ang film festival na ito ay isang exhibition at hindi magkakaroon ng awarding ceremony.

(Read: "Sa edad namin na ito, wala nang competition!")

Mas ginusto ba niya na dito ilagay ang kanyang comeback movie?

Paliwanag niya, "Ako, kahit saan ako, wala yun sa akin.

"Malaki na nga ang pasasalamat ko sa Film Development Council of the Philippines [FDCP na siyang in-charge sa filmfest] na siyang nag-encourage sa akin na gawin yung project otherwise ano ang gagawin ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was just reading and reading ... eating out.

"Ako wala akong comment diyan. Kasi, All Masters na nga raw. Ba't kailangan pa raw mag-compete?

"I'm not a judge of my colleagues and the people who were chosen for this All Masters' special filmfest.

"Ako, matagal na akong tinuruan ng mother ko...I had a parochial upbringing na alisin ang inggit dahil yun ang ikasisira mo. Kaya ako, ang lagi kong ka-compete ay ang sarili ko.

"I always wanted to be better sa susunod kong gagawin. Insecure kasi ako. Kanya nga ako, I'm always searching for and driving myself to improve my skills and craft.

"Gusto ko talaga laging better."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN