Tuesday Vargas has an inter-cultural romance in CineFilipino entry Ang Turkey Man ay Pabo Rin

Tuesday Vargas has an inter-cultural romance with an American (played by Travis Kraft) in the CineFilipino entry Ang Turkey Man ay Pabo Rin. This comedy film is one of the CineFilipino entries that will be screened from September 18-24, 2013.




First starring role ni Tuesday Vargas ang pelikulang Ang Turkey Man ay Pabo Rin, isa sa kalahok sa CineFilipino Festival na magsisimula sa September 18. Dahil dito ay hindi maitago ng komedyana ang kasiyahan sa oportunidad na dumating sa kanya.

(Read: PEP Guide to CineFilipino 2013)

Sinabi ni Tuesday na nagulat siya sa pangyayari at hindi niya inaasahan ito. Pero at the same time, tiniyak din niyang ibang Tuesday ang mapapanood sa kanya ng moviegoers dito.

“Nakakagulat, ‘di nga ako aware na bida pala ako. Sabi ko nga sa iyo, nakita ko na lang ‘yung poster, ‘Ay ganoon pala!’

“Alam ko kasi, parang ensemble yung cast at tungkol siya sa babae na may jowa [boyfriend] na foreigner. Alam ko, marami kaming may kuwento na ganoon. Pero nang binabasa na namin, noong reading ko lang nalaman na ako pala ang magdadala,” panimulang pahayag ng comedienne nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last September 10 sa launching ng 8 full-length films at 10 short films na kabilang sa 1st CineFilipino Film Festival sa Resorts World Manila.

Base sa Facebook page ng Ang Turkey Man ay Pabo Rin, narito ang synopsis ng pelikula na ito: "A comedy celebrating the triumphs & tribulations of a FilAm couple on a universal love trip- Balut, karaoke, telenovelas, brownouts, ukay-ukay, and superstitious in-laws included. This experimental comedy explores the trials, tribulations, and triumphs of a Filipino-American couple on a universal love trip—that which do not discriminate against color, stature, or culture. It is a celebration of the Filipino experience in a foreigner’s perspective, and alternatively, the realization of the American dream in a Filipino’s eyes."

Sa tingin ni Tuesday, mag-e-enjoy ba yung mga manonood dito?

“Sobra, kasi ano, magaan lang yung pelikula. Hindi siya komplikado yung kuwento.

“Tapos bukod doon, maraming makaka-relate, kasi maraming ganoon yung kalagayan. Tapos, hindi sila nabibigyan ng boses. So, heto yung kwento nila,” banggit pa niya.

Ayon pa sa Kapatid aktres, ibang Tuesday ang makikita rito ng viewers ng CineFilipino Festival.

“Oo, ibang Tuesday. Kasi, hindi ako madalas na nakikitang nagseseryoso [sa pag-arte]. So makulit yung character ko rito, pero later kapag nagde-develop na yung story, they will see the other side of that character, si Cookie na malalim pala yung pinaghuhugutan.”

Nagkuwento rin si Tuesday hinggil sa role niya sa naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ako si Cookie rito, si Evelyn Bigoy… ako ay probinsyana na nakatira sa Maynila. Tapos hindi naman ako mayaman, hindi rin ako mahirap. Masipag ako ta’s ang negosyo ko, nagde-debone ako ng bangus.

“So, hiwalay ako sa asawa, pero yung asawa ko namatay na sa ibang bansa. Dahil nambabae siya, kaya kami naghiwalay. Ta’s nabugbog siya dun, napuruhan, namatay. So, pinapalaki ko yung anak ko ng ako lang mag-isa.

“Mayroon akong dalawang barkadang mga babaeng bakla, si Cai Cortez saka si Julia Clarete. Yung mga babaeng maiingay, maayos sa katawan, makolorete, mahilig sa foreigner or malanding babae pero mababait,” nakatawang saad niya.

“’Yung malanding, hindi yung kiri, hindi yung… o sige, gagamitin ko na yung term, hindi yung pa-kanks,” nakatawang wika pa niya.

“Charos! So, hindi sila ganoon. Malandi talaga lang, malanding babae.

“So, sabi nila, ‘Ba’t ‘di mo try mag-boyfriend ng foreigner?’ In-introduce nila ako dun sa website. So, na-meet ko ‘yan. Ang umpisa naming struggle bilang magdyowa, ‘yung stigma, na ‘pag titignan kami ng tao, ‘di nila ako nakikita bilang ako, nakikita nila na ako bilang oportunista, kasi nag-boyfriend ako ng may lahi.

"Pero hindi ako parang pokpok, hindi ako ganun. Ang pamilya ko rito is relihiyoso. Ang nanay ko, ang tatay ko, sensitibo sila at tradisyonal, kasi probinsiyano. So, ‘yung mga ganun ba na, kung di ko pa ipapaliwanag, ‘di nyo ko bibigyan ng respeto, parang ganun.

“Pero, at the same time, hindi ‘yun ibinigay na mabigat, magaan lang ang treatment dito.”

May awards night rin ba rito sa CineFilipino Festival?

“Mayroon po at ako din po yata ‘yung magho-host. Kanina lang po sinabi sa akin,” wika niya.

Ano mapi-feel mo kung isa ka sa magiging nominated dito at makakalaban mo si Nora Aunor?

“Salamat po, salamat po [kung sakali].

“Nakakagulat po yun at hindi ko po sinasabi na magkakaroon tayo ng favorable na result papunta sa akin. Pero just to be nominated alongside the one and only Superstar is such an honor na po for me,” nakangiting tugon pa ni Tuesday.

Sino sa mga komedyante natin ang iniidolo mo?

“Sa local, siyempre si Ate Uge [Eugene Domingo]. Puwede na natin talagang sabihin si Ms. Ai-Ai [delas Alas] siyempre, dapat ‘di natin dini-discount yun.

“Pero pinaka-pinaka-pinaka sa lahat talaga is Nida Blanca. Iba si Tita Nida, iba yung atake ni Tita Nida, yung timing ni Tita Nida.

“After ni Tita Nida, si Ms. Maricel Soriano, noong nagko-comedy pa siya. Kasi ‘yung taray, medyo nagwo-work sa akin ‘yung taray na dating, yung astig- astig. So, parang parehas kami. Tina-try kong hanapin yung formulang magwo-work sa akin.”



EUGENE AS MENTOR. Nabanggit ni Tuesday na close sila ni Uge at isa ito sa mentor niya. Paano kung sila ang maglaban ni Uge pagdating ng Golden Screen Awards ng ENPRESS na may category na Best Comedy Actress?

“Oo nga, pero sport naman yung si Ate e,” nakangiting saad ng komedyana.

“Kami naman ano… e, walang kompetisyong nagaganap sa amin, kasi magkaibigan talaga kami ni Ate.

“More than anything, marami akong natututunan sa kanya kapag nagkukuwentuhan kami, madami siyang sine-share na mga set of experiences na nakatulong sa akin, ganoon.

“So, ano ko siya, isa sa mga mentors ko ‘yang si Ate,” paliwanag ni Tuesday.

Dagdag pa niya, “Una kong nakasama si Ate Uge sa unang-una kong sitcom sa [ABS-CBN], sa Ang Tanging Ina. Siya yung kumare ni Ms. Ai-Ai, tapos ay ampon niya ako, 2005 iyon.

“Tapos nagkasama kami sa mga movies, kung ano-anong movies.

"Saka kapitbahay ko kasi siya. So, doon kami naging close, doon sa dati kong tinitirhan, sa Capitol, sa Goldfields.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siya yung nagturo sa akin kung paano mamuhay ng mag-isa, kasi dati nakikitira lang ako sa bahay ng Tita ko noong nagsisimula pa ako. Si Ate Uge maraming na-impart sa akin iyan na mga importanteng life lessons, hindi lang tungkol sa Calculus,” pabirong wika pa niya.

Sa tingin mo, tuloy tuloy na ba ito tulad ni Eugene na nang nabigyan ng break ay nagtuloy tuloy na siya?

“Sana, alam mo pangarap ko rin na tumabo talaga sa takilya. Hindi lang indie, alam mo kahit anong opportunity, puwede, raketin natin lahat habang bata, go!”

Hindi ba nagselos sa pelikulang ito ang mister mong si Coy Placido dahil parang sweet na sweet kayo rito ng leading man mong Amerikano?

Tumawa muna ang aktres bago sumagot, “Hindi, mabait kasi ito [referring to her leading man Travis Kraft] e, sobrang bait. Saka yung mister ko hindi yun ganoon. Actually, pinapabayaan nga ako nito, e, ipinamimigay na… yung ganoon,” nakatawang saad pa ng komedyana.

Sa tingin mo kung walang mga indie, hindi ka magiging bida or darating din talaga sa iyo yun?

“Alam mo sa totoo, oo, parang ganoon na ‘ata. Buti na lang may CineFilipino!” pabungisngis na tugon ni Tuesday.

“Pero alam mo, hindi ko naman din inaano yung sarili ko na parang magpapaka-humble ka para i-admire ka ng mga tao. Parang feeling ko kasi, ang dami na namin sa parehong linya, maraming komedyante na babae na marunong kumanta na medyo paseksi… ganito, ganyan…

“Pero ang gusto kong baguhin, kailangan maging thinking actors din tayo at the same time. As much as we’d like to entertain, more importantly, we have to educate, we have to uplift the moral of the masses and, of course, yung milieu ng intellectual capacity ng Filipinong manonood, na hindi lang isang topic ang pinag-uusapan… Walang taboo, walang off the record na pag-uusap. Kailangan brash, straight forward, punong-puno ng trust.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi doon mo mage-gain yung totoong following na mate-treasure mo bilang performer. Kasi naniwala sila sa capacity mong buong buo, hindi lang dahil malaki boobs mo o kaya maputi ka… Ganun, dahil buo ka, buo kang actor,” mahabang esplika pa ng aktres na mapapanood din sa show ng TV5 na pinamagatang Tropa Mo Ko, Unli with Ogie Alcasid at Gelli de Belen.

Umaasa ka ba na isang araw ay mahahanay ang pangalan mo kina Nida Blanca, Nova Villa, Maricel Soriano… na pawang kinilala ang galing bilang comedienne?

“Siguro po sa panaginip lang muna yun sa ngayon. Pero ‘pag nangyari yun, grabe yun, grabe yun talaga! Sobrang matutuwa po ako ng sobra-sobra…

“Basta ako kasi, kahit maliit na trabaho, kahit hindi ‘yan publicized masyado… Kahit ano, basta trabaho, ginagawa ko talaga lahat ng puspusan, ganoon ako magtrabaho,” pagtatapos ni Tuesday.

Bukod kay Tuesday, ang pelikulang Ang Turkey Man Ay Pabo Rin ay tinatampukan din nina Travis Kraft, Julia Clarete, Cai Cortez, JM de Guzman, at iba pa mula sa direksiyon ni Randolph Longjas.


Ang 1st Cine Filipino Festival ay spearheaded ng PLDT-Smart Foundation, MediaQuest, Studio 5 at Unitel Entertainment.


Mapapanood ang 8 entries mula September 18-24, 2013 sa Newport Cinemas ng Resorts World Manila, Lucky Chinatown Mall at Gateway Cineplex. Mapapanood rin ang mga entries sa Shang Cineplex ng Shangri-La Plaza Mall mula September 21-22.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN