Ely Buendia directs Megan Young and other stars for crime drama anthology film Bang Bang Alley

Former Eraserheads member Ely Buendia wrote, directed and starred in one of the segments of Bang Bang Alley. This crime drama anthology film also stars Megan Young (right).


“Not bad for a first try!”

Ito ang naibulalas ni Ely Buendia pagkatapos ng world premiere ng Bang Bang Alley kagabi, Setyembre 19, sa Adarna Theater ng UP Diliman.

Ang Bang Bang Alley ay ang pelikulang iprinodyus ni Ely at co-directed with Yan Yuzon at King Palisoc under Curve Entertainment Inc. at Nimbus Film Production. Mula sa pagiging sikat na singer-songwriter at band frontman, ngayon ay isa nang certified filmmaker si Ely.

Noong 2009, gumawa na ng short film si Ely na ang titulo ay Waiting Shed ngunit ang Bang Bang Alley ang first full-length film niya.

Napuno ang Adarna Theater ng mga manonood kaya naman tuwang-tuwang si Ely nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng event. Agad naming kinumusta ang pakiramdam niya ngayong naipalabas na ang kanyang debut movie bilang isang filmmaker.

“Relieved at masaya siyempre. Well, hindi pa ito tapos, may mga aayusin pa kami. Pero so far okay naman yung reception so, we’re happy,” sabi ni Ely.

Kasama ang shooting at post-production, inabot din daw ng mahigit sa isang taon para mabuo ang Bang Bang Alley. Ngayong nasimulan na niya, tuloy-tuloy na ba ang paggawa niya ng pelikula?

“Tignan natin kung ano ang mangyayari rito.”

Sa ngayon inaayos na nina Ely para maipalabas sa mga commercial cinemas ang Bang Bang Alley. Kung magtuloy-tuoy man ang paggawa ng pelikula ni Ely, hinding-hindi naman daw niya iiwanan ang musika at pagkanta, na mahal na mahal niya. Sa katunayan, siya ang gumawa ng soundtrack at original score ng pelikula.

PRODUCER-DIRECTOR-WRITER-ACTOR IN ONE. Bukod sa pagiging producer ng Bang Bang Alley at director ng isang episode nito, writer at may short appearance din si Ely bilang aktor. Gaano kahirap pagsabayin ang mga ito?

“Well, medyo matrabaho pero no choice, e. It’s an independent movie, lahat ng pwede at kaya mong gawin, gagawin mo na para mabuo. Pero it was a challenge.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat si Ely sa kanyang executive producers mula sa Curve Entertainment na sina Narciso Chan, Vic Valenciano at Rudy Y. Tee sa pagtulong sa kanya para mabuo ang pelikula.

Ano ang nagtulak kay Ely para gawin ang pelikula?

“Matagal na akong mahilig sa pelikula. I took up Film naman in college. Ngayon lang ako medyo nagkaoras para i-pursue ko itong isa ko pang interest.”

Napagalaman ng PEP na maganda raw ang feedback na nakuha ng Bang Bang Alley mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nang ipa-screen ito para sa premiere. Ano ang masasabi ni Ely dito?

“Oo, balita ko nga e nagustuhan nila. It’s always nice to get compliment especially from the MTRCB.”

Ang Bang Bang Alley ay isang crime drama anthology na binubuo ng tatlong episodes plus ang prologue na My Way with Jimmy Santos at Telay Robles. Ang unang episode na "Aso’t Pusa’t Daga" ay tungkol sa isang journalist na naka-survive sa political massacre. Idinirek at isinulat ito ni Yan Yuzon at tampok sina Bela Padilla, Joel Torre, Art Acuña, at si Yan din mismo.

Ang pangalawang episode na "Makina" ay tungkol sa isang massage parlor driver na aksidenteng nakabundol ng isang matanda at lalong gumulo ang buhay nang madiskubre niyang niloloko siya ng asawa. Idinirek ito ni King Palisoc, isinulat ni Zig Marasigan, at kinatatampukan nina Gabe Mercado, Kalila Aguilos, Althea Vega, Alex Medina at Bombi Plata.

Ang pangatlong episode na idinirek at isinulat ni Ely ay ang "Pusakal," na tungkol sa isang ate na dahil sa epekto ng droga ay nagawang mapatay ang lalaking bumugbog sa kanyang kapatid. Nagtago siya sa probinsiya, kung saan nasangkot siya sa panibagong gulo. Kasama sa cast sina Megan Young, Perla Bautista, at may special participation si Ely mismo.

MEGAN YOUNG. Dahil kasama sa cast si Megan, tinanong ng PEP kay Ely kung kumusta naman katrabaho ang isang beauty queen na kinorohan kamakailan lang bilang Miss World Philippines 2013. Nakatakdang lumaban si Megan sa Miss World 2013 na gaganapin sa Bali, Indonesia sa Setyembre 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, noong katrabaho ko siya hindi pa siya beauty queen. So, kumbaga swerte na nakuha namin siya bago pa siya sumali sa Miss World. But she was very, very professional and masayang-masaya ako sa trabaho niya sa movie.”

May message ba siya kay Megan?

“Sayang hindi siya nakapunta ngayon. I know she has a lot of things going on right now as representative of the Philippines. We’ll support you and pray for you to win the honor for the country.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN