Lemuel Pelayo on his bed scenes with Ricardo Cepeda: "First and last daring role ko na ito."

Lemuel Pelayo (in photo) shot steamy kissing scenes and bed scenes with Ricardo Cepeda for the Romy Suzara film Tinik.



Ginulat ng model-turned-actor na si Lemuel Pelayo ang mga nanonood ng indie film na Tinik dahil sa mga maiinit na eksena niya kasama si Ricardo Cepeda.

Ang Tinik ay isa sa entries nang katatapos lamang na Sineng Pambansa National Film Festival: All Masters Edition at directorial comeback ni Romy Suzara.

Nakilala ang batikang director na si Romy Suzara noong early ‘70s dahil sa kanyang mga sex-drama at action-drama. Kabilang sa mga pelikula niya ay Dugo at Pag-ibig sa Kapirasong Lupa, Laruang Apoy, Mga Bilanggong Birhen, Salonga, Sa Init Ng Apoy, Pepeng Shotgun, I Confess, Babalik Ka Rin, Mga Uod at Rosas, Sana Bukas Pa Ang Kahapon, Somewhere, Idol, Bingbong: The Vincent Crisologo Story, Lagalag: The Eddie Fernandez Story, Matrikula, Sutla at Syota ng Bayan.

Naging box-office director din si Direk Romy ng gawin niya ang mga pambatang pelikula tulad ng Sarah... Ang Munting Prinsesa, Cedie at Kokey.

Huli niyang nagawang pelikula ay ang Hiram noong 2003.

First time gumawa ni Direk Romy ng isang gay-themed movie pagkatapos nang mahigit na sampuang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula.

Ayon kay Lemuel, noong i-offer sa kanya ang role bilang lover ni Ricardo Cepeda, nagkainteres siya at gusto nga niyang subukan ang ganitong role.

Hindi naman daw naging mahirap na mapapayag siya na gawin ang movie kahit na sobrang daring ang mga eksena nila ni Ricardo.

“Napapayag ako kasi sobrang ganda ng story," ani Lemuel.

“At siyempre pagbabalik ito ni Romy Suzara sa pagdidirek kaya malaking challenge ito para sa akin bilang actor.

“Ilang taon pa lang ako sa trabahong ito at first time akong gagawa ng ganitong movie.

“Mga nagawa ko na kasi before mga serious drama, horror at comedy. Para maiba naman, ginawa ko itong Tinik,” kuwento pa ni Lemuel nang makapanayam namin siya via Facebook messaging.

Ang unang pelikula ni Lemuel ay ang indie comedy na D’Survivors in 2010. Nasundan ito ng indie dramas na Chassis and Romeo at Juliet. Ginawa rin niya ang romance-comedy na My Cactus Heart (kunsaan gumanap siya bilang gay brother ni Maja Salvador), The Reunion, Boy Pick-Up: The Movie at ang huli ay ang horror film na Amorosa.

Inamin ni Lemuel na medyo kinabahan nga raw siya noong kunan na ang lovemaking nila ni Ricardo sa Tinik.

Pero naging professional naman si Lemuel at ayaw niyang mapahiya sa kanyang makakasama sa eksena.

“Nag-uusap naman kami ni Mr. Ricardo Cepeda tungkol sa eksena namin. Bukod kasi sa may kissing scenes kami, may bed scene pa.

“E, kahit pala siya, never pa niyang nagagawa ang gano’ng mga eksena ever since na nag-artista siya.

“Kaya pareho kaming first-timer sa paggawa ng ganitong klaseng gay indie film.

“Tinulungan naman kami ng husto ni Direk Romy. Sobrang bait niya at nirerespeto niya ang mga suggestions namin ni Mr. Ricardo.

“Kung may scene na hindi namin masyadong kayang gawin, kakausapin ni Direk yung writer at pinapahanapan niya ng ibang alternatibo.

“Nakakabilib ang pagiging open-minded ni Direk Romy. Tsaka ayaw niyang hindi kami kumportable ni Mr. Ricardo sa eksena.”

Dahil sa nasimulan na nga ni Lemuel ang pagiging daring sa pelikula, tatanggap pa kaya siya ulit ng mga ganitong klaseng roles sa mga susunod niyang movies?

“Hindi na rin siguro. Kumbaga, first and last daring role ko na itong ginawa ko sa Tinik.

“Nakatanggap nga ako ng mga tweets at text na ginulat ko raw sila. Gano’n na raw pala ako ka-daring.

“Sinubukan ko lang naman ang role na ito. Tsaka hindi lang naman si Ricardo Cepeda ang naka-love scene ko rito. May babae naman akong naka-love scene sa Tinik, si Alexis Navarro. Kaya balanse naman.

“Gusto ko lang naman na ma-test yung edge ko sa pag-arte kaya ginawa ko itong Tinik. Nagawa ko naman kaya move on na tayo sa susunod pang mga roles.

“Marami namang magagandang roles pa na puwede kong gawin sa mga indie films.

“Hindi lang naman ang pagiging daring ang kaya kong gawin,” diin niya.

Mas gustong maging busy ni Lemuel sa TV dahil matagal-tagal din daw siyang nabakante sa paggawa ng teleserye.

“Yung huling ginawa ko was Kahit Puso’y Masugutan. Bago iyon ay yung Pintada at Angelito: Batang Ama.

“Magkakasunod yung tatlong iyon. Ngayon wala pa tayong bago.

“Nandiyan pa rin naman ang mga trabaho natin sa modeling kaya hindi naman tayo mababakante.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN