Kapuso star Marian Rivera amazed by how Star Cinema promotes its films

Will Marian Rivera be open to producing another movie after Kung Fu Divas? She replied with a laugh, “Hindi ko pa masasagot ‘yan. Kapag kumita ito, baka hindi ako madala, baka ulitin ko!”


Malaki ang tiwala ni Marian Rivera sa pelikulang Kung Fu Divas kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na maging isa sa mga producer nito.

Bagamat ito ang unang pagkakataon na magiging producer siya ng isang pelikula, tila hindi naman masyadong kinakabahan si Marian dahil, aniya, “Nakaka-proud kasi iisipin mo, ito pa lang yung trailer...

“Kapag pinanonood mo yung buong pelikula sa sinehan, talagang maa-amaze kayo.

“Talagang sasabihin ninyo, ‘Nakaka-proud naman ang Pinoy. Nagagawa na ito ngayon ng Pinoy.’

“Nakaka-proud kaya sasabihin ko talaga na malaki ang tiwala ko sa proyekto na ‘to at talagang isa sa maipagmamalaki kong pelikula na nagawa ko talaga.”

Dahil sa Kung Fu Divas, marami raw natutunan si Marian bilang first-time producer.

“To be honest, yug experience ko bilang producer, iba rin pala.

“Bilang artista, oo, ibibigay mo yung 100 percent mo, makikisama ka, makikitungo ka sa mga bagay-bagay.

“Pero kapag producer ka pala, minsan may mga idadagdag ka na, ‘Direk [Onat Diaz], okay lang po ako, ha. Kaya ko pa, Direk, ha.’

“Kumbaga, mas more on nagiging ano ka na sa trabaho mo, mas ibinibigay mo pa kung ano ang kaya mong ibigay, hanggang huling hininga mo ibibigay mo kasi producer ka.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Marian sa ginanap na blog conference para sa Kung Fu Divas kahapon, September 12.

Nang tanungin ng PEP kung masusundan pa ang pagpo-produce niya ng pelikula, napangiti si Marian at sinabing, “Hindi ko pa masasagot ‘yan. Kapag kumita ito baka hindi ako madala, baka ulitin ko.”



CROSSING OVER. Samantala, natutuwa naman ang binansagang Primetime Queen ng GMA-7 dahil may mga ganitong pagkakataon kung saan nakakatrabaho niya ang mga taga-ABS-CBN.

Sa pelikulang Kung Fu Divas, makakasama niya bilang lead actress din ang tinaguriang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas. Bilang producer naman, bahagi rin ang movie outfit ng ABS-CBN na Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Marian, “Alam naman nating lahat na mas maganda nga ‘yon.

“Natutuwa ako na may ganitong pagkakataon ang ibinibigay sa mga artista sa kabila para makatrabaho ang kabila.

“Parang nakikita ng mga tao na may kumpetisyon, alam na natin ‘yan.

“Pero dahil sa mga ganitong pangyayari, nawawala yung [network] war.

“Ibig sabihin, nagkakaisa tayo para maging maganda yung proyekto, magkasundo-sundo.

“Hindi ito yung pagkakataon na kailangang magpatalbugan sa soap opera.

“Kaya nagpapasalamat ako na may ganitong pagkakataon, at least hindi lang ako bilang artista.

“Malay n’yo, marami pang taga-Siete ang makatrabaho ng Star Cinema.”

Kaugnay nito, naging masaya rin si Marian sa naging pakikitungo ng Star Cinema sa kanya.

Aniya, “Wala akong masasabi kundi ang sarap nilang magmahal. Mararamdaman mo na walang ilang factor. Mabait sila.

“At saka ano, iba sila magtrabaho. Iba yung proseso nila kung paano ang gagawin nila para i-promote ang pelikula. Naa-amaze ako sa kanila.

“Sabi ko nga kay Direk kahapon, kasi nandito rin ako kahapon, ‘Ang galing ng Star Cinema. Alam mo kung bakit laging bumabalik sa kanila at bakit successful talaga sila.’"



INFLUENCED BY BOYFRIEND DINGDONG? Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na bago si Marian, nauna nang nakipagtrabaho sa ABS-CBN ang boyfriend niya at kapwa Kapuso star na si Dingdong Dantes.

Ang independent film studio ni Dingdong na AgostoDos Pictures ay co-producer ng Star Cinema sa pelikulang Segunda Mano (2011), na pinagbidahan din ng aktor kasama si Kris Aquino.

Noong nakaraang taon, bahagi naman si Dingdong sa pelikulang One More Try, na iprinodyus ng Star Cinema.

Sa kabila nito, itinanggi ni Marian na naimpluwensiyahan siya ni Dingdong para maging producer.

Sabi ni Marian, “Hindi ko po alam kung paano ipapaliwanag, ilalatag lahat sa inyo.

“May kanya-kanya kaming buhay ni Dong, e.

“Kami-kami kapag as girlfriend niya ako. Pero may kanya-kanyang trabaho kami. Hindi yung, ‘Okay na ‘to, ha.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaki ang tiwala namin sa bawat isa.

“Kung ano ang gusto naming gawin, susuportahan namin ang bawat isa.

“Pero hindi ibig sabihin na dinidiktahan namin ang bawat isa o kung ano ang gagawin namin.

“Itong pelikulang ito, diretso sa amin si Direk, kinausap ako, ako mismo sa sarili ko ang nag-decide, ‘Ay, gagawin ko ito, napakagandang pelikula.’”

Sa kabila nito, agad naman niyang sinabihan si Dingdong tungkol sa proyekto.

“After niyan, nag-usap kami, nag-lunch kami together, in-open ko sa kanya, ‘Alam mo may offer sa akin, kinuha ko.’

"‘Ay, maganda ‘yan.’

“Ganun ang kami sa relationship naming dalawa na mahirap ipaliwanag sa ibang tao,” sabi ni Marian.

Diin pa niya, "‘Yon ang importante sa akin, may respeto kami sa bawat isa, lalo na sa kanya-kanyang career.

"Mahirap matali ng Marian and Dingdong together, so may kanya-kanya din."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN