Neil Arce co-produces Robin Padilla's MMFF entry 10,000 Hours, which was partly shot in Amsterdam

Neil Arce (left) is a co-producer of the Metro Manila Film Fest entry 10,000 Hours, which stars Robin Padilla (right). Neil reveals that they partly shot this movie in Amsterdam.


Masayang ibinalita ng young movie producer na si Neil Arce ang maayos na daloy ng shooting ng 10,000 Hours, ang Metro Manila Film Fest entry na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Isa si Neil sa mga producers ng nasabing movie na dinidirehe ni Bb. Joyce Bernal.

“Okay naman, medyo nakakapagod lang. Kulang kasi ng tao, so producer-slash-clapper-slash-boom man ako," kuwento ni Neil sa naging trabaho niya nang mag-shoot sa Amsterdam ang ilang cast and crew ng 10,000 Hours.

“Kasi halos twenty lang kaming lumipad; lima, anim lang ata yung artista. Yung mga babaeng kasama namin, naging make-up artist na rin. So, tulung-tulong na lang,” kuwento ng controversial na producer.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil sa joint birthday party ng tabloid entertainment editor na si Dondong Sermino at showbiz columnist na si Jun Nardo, noong September 18 sa Imperial Palace Condotel sa Tomas Morato.

Patuloy niyang kuwento, “Si Mariel [Rodriguez, misis ni Robin] sumunod na lang after the shooting. Siyempre, yung shooting ni Tito Robin from seven a.m. to 10, 12 [nang gabi]. E, halos lahat ng eksena sa kanya. So, hindi siya masyadong [nakakapagpahinga].

Ibinalita rin ng producer na kasama ang girlfriend niya at GMA-7 actress na si Bela Padilla sa movie: “Marami siyang eksena siya doon. Mga action scenes. If you check her Instagram may mga konting videos.”

Si Neil ay dating kasintahan ni Maxene Magalona.

Ang tanong, matatapos na ba ang movie na 10,000 Hours, considering na may planong mag-back out ang ilan sa mga official entries para sa taong ito ng MMFF?

“Sana, kasi three shooting days na lang kami,” ang nangingiti niyang sagot.

Ibig sabihin kayo ang unang matatapos?

“I think so. Hopefully, by the end of the month matatapos na kami.”

May time pa ba post production na mapaganda ang movie ninyo?

“’Yan ang objective namin. January pa lang nagpi-prepare na kami. Nag-start kami middle of June. Tuloy-tuloy naman [hanggang ngayong September], pati ang weather mabait sa amin. Kahit bumabagyo, wala naman kaming [aberya].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang sumabak si Neil bilang movie producer sa indie film na Coming Soon, na pinagbidahan nina Boy2 Quizon, Glaiza De Castro, Cholo Baretto, Dominic Rocco, Carla Humphries at Andi Eigenmann.

Paliwanag ni Neil kung paano siya na-enganyo na muling mag-produce ng pelikula: “This one [10,000 Hours] landed in our laps lang talaga. The concept was good. It’s a business opportunity. It was hard to say no. Basically, I’m a fan of movies.”

Dagdag pa niya, “So, hopefully, we can make a good movie.”

Hindi kaya dahil kay Bela kaya niya pinasok ang full-length movie production?

“No, Coming Soon was way before I met Bela,” diin niya.

Sa ngayon, hindi pa niya masabi kung ipagpapatuloy niya ang pag-produce ng movies.

“Well, hindi ko alam. Pero right now mahirap. Kasi karamihan ng mga production company may buong batalyon ng staff. [Kami], ayan si Boy 2, kami-kami lang.”

Ano naman ng reaksyon ng pamilya ni Neil sa pagpasok nito sa showbiz bilang producer? Si Neil ay anak ng may-ari ng Arce Dairy Ice Cream.

“Well, my family is very supportive of me. [They know] I’m doing this in good faith; we are all doing this in good faith. And we’re giving jobs. Yung theme ng movie, maganda naman. Siyempre, full support sila.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, tinanong ng PEP.ph si Neil kung ano ang meron sa relasyon nila ni Bela na nakakapagpasaya sa kanilang dalawa?

“Compatibility. We’re very compatible. Ahm, we can talk for 10,000 hours na walang putol. Kasi communication is very important,” ang mabilis niyang sagot.

Isang taon at apat na buwan na raw tumatakbo ang relasyon nila ni Bela, ayon pa rin kay Neil.

Kapansin-pansin rin ang biglang pagharap niya sa kamera, isang bagay na never niyang pinayagan nuong sila pa ni Maxene.

Paliwanag niya, mahiyain siya at “naiilang pa rin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya lang, sabi niya, “it’s my business and I’ll do anything to promote [10,000 Hours].”

Alam naman raw ni Neil na hindi kumita ang Coming Soon at okay lang ito sa kanya.

Saad pa niya, “It was indie and we didn’t expect anything from it. Ang nagastos lang namin sa marketing, wala pa sigurong three hundred [P300,000]. If it was good, then it’s good. Marami kaming mistakes, but we learned. ‘Yun ang importante.

“Ang iniisip ko lang ngayon is 10,000 Hours,” pahabol pa niya.

Naging controversial kamakailan si Neil nang maakusahan siya ng pananakit at pagbabanta ng entertainment editor na si Joey Sarmiento.

Base sa salaysay ni Joey, sinaktan siya at pinagbantaan ni Neil nang makita siya nito sa shooting ng nasabing movie ni Robin.

Ang pinag-ugatan ay ang diumano’y naisulat niyang artikulo na matagal nang lumabas at naalala lang ito ni Neil nong makita niya si Joey sa set ng 10,000 Hours.

Sa kanyang statement, mariin na pinabulaanan ni Neil ang pananakit kay Joey. Sinabihan lang daw niya itong umalis sa location ng shooting dahil pilit siyang hinihingian nito ng pera.


(Read: Entertainment editor files charges against Bela Padilla's boyfriend; Neil Arce denies accusations)

Nais sana naming makibalita kay Neil sa development o update ng issue nila ni Joey lalo’t nagsampa na ito ng kanyang reklamo.

Ilang araw matapos ang kanilang engkuwentro, nagkaharap at nagkausap na ang dalawa. Yun nga lang wala pang follow-up sa muli nilang paghaharap, kung itutuloy pa ba ang kasong isinampa ni Joey at kung ano ang magiging hakbang ni Neil kung sakali?

Nakiusap sa PEP.ph si Neil at sa isang TV5 showbiz correspondent na huwag na lang siyang tanungin tungkol sa issue nila ni Joey.

Kaya naman ang naging tanong naming kay Neil, ngayong nakatikim na siya ng controversy sa showbiz, sapat na ba ito para mawala siya ng gana sa pagpu-produce ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, fighter ako, e. Ibig kong sabihin, I will try to succeed. Yun na yun,” ani Neil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN