Mocha Uson on Mga Alaala ng Tag-Ulan: "Proud ako sa pelikulang ito na kahit walang hubaran, very challenging."

In Mga Alaala ng Tag-ulan, sexy actress Mocha Uson is paired with Artista Academy alumnus Akihiro Blanco.


Napatunayan ni Mocha Uson na hindi pala niya kailangang maghubad sa pelikula para mapabilang siya sa listahan ng mga nominado para sa isang local film festival competition.

Bida si Mocha at si Akihiro Blanco sa indie film na Mga Alaala ng Tag-ulan, isa sa mga entries sa 1st CineFilipino Film Festival.

Hindi man binasa sa awards night ng Cine Filipino ang pangalan ng mga nominado sa kategoryang ito automatic namang sila ang mga pinagpipilian.

Kalaban ni Mocha sa kategoryang best actress si Nora Aunor para sa Ang Kwento ni Mabuti. Pero nasungkit ng dalagitang si Teri Malvar ang award dahil sa portrayal niya bilang batang lesbian sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita.

(Read: Superstar Nora Aunor is fine with losing CineFilipino Best Actress trophy to 13-year-old newcomer)


Sinabi ni Mocha sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) gusto naman raw niyang maranasan na hindi siya naghuhubad sa pelikula. Nakausap namin siya kamakailan sa Cine Filipino awarding ceremony na ginanap sa Genting Club, Resorts World Manila.

“Eto, proud ako sa pelikulang ito na kahit walang hubaran, very challenging. It tickles the mind. Hindi siya [referring to her character] nagpakita pero merong sensualidad.

“Sobrang nanibago lang ako kasi yung mga nakalipas na indie films ko, bomba! Pero, eto, conservative.”

Anong naging reaksyon ng mommy ni Mocha nang napanood ang movie niya?

“Ayun, very proud ang nanay ko. First time kong gumawa ng pelikula na hindi natanggal sa sinehan, saka R-16.”

Masasabi ba niya na isa na siyang aktres matapos niyang gawin ang ganitong klaseng pelikula?

“Sabi ni Direk Ato, oo raw!” banggit ni Mocha sa direktor ng pelikula nila na si Ato Bautista.

“Kasi eto ngang kalidad na film na ito at first time ko pang makasama sa film festival kaya...siguro I can consider myself now as an actress because of the people I’ve worked with like sina Direk Ato Bautista, magaling na aktor na si Mon Confiado, Akihiro Blanco, Lance Raymundo, Issa Litton, Ria Garcia and Pio Balbuena. So, happy na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mamimili na ba siya ng roles na hindi dapat laging naghuhubad siya?

“Oo, dapat may laman at very challenging tulad ng role ko dito na sobrang opposite kung sino talaga si Mocha. Yun na ang gusto kong gawin in the future.”

Ibig sabihin ba nito hindi na maghububad si Mocha sa future projects niya?

“Ako kasi wala akong limitasyon pagdating sa hubaran. Basta, artistic, may laman, may istorya.”

Nililinaw ni Mocha na kahit gumagawa siya ng indie films, hindi niya iiwan ang kanyang grupo na Mocha Girls.

“Gusto ko pang ma-discover yung iba ko pang talent sa acting. Kasi nag-enjoy ako sa paggawa ng pelikulang ito. Sana maka-experience ko pa yung ganitong klase ng movie.”

Hindi ba niya naisip o naglaro sa utak niya na binyagan off-camera si Akihiro? Ang tema kasi ng pelikula nila ay tungkol sa sexual awakening ng isang binatilyo.

Natawa si Mocha bago sabihing, “On-cam lang tayo, hindi off-cam.

“Hindi ko naisip yung ganon kasi baka magalit yung mga Chanel-Aki fans [team-up nina Chanel Morales at Akihiro na nabuo sa Artista Academy]. Ayoko namang sabunutan nila ako.”

Ano ba ang nakikitang katangi-tanging character kay Akihiro nong ginagawa nila itong movie?

“Yung pagiging professional niya. Kahit pagod na siya kasi 24 hours na kaming nagsu-shooting pero 100 percent pa rin niyang ibinigay yung kanyang performance.

“Kaya nga nakakagulat dahil at a young age, napaka-professional niya saka magaling na artista.”

Ano ang kaibahan ng mga nakakasama niyang bagito gaya ni Akihiro sa mga nakasama na niyang beterano sa pelikula?

“Siyempre, mas exciting yung sa mga virgin kasi hindi mo alam kung ano ang mangyayari? Parehong nagkakapaan. Tapos hindi mo alam, ay, ang galing pala.

“Hindi na niya kailangan ng lesson kasi nag-rehearse na rin siya. Magaling siya sa performance niya, grabe.”



BREAST CANCER ADVOCACY. Nabalita noon na may sakit na cancer ang ina ni Mocca.

Kamusta na ang mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting pagbabalita ng sexy singer, “Okay naman si mommy. Three years na siyang cancer-free. At sa October may Breast Cancer Awareness [month] sa St Luke’s Cancer Institute. So, magpa-participate tayo dun at ang Mocha Girls.”

Patuloy pang pahayag ni Mocha, “Thankful ako dahil cancer-free na siya at sa October magiging active ako sa mga breast cancer awareness. Tutulong tayo sa foundation. At sa pagtulong sa mga breast cancer patients.”

May mga precaution ka bang ginagawa para maiwasan ang pagsulpot ng cancer sa iyo?

“Yes, nagsi-self breast exam, yung ultrasound ng breast at sa mga shows ng Mocha Girls, pinapaalahanan ko rin yung mga kababaihan to also examine their breasts. Because, early detection is the only the key to prevent breast cancer.”

Paano kung nadiskubre niyang katulad ni Angelina Jolie ang level ng posibilidad nang pagkakaroon niya ng breast cancer?

“Kung talagang more than eight percent, siguro gagawin ko rin yung ginagawa ni Angelina Jolie. Pagkatanggal, e, di magpapalagay ng mas malaki.

“Actually all women are at risks of breast cancer. Kung mangyayari yun sa atin siguro may purpose. So, gagawin ko yung ginawa ni Angelina Jolie para maligtas yung buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN