Ping Medina did not expect Transit to be chosen as Philippine entry for 2014 Oscars

Actor Ping Medina did not expect Transit to be chosen as the Philippine entry for the 2014 Oscars: “Actually, nasurpresa kasi iniisip ko talaga On The Job, e. Yun yung ine-expect ko. So, nung nabasa ko sa Twitter kasi nakita ko yung tweets ng mga production ng Transit. Sobrang nagulat talaga ako. Na-stun ako for like five minutes, yun dina-digest ko. Tapos bigla ‘o, wow kami napili!’”&


Sunud-sunod ang pasok ng projects ngayon para sa aktor na si Ping Medina. Pagkatapos ng Cinemalaya indie film na Transit, dalawang TV projects ngayon ang kasalukuyang pinagkakaabalahan ng indie film actor.

Last September 24, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ping sa press conference ng pinakabago niyang project sa GMA News TV, ang Philippine Book of Records, na ginanap sa Pivo Bar sa Ortigas Complex, Pasig City.

Hindi mapigilang ibahagi ni Ping ang kanyang tuwa dahil sunud-sunod nga ang mga biyayang dumating sa kanya kahit malapit nang matapos ang taon.

Aniya, “Very happy… I’m very happy right now. Very blessed na talagang ewan ko, kung napapansin niyo naman.”

“Mas healthy yung dating ko ngayon kasi nanggagaling ‘yan sa—I’m in a good place right now.

Bukod sa Philippine Book of Records, kabilang din si Ping sa cast ng romatic-comedy series ng GMA Network, ang Prinsesa Ng Buhay Ko. Makakasama niya rito sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, at Renz Fernandez.

Ayon sa aktor, kakaibang Ping Medina raw ang makikita ng tao dahil ibang karakter naman ang gagampanan niya dito.

Kuwento ng aktor, “Isa pang challenge yun for me this year for me kasi light comedy lang. Pati yung character ko, hindi siya seryoso at all.

“So, medyo makikita niyo ako dun na magko-comedy. Although yung directive sa ‘min ni Direk Dondon Santos is ‘Comedy tayo pero ‘wag kayong magpapatawa.’

“Kailangan manggaling yung humor sa sitwasyon dun sa eksena.”

Paano naman niya napagsasabay ang dalawang programa?

Sagot ni Ping, “Hindi ko rin alam, e. Tamang pacing lang, tamang pacing lang at I do not bite off more than I can chew.”


(Read: Ping Medina will feature Filipino record-holders on his new program, Philippine Book of Records)

THE OSCARS. Isa pang biyayang hindi inaasahang dumating ni Ping ay ang pagkapili ng Transit bilang official entry in Pilipinas para sa Foreign Language Film category ng 2014 Oscars. Kasama ni Ping sa pelikulang ito sina Jasmine Curtis Smith, Irma Adlawan, Mercedes Cabral, at child actor Marc Justine Alvarez.


Si Ping ang gumanap na kapatid ng karakter ni Irma at tito ng karakter ni Jasmine. Dahil sa isang batas na pinatupad sa Israel, may panganib na ma-deport mula sa Israel ang kanyang anak na ginampanan ni Marc Justine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, nasurpresa kasi iniisip ko talaga On The Job, e. Yun yung ineexpect ko,” kuwento ni Ping sa PEP.

Dagdag pa ng aktor, “So, nung nabasa ko sa Twitter kasi nakita ko yung tweets ng mga production ng Transit. Sobrang nagulat talaga ako. Na-stun ako for like five minutes, yun dina-digest ko. Tapos bigla ‘o, wow kami napili!’

“So, very unexpected, very pleasant surprise for us.”

Makakalaban ng Transit ang pelikulang Metro Manila na entry ng United Kingdom habang Ilo Ilo naman ang film entry Singapore para sa Oscars.

Ngunit ayon kay Ping, mas natutuwa siya dahil tatlo ang maituturing na entry ng Pilipinas para sa Oscars.

Aniya, “Actually, nakakatuwa siya kasi parang may tatlong Philippine entries for the Oscars.

“Yun nga lang, entries ng UK at Singapore. So, I don’t really see it as competition. Mas natutuwa ako na ang daming interested na mga banyaga sa ating culture.

“At gumagawa sila ng pelikula dito.”

Ikinatutuwa rin ng Transit star ang pagdistribute at pagpoproduce ng indie films ng malalaking film outfits gaya ng Star Cinema. Isa ang Star Cinema sa co-producers ng pelikulang On The Job.

“Masaya ako na ginagawa nila yun kasi it means na they’re open to new material,” bahagi ng aktor.

Dagdag pa niya, “They’re open to experimenting new material with the audience and masaya ako para sa Star Cinema.

“Kasi naging successful yung theatrical run ng On The Job. Umabot siya ng tatlong linggo kahit isa siyang—ano siya e, PG-16 yata siya.

“Kasi may nudity, may ganun. Pero kahit ganun siya, successful yung run commercially and critically.

“So, I fully support the big studios producing films like that and distributing films like that.”


PASSION FOR WRITING. Samantala, naibahagi rin ni Ping sa PEP at sa iba pang miyembro ng press na sinusubukan niyang muling tahakin ang pagsusulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ping sa PEP, “Ako naman, bago talaga ako maging actor, gusto ko talagang maging film writer. As in, pelikula talaga, writer ng pelikula.

“Tsumamba lang ako dahil dun sa [Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros]. Nagkaroon ako ng break tapos nagtuluy-tuloy na yung acting .

“So, medyo nawala yung writing. Pero ngayon it’s time to go back to it.”

Kuwento pa ng 30-year-old actor, nais rin niyang magsulat para ng shows para sa mga TV networks. Kaya naman una niya nang sinubukan ang magsulat para sa Sunday drama anthology program ng GMA, ang Magpakailanman.

“Gusto ko na siyang gawin ulit. Kaya unti-unti, gumagawa ako ng mga small projects… paisa-isang projects lang like yung sa Magpakailanman para lang pang-warm up siguro.

“Pero eventually, I wanna create my own shows. As in daily na TV show for GMA, ganun.”

May balak ba siyang magsulat rin para sa pelikula?

Sagot ni Ping, “Actually, nakikipag-colaborate talaga ako sa mga kaibigan ko.

“Tapos ngayon, kay Dad [Pen Medina]. Meron siyang concept na matagal niya nang concept.

“So, ako yung nagsusulat for him, parang nagko-collaborate kami.

“Meron siguro ako ngayong at least dalawa na dinedevelop pero matagal… matagal ako magsulat, e.

“Parang ayaw namin madaliin yung film kasi one time, big time lang yun, e.

“So, gusto namin mahinog siya sa tamang panahon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN