OTJ (On The Job) chosen as The New York Times' Critics' Pick

Hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa ibang bansa ay lumikha ng ingay ang pelikulang OTJ (On The Job) na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson (left), at Joel Torre (right).


Pati sa ibang bansa ay lumikha ng ingay ang OTJ (On The Job) dahil pati ang isang kilalang online news site at film-review source website ay nagbigay ng positibong feedback para sa pelikula.

Matatandaang umani ng magagandang review ang pelikula nang ipalabas ito sa Pilipinas noong Agosto. Ayon sa Twitter account ng OTJ (On The Job), narito ang description ng naturang crime thriller: "Based on an actual corruption scandal in which prisoners were released on day passes to work as hitmen."

Si Joel Torre ang gumanap na hitman at si Gerald Anderson ang gumanap bilang protege nito. Si Piolo Pascual ay ang NBI agent na nag-iimbestiga tungkol sa corrupt prison system at ang involvement ng military sa anomalya na ito. Kasama niya si Joey Marquez at Rayver Cruz sa paghahanap ng katotohanan. Si Michael de Mesa ay ang politician father-in-law ni Piolo na nagsisilibing mentor niya.

Sa website ng New York Post, sinulat ni Farran Smith Nehme ang review na kinilala ang mahusay na pagganap ng cast members ng OTJ: "The film is stocked with familiar, even if well-played, types: the weary old guy looking to get out of the criminal life (Joel Torre), his young hothead partner (Gerald Anderson), the handsome young cop from a good family (Piolo Pascual)."



Michael de Mesa (left) and Piolo Pascual in one of the scenes of OTJ (On The Job)

Ni-review ng The New York Times online ang OTJ na napili bilang NYT Critics’ Pick na isinulat ni Jeanette Catsoulis noong September 26, 2013.

“Arresting” ang paglalarawan ni Catsoulis sa pelikula. At dagdag pa niya sa review, “Drawing energy from the rough-and-tumble seediness of its Metro Manila setting, this raw, twisty crime drama from the Filipino director Erik Matti begins with a blown-off face and never looks back.”

Nakatanggap naman ng 100-percent critics rating score ang nasabing pelikula sa Rotten Tomatoes, ang number 1 review source sa U.S.

Ipinalabas ang OTJ sa U.S. at Canada noong September 27 sa higit 25 theaters. Kabilang sa mga lugar kung saan ito napanood ay New York, Los Angeles, San Diego, San Francisco/Bay Area, Dallas, Chicago, Houston, Washington, Hawaii, Las Vegas, Toronto, Montreal, Vancouver, Alberta, at Manitoba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN